Chapter 15

1.8K 33 0
                                    


"Oy.... Jam... talaga lang in-demand ang beauty natin ngayon ah.." Bungad ni Maribeth sa kan'ya,  pagkarating-rating pa lang niya ng umagang iyon. Hindi pa nga siya nakaka upo sa cubicle niya. Nandito na agad ang mga ito sa harap niya.

"Iba talaga ang nagagawa ng ganda ng beauty natin." Nakangising sabi nito sa kanya.

"Hoy Maribeth, si Jam lang ang may beauty, sinama mo naman ang sarili mong bangko." Singit naman ni Chelsea.

Maaga pa nag huhuntahan kaagad ang mga ito, at mukhang ang gaganda ng mga gising. Parang mga bubuyog na naman ang mga ito.

"Asus, kung sinabi mo agad di sana isinama ko na lang rin ang pangalan mo, di- bali uulitin ko na lang."

"Hay naku pwede ba umagang- umaga, doon nga  kayo sa table ninyo. At saka bakit ninyo nasabing in-demand ang beauty ko naman?" Pagtataray niya sa mga ito, pero may ngiti pa rin siya sa kanyang mga labi.

Mabuti na lang maganda ang gising niya ngayong umaga. Hindi siya nakaramdam ng pagkahilo ngayong umaga. Siguro dala ng labis na puyat niya ng mga nakaraang araw kaya naman sa tuwing gigising siya tuwing umaga ay nakakaraamdam siya ng pagkahilo at sumasama ang pakiramdam niya. Mabuti na lang ngayon hindi siya inaataki ng pagiging anemic niya, kaya naman balik normal ang araw niya.

"Abay akalain mong nagtanong rito iyong assistant ni Madam Gloria, kung meron raw bang staff ritong, iyong may rosy cheeks, her go't a brown and tantalizing eyes. Her nose was small and firm. She had a reddish lips. She was tin and small. She had a long black and shinny hair. And she looked like a beautifull doll.  Akalain mo ba naman tumugma ang lahat ng iyon sa iyo. Ganon ka inihambing ni Emms, sayang nga hindi pa sinabi kung sino ang nagpapatanong at kung sino ang may utos ayaw naman sabihin, basta raw hanapin lang daw ang may ganoong physical appearance, nak's ha! sikat ka na sis." Na may panuksong ngiti ni Chelsea.

"What!" Narinig niya ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Mabuti na lang nakaupo na siya sa kanyang swivel chair at kung hindi ay baka natumba na siya sa kanyang mga narinig. Nag flash back kaagad sa isipan niya ang ginawa niyang kalokohan.

"Sabi ko, para kang dinu-drawing ni Emms ng buhay sa kanyang imahinasyon, lahat ng binangit ni Emms kung meron raw bang staff dito na ganon ang itsura. Eh halos naman tumugma sa beauty mo ang ibig niyang tukuyin. Wala naman lang nagtugma sa akin kahit isa." Nakuha pa nitong magbiro.

"Why? Bakit?" nag s-stammer na sagot niya.

Hindi niya maunawaan kung bakit nagtatanong ang assistant ng secretary ng big boss nila na naghahalintulad pa sa kanya ang lahat ng mga sinabi nito.

"Abay ewan! Siguro na tomboy sa iyo..
"Ayaw mo noon patok ang beauty mo." Nasapo niya ang kanyang noo, umagang-umaga lalagnatin pa ata siya sa kanyang mga narinig.

Napapailing siya, sa mga patutsada nito, nang lumingon siya sa dulong bahagi, ay halos lahat ng ka-office mate niya ay sa kanya nakatingin ang mga ito. Lalo na ang mga kalalakihan. Nakaramdam tuloy siya ng discomfort. Hindi niya alam kong papano ba niya, makikiharapan ang mga ito. Nahihiya siyang di niya mawari.

Ipinilig niya ang kanyang ulo, pumapasok naman sa isip niya na nagkaroon siya ng sex scandal, kaya siguro lahat ng tao nakakasalamuha niya ay pinagtitinginan siya dahil napanood ng mga ito ang katangahan niyang nagawa.

Napa-paranoid na naman siya, dapat na siguro siyang mag patingin sa psychiatrist ng mabawasan ka-praningan niya. Baka mamaya lang isa na siya sa mga nakahiga at nakaupo sa ilalim ng mga under pass pag nagkataon.

"Tingnan mo nga naman halos dito lahat ng guy dito sa department natin ay hindi nila maiwasang tingnan ka ngayon. Kung noon palihim lang sila kong makatingin, dahil laging may bantay ka, but now, sa susunod na mga araw pipila na rin ang mga iyan sa iyo, makikita mo." Napatingin muli siya sa kanyang mga kasamahan.

Strip For A Night (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant