Chapter 14

1.7K 32 0
                                    

"ALAM mo Jam, sayang hindi mo nakita ang CEO natin, super sa duper sa pogi. Medyo Bossy nga lang. Mukhang mahigpit, hindi katulad ni Boss Eric, itong isa na ito very observant. Kanina ba naman, nag dudumali kami ni Maribeth ay nasalubong namin iyon sa corridor, hindi naming alam na iyon na pala ang CEO." Mahabang lintaya nito.

Isang pilit na ngiti lamang ang sinukli niya rito. Habang patuloy pa rin siya sa pag rerepaso ng mga papeles na hawak niya. Ilang saglit pa lumipat naman si Maribeth sa kinaroroon nila. Kasamahan din nila ito, at kapwa na dalaga pa rin. Mas matanda nga lang ito sa kanilang dalawa ni Chelsea.

Isang oras ba bago ang uwian kaya, kaya tinapos pa niya iyong mga Binabalanse niya. Pero itong mga to ready na atang umuwi. Naghuhuntahan na sa harap ng lamesa niya. Parang nag sulputan na parang mga kabote ang mga ito sa harap niya at nagdaldalan na.

"Hoy Maiba ako ha.... alam n'yo ba may nag blue-tooth ba naman sa akin ng sex scandal ni Sen. Laila de Lima na iyan saka iyong driver niya, during na nasa Function Hall tayo kanina. Gosh... grabe scam siguro iyon kasi di ko mapanood eh, ang galing ng pagkagawa. Nakakaawa din ano biruin mo hangat di siya tumitigil sa kakabatikos sa Administration ay lalo pa siyang gawan ng scam."

"Hay naku uso talaga ang mga scammer ngayon kaya dapat mag ingat talaga ngayong panahon. Di ka na nakakasigurado."

"Talaga! Patingin nga..." Nandidilat namang sabi ni Chelsea.

"Scam nga ayaw gumana. Nakalagay lang the tuwad queen iyon lang iyong caption. Walang kwenta iyong scandal ni de Lima. Mabuti pa iyong kay Mang Karyo patok pa."

"Narinig ko na iyan sa Kapatid ko, paki pasa nga sa akin iyong kay Mang Kardo." Ani ni Chelsea.

Talaga naman, iba rin ang trip ng Chelseang to. Napapailing lang siya sa kanyang mga naririnig, habang patuloy pa din niyang nererpaso ang kanyang trabaho.

"Anong Kardo? Walang Kardo, walang scandal si Cardo Dalisay... Karyo lang ang meron."

"Ke Kardo or Karyo ipasa mo." Nakikinig lang siya sa usapan ng mga to. Gusto man niyang itaboy ito ay hinayaan niya lang.

"Sige ipapasa ko sa inyo mamaya, huwag ka lang maingit! Hindi tuloy me kanina makapag concentrate during na nag di-deliver si Big Boss. Paano ba naman ang buong atensiyon ko kung kanino ng galing iyon. LG ang unit ng cell-phone nito, sa daming may LG dito sa loob ng Kompanya ay mahirap ma-trace na. Ang bastos talaga niyon." Nagagalaiting sabi nito.

"Oh bakit parang naiinis ka d'yan eh obvious naman na excite ka iyon nga lang nakakainis kasi Ayaw mag play!" Hindi niya naiwasang sumagot habang minamasahe niya ang kanyang sintido.

"Relax, paano ba naman kasi, kaya ka pinadalhan siguro niyan para gisingin ang natutulog mong init d'yan sa katawan." Singit naman ni Chelsea habang poised na poised pa rin ito, na ikinaiiling niya.

"Ah basta...nababastusan ako sa sender na iyon."

"Hay naku Maribeth, baka sinadya talagang ipadala iyan sa iyo, para maalis ang pagiging Frigid mo! Saka alam ng sender na iyan na wala kang boy friend kaya siguro L na L sa iyo, at may posibilidad na nais nitong buhayin ang patay mong dugo." Nakikinig lang siya sa palitan ng kuro-kuro ng mga ito.

"Hay naku, di na umaapekto Chelsea! Ipasa ko sayo pero iyong kay de lima walang kwenta pero ipapasa ko pa din."

"Ganon! Sige nga ng mapanood at huhusgahan ko."

"Okay, sayo rin Jam, ipapasa ko rin."

"Naku wag na! Beth, low-bat ako eh." medyo nag stammer pa siya sa pagsagot rito.

"Sus....ayaw pa kunwari nito....o ayan open mo na blue-tooth mo, marami kang makukuhang tips niyan, magandang I-apply." Naka smug pa nitong sabi na sinabayan pa ng nakakalukang ngisi nito.

Strip For A Night (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu