Chapter 21

1.6K 33 0
                                    

"Pare busy ka ba ngayon....Okay sige pupunta ako d'yan ngayon, may gusto lang akong malaman sa iyo. Okay- okay.... Sige-sige." Aniya sa kabilang linya ng telepono.

Nasa San Juan na man siya, tumuloy na siya sa Bel-air sa Makati. Sasadyain muna niya si Allen may gusto lang siyang malaman. Ilang saglit pa nasa loob na siya ng subdivision, at nasa kabilang block na lang ang bahay ng kaibigan niya.

Nang mag magbusina siya, ay agad namang bumukas ang malaking gate. Ilang saglit pa binaybay na niya ang kahabaan ng drive way. Sinalubong siya ni Allen.

"Pare napasugod ka kahit gabing-gabi na." Salubong nito sa kanya.

"Pasensiya ka na Pare importante lang. Hindi ko na ito mapag bukas pa, meron akong flight bukas ng eight ng umaga."

"Halika doon tayo sa library andoon si Rhea." Yaya nito at tumalima rin siya rito.

"Oh Rake, napasugod ka," Nakangiting salubong sa kanya ng isang napakagandang babaing buntis. Nilapitan niya ito at siya na mismo nagbigay ng halik sa pisngi nito.

"Oo nga eh, mukhang malapit ng lumabas ang magiging inaanak ko ha."

"Yea next month na nga eh." Habang tutok na tutok ang mata nito sa laptop habang nag su-surf.

"Honey okay lang ba na dito kami ni Rake muna, may pag-uusapan lang." Wika ni Allen sa asawang buntis.

"Yea sure... basta ba makikinig lang naman ako."

"Okay, thank you Rhea, kung hindi lang ako paalis tomorrow di ko kayo sasadyain ng ganitong oras, am sorry." Very apologetic na sabi niya rito.

"Its okay...."

Nang muling bumalik si Allen may dala na itong isang bote ng cognac at dalawang kopita.

"Remember Pare, last two months ago nong stag party mo," Basag niya rito.

"Yea and why...." Nag aalanganin pa siyang magkwento kasi nasa malapit lang ang asawa nito.

"Yea... sige na Pare, okay lang iyan kay Mrs. Alam naman niya lahat eh, transparent yata ako." Pilyong sabi nito na anyong nagmamalaki at nilingon pa ang asawa nito.

"Natatandaan mo pa ba iyong star dancer na pinanregalo ni Eric sa iyo." Tumango ito sa kanya.

"Ah iyong sexy, sayo niregalo kamo ni Eric." Buska nito at sabay pa silang napahalakhak.

Sa pagkakataong iyon na ikwento na niya ang dahilan kung bakit siya nandoon.

"You mean, Accountant ninyo ito sa El'?"

"Yea, hindi nga ako makapaniwala na tauhan ko siya...."

"Mukhang natalisod ka pare ko iba ang ngiti mo, Alam mo Pare iyo na iyan, tingnan mo parang inilapit naman sayo, diba hindi ka ba nagtataka." Napangiti lang siya.

"May camera ka ba sa condo mo pare?"

"Bakit? wala naman.... Anong problema."

"Nangingilag kasi sa akin si Jam, pinagbibintangan akong ginawan ko raw siya ng video, alam mo na patok ngayon ang scandal."

"Pare naman, wala bakit naman ako maglalagay noon."

"Hon...excuse me, makikisali lang muna ako ha," Biglang singit ni Rhea sa kanila na ikinalingon nilang dalawa rito.

"I'm sorry honey, nagpalagay ako roon pasensiya ka na hindi ko sinabi sa'yo. I wont to indeed your privacy, kaya part of circumstances, I don't indicate your privacy honey. Sa living room lang naman, wala sa kwarto, may privacy ka pa naman kahit kunti." Kagat-kagat nito ang pang ibabang labi nito."

Strip For A Night (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant