Chapter 30

4.5K 124 1
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********



|Chapter 30|

KHARA's POV

"Surprise Babe"sabi ko as I claimed his lips.

Damn! Miss na miss ko na talaga ang lalaking 'to!

Hindi ko inaasahang itulak niya ako kaya napaupo ako sa damuhan.

"What the hell Khara?!"sigaw niya sakin.

"You've change a lot, babe"sabi ko sa kanya at umaktong naiiyak.

FLASHBACK

3rd year highschool ng nakilala ko si Lowie. Nandoon siya sa may garden at nagbabasa ng libro. I was a simple girl back then. Head over heel talaga ako sakanya. Dahil kahit saan anggulo mo siyang tignan gwapo siya.

"Hi Lowie"bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at hinead to foot niya ako.

"Kailangan mo?"tipid na tanong niya.

Minsan nakakatakot siya. The way he talk parang monster.

"Pwede ba tayong maging kaibigan?"tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Di ko kailangan ng kaibigan"sabi niya at tumayo na at umalis.

"Aish. Mukhang mahihirapan ako sayo ah"bulong ko sa sarili ko.

Matagal-tagal ko ring kinulit si Lowie na maging kaibigan siya hanggang sa isang araw. Naglalakad lang ako pauwi galing sa school. Gabi narin kasi at tumakas ako sa driver namin. Gusto ko rin kasing maglakad lakad pauwi.

Paliko na ako sa kanto ng may makita ako ng mga lalaking nag-iinuman. Lalampasan ko lng sana sila pero bigla kong hinarangan ng lalaking malaki ang katawan.

"Wow.... Jackpot tayo pre... May magandang dilag sa harapan natin ngayon."sabi ng lalaking may piklat sa mukha niya.

"Miss... Nag-iisa ka lang ba? Gusto mo bang sumama samin? Papaligayahin ka namin"sagot naman ng isang lalaki na payatot.

"Tumabi nga kayo diyan. Uuwi na ako"sagot ko tumakbo ako sa gilid ng lalaki pero nahablot niya ang buhok ko.

"Hep. Hep. Hep! Dito ka lang"sabi niya.

"Araaaay!"

"Hoy! Bitawan niyo siya"kilalang kilala ko ang boses na 'yan.

"Lowie.. "

"Aba't pakealamero ka ah! Sino kaba ha?"tanongg isang lalaki.

"Sino ako? Boyfriend ng babaeng sinasabunutan mo"sabi niya. Napaawang naman ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko. As in 'yung super duper laki talaga.

"Ohoy.... Kami muna harapin mo"sabi ng lalaki at susuntukin na niya sana si Lowie pero nakaiwas siya sinuntok siya ni Lowie sa mukha at binigyan ng malakas na sipa ang ulo niya. Sumunod naman ang lalaking may piklat sa mukha na may dalang kahoy. Ihahampas niya sana ito kay Lowie pero nakailag si Lowie at gumulong papunta sa paanan ng lalaki siniko niya ang tuhod kaya na out of balance ito.

"Oh ikaw? Wala ka bang balak na bitawan siya?"tanong ni Lowie sa lalaking hanggang ngayon ay hawak hawak parin ang buhok ko.

Hindi na nagsalita ang lalaki at kumaripas kaagad ito ng takbo.

Lumapit si Lowie sakin at itinaas ang mukha ko.

"Sa susunod. Wag kang lalakad lakad sa madilim na parte. Lalo na't ikaw lang mag-isa. Wag kang tanga"sabi niya sa akin at sinimulan na ang paglalakad.

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now