Chapter 2

10.2K 345 5
                                    

Zinnia's POV

"Zinnia andoon na 'yung sundo natin."sabi niya at itinuro ang isang lugar kung saan may mga lalaking matitipuno ang katawan at kapwa nakatuxedo ay may ray ban.

Pagkadating ko doon ay agad kong hinanap ang Butler namin.

"Butler Josh."

"Yes, Young Lady?"tanong niya atsaka yumuko ng bahagya.

"I need my car right now. In 3 minutes."sabi ko at humalukipkip.

"Right away, Young lady." sabi niya at umalis na sa harap ko at may dinial na sa phone.

Exactly 3 minutes ay nandito na 'yung kotse ko.

Lamborghini Adventador.

"Here's the key, Young lady."sabi ng driver kaya agad ko namang kinuha ito at sumakay sa kotse ko. Binaba ko na muna 'yung windshield.

"Bumalik nalang kayo doon sa mansion."

"But-----"

"No buts, Butler Josh. I can handle myself no need to worry."sabi ko at pinaharurot na ang kotse ko.

I'm Zinnia Shelbe McClain 18 years of existence. One of the richest daughter in and outside the country. One of the Bravest and toughest gangster in the Underground. Kilala ako bilang si Merciless Bitch. I kill people without mercy. I'm a Reckless Gangster and don't you dare messed up with me if you don't wanna die yet. Love? I don't give a shit about love. It's just a waste of time.

Pinark ko na muna 'yung kotse ko sa may gilid ng kalsada at pumunta sa puntod ni Daddy.

Matagal-tagal narin ng huli akong pumunta dito sa puntod ni Daddy. Ngunit kahit matagal na panahon na iyon ay alam na alam ko parin ang puntod kung saan naroroon ang pinakamamahal kong ama.

"Hi dad! I miss you."sabi ko. Hinaplos ko ang pangalan niya at naramdaman ko nalang na naluluha na pala ako.

Dad is one of my weakness. My dad is a gang leader of Lionhearted Gang. Pinag-iisipan ko pa kung ako na ang magiging bagong leader ng Gang na iniwan niya. Nagkabuwag-buwag na kasi 'yung mga gangmates ni daddy after that accident; my mom is his gangmate too. Pero hindi na nag-abala pa si mommy na ayusin ang nasira nilang gang. Namatay si dad dahil sa gang war. Natamaan si dad sa ulo sa tiyan at sa puso. Maswerte nga 'yung bruhilda kong nanay na hindi siya 'yung namatay. I'm only 13 years old back then and right now I want to take vengeance on behalf of my dad. Hinding-hindi ko papalampasin ang ginawa nila sa daddy ko.

Fresh pa 'yung alaala na 'yun kesa sa bangus niyong kinakain ngayon.

"Maghihiganti ako."sabi ko kay dad at biglang humihip ang malakas na hangin. Hindi ko pa nalimutan ang mukha ng mga pumatay kay dad. Hinding-hindi ko malilimutan 'yun. And for me, this is a good thing na pinauwi ako dito sa Pilipinas. Okay na 'yung limang taon na pagtitimpi ko sa galit ko. Tama na 'yun.

"Don't worry dad. Kahit itataya ko pa ang sarili ko sa kapahamakan mapaghiganti lang kita ay gagawin ko 'yun." bigla namang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang kulog at kidlat.

Nanatili parin akong nakaupo don at patuloy parin ang pagpatak ng aking mga luha. Gabi na nung natapos na 'yung ulan kaya napagpasyahan ko narin na umuwi na para masimulan ang paghahanap sa mga gunggong na 'yun. Kung saan na sila at kung ano na 'yung mga ginagawa nila.

Nang dumating ako sa mansion ay agad kong nakita si Ate Perla na nakahiga sa sofa at may hawak-hawak na payong siguro ay hinihintay niya akong dumating at nakatulog sa tagal ng paghintay niya sakin.

"Ate? Ate Perla."sabi ko habang niyuyogyog ang balikat niya minulat naman niya ang mata niya at biglang tumayo.

"Nako Zininia! Bakit basang-basa ka?! Nako halika at magpalit ka muna ng damit mo!" Sabi niya na parang natataranta.

"Alam mo Ate kung makaasta ka parang kamag-anak kita!"sabi ko at ng natatawa pa. Biglang natahimik naman si Ate Perla dahil siguro sa sinabi ko.

"Ate? O-okay lang po kayo? Namumutla po kayo."

"H-hindi okay lang ako. Uhm, Sige punta ka na muna ng kwarto mo at magpalit kana. Magkasakit ka pa niyan. Bumaba ka nalang rito pagkatapos mong mag-ayos."sabi niya at tinapik tapik ang balikat ko at pumunta na ng kusina.

"Anyare d'on?"napapailing akong naglakad sa taas papunta sa kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at nakapagtataka lang na wala na 'yung mga katulong dito. Tinignan ko naman 'yung malaking wall clock at 1:00 a.m na pala ng madaling araw? Ay shet! Akala ko pa naman ay gabi pa lang.

"O andito kana. Halika umupo ka dito at kumain kana muna."

Umupo naman na ako. Ang haba haba ng lamesa pero ako lang ang kakain dito.

"M-masakit ba 'yung ulo mo?"tanong ni te Perla sakin, nung tumingala ako para tignan ko ang mukha niya ay halatang worried siya sakin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala.

Ikaw kasi Zinnia! Worried lang 'yung tao kung ano-ano na 'yung iniisip mo.

"Hindi naman po. Thank you po."sabi ko at natapos na akong kumain.

"Walang anuman. Sige matulog kana."sabi niya at sinunod ko naman siya kaagad.

PERLA's POV

"Walang anuman. Sige matulog kana." sabi ko kay Zinnia at tumango naman siya at lumakad papunta sa kwarto niya.

I'm Precious Laine McClain pinsan ako ni Zinnia. Ito ang huling utos ni Tito Sebastian sakin bago siya mamatay. And correction, I'm already 25 years old. Gangster rin ako. Lahat ng mga kasambahay dito at mga bodyguards ay mga gangster. Nasa dugo na talaga namin ang maging gangster. At alam ni tita Alyanna na ginagawa ko 'to dahil ito ang huling utos ni Tito Sebastian sakin. Nakita ko lahat ng pangyayari kanina sa kanilang dalawa ni Tita Alyanna.

FLASHBACK

Pagkatapos umalis ni Zinnia ay pumunta kaagad siya sa kwarto niya. Lumapit naman ako kaagad kay tita.

"Tita..."

"Pakisabi sa tito mo na sorry dahil sinampal ko ang anak namin ha? H-hindi ko na kasi a-alam ang gagawin ko."sabi niya.

"Tita mawalang galang na po. Sana po ay hinabaan niyo pa po ang pasensya niyo. Dahil sa ginawa niyo kanina ay mas lalong magagalit sayo si Zinnia. Oras po ang kailangan niya sa inyo at pagmamahal. Tignan niyo po ako, hindi ako naging rebelde dahil sa pagmamahal na ibinigay nina mom at dad sa akin kahit na namatay na sila. Alam mo po ba na napakaswerte niyo dahil hindi kayo namatay sa gang war? You should cherish this moment tita. You really should be."sabi ko at hinimas himas ang likuran ni tita Alyanna.

"I'm sorry.... I-im sorry... Sorry Zinnia."sabi niya at patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata.

"Di bali po maayos niyo pa po 'yung problema niyo. Sige po puntahan ko na muna ang pinsan ko. Magpahinga na muna kayo."sabi ko at pinuntahan na si Zinnia.

FLASHBACK ENDS

Kaya na naman hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sinapit ni Zinnia. She's actually the sweetest girl I've ever met before his father died, but look at now, the table has finally turned. The girl who's lovable, caring and understanding girl is now a girl who you'll never wish to messed up with.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <3333

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now