Chapter 23

1.7K 43 3
                                    


Please don't forget to Vote & Comment! Follow me @B_jewel so you can read my another stigma BEDMATES and ALEXANDRA THE BRAT........ Much B_jewel

-------------------------------------------------------------






Nagbabaga ng apoy ang mga mata ni Rake ng mga sandaling iyon. Tanaw sa kina-uupuan niya ang lobby kung saan makikita ang paroon at paparito ng mga tao. Hindi siya maaring magkamali si Jamela iyon. Kitang-kita niya kung gaano kagiliw ang dalaga sa lalaking sumalubong dito. Halos pukpukin niya ang mesa ng mga sandaling iyon. Kung wala lang siyang ka-meeting na mga kapwa mga negosyante ay baka kinalagkad na niya ito papalayo sa lalaking iyon.

Ayaw niyang gumawa ng eskandalo, kahit gustong-gusto niyang pilipitin ang leeg ng lalaking kasama nito sa sobrang galit na nadarama niya ng mga sandaling iyon. Kung hawakan nito si Jamela wari mo'y pag-aari na nito. Hindi lang iyon. Halos tusukin niya ang lahat ng mga mata ng mga kalalakihan napako ang tingin sa dalaga. Pati na ang mga ka-meeting niya ay nakuha rin nito ang mga atensiyon. Parang gusto niyang takbuhin ang mga ito at ipag sigawan sa mga pag mumukha ng mga ito na pag-aari na niya ang dalaga. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.

Sinong hindi lilingon kapag nahagip mo ng tanaw ang dalaga. Napaka ganda nitong tingnan. Napaka sexy nito sa suot na raffles skirt na halos umabot ng ng kalahati ng hita nito. Damn! Those little skirt! Lalong nangagalaiti ang pakiramdam niya ng mapansin niya nasa tuwing pag imbay ng mabibilog na balakang nito ay sumusunod ang laylayan ng maigsi nitong palda.

Shit! Oras na mahawakan niya ang kakarampot na tela na iyon, sisiguruhin niyang hindi na nito iyon mapapakinabangan pa. Parang perlas ang kulay ng kutis nito. Na lalong nagpapainit ng ulo niya. Hindi rin nakalampas sa paningin niya ang suot nitong straffy sandals na ubod ng taas. Hindi ba nito alam na bawal mag suot ng ganoon na kataas ang isang babaing buntis. Papano kong madulas ito. Habol niya ng tingin ito, batid niyang sa elevator na ang tinutugma ng mga ito.

Shit! Hindi tuloy siya makapag concentrate ng mga sandaling iyon. Iniisip niya ang dalaga. Damn! subok-subukan lang nitong na kantiin si Jamela mapapatay niya ito. Kung hindi lang kabastusan sa mga kapwa negosyante ay gustong-gusto na niyang tumayo sa kanyang kinauupuan.

Itinanghal siya bilang bagong meyembro ng Makati Business club. Dating member rin ang kanyang ama, ngunit naging maaga ang pagkamatay nito. Hindi nag karoon ng time noon na maipakilala siya sa larangan ng buhay na ikinabibilangan nito.

Ngayong pinamamahalaan niya ang EL' nagkaroon siya imbitasyon na makasama sa ganoong uri ng organisasyon. Natutuwa siyang kinilala ang kanyang kakayahan bilang isang negosyante sa mura pa niyang edad. Siya ang tinanghal na the Young Business tycoon of the Asia. Malugod niyang tinagap ang titulong ipinag kaloob sa kanya.

Habang lumalaon ang gabi, patuloy dumadagsa ang mga tao sa lugar na iyon. Nasa isang magarang Function Hall sila ng Manila Penensula. Kanina pa siya aligaga, parang gusto na niyang takasan ang kanyang mga kaharap. Batid niyang katulad rin niyang busy ang mga ito sa kanya-kanyang daily routine.

Ngayon lang sila nag bigay ng panahon at oras para makapag-usap at magkatipon-tipon. Gusto man niyang umalis ay hindi pwede. Iyon lang ang kanyang time para makilala at makadaong palad ang mga kilalang negosyante sa buong bahagi ng bansa.

Habang lumalalim ang gabi, dumadami ang taong dumarating, halos iyong iba nakakabunguan siko na rin niya sa mga dinadaluhan niyang mga gatherings. Matapos ang Business conference ay nagkaroon na ng kanya-kanyang grupo ang iba. kaya ang iba ay nagkakasiyahan na ng mga sandaling iyon. Halos kung saan siya tumingin ang daming magagandang kalahi ni Eba na wari mo'y isinabog doon. Ngayon lang siya parang nawalan ng interest na lumapit at makadaong palad ang isa sa mga ito.

Strip For A Night (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя