Chapter 35

4.8K 138 2
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********


|Chapter 35|

ZINNIA's POV

"O pre kanina pa namin kayo hinihintay. Tara na may reserved table na tayo don"sabi ni Shone.

Pumunta naman kami sa reserved table na sinasabi ni Shone at agaw pansin talaga kami. Makasama mo ba naman ang Viper paniguradong pagtitinginan talaga kayo.

Pagkaupong-pagkaupo namin ay nagulat nalang ako ng may pumunta sa gitna na may dalang microphone.

"Hey Guys! Enjoy your meal! Dapat magpakabusog talaga kayo ngayon. Well, pagkatapos niyong kumain free kayong gumala within the perimeter lang. Got it? Dahil kung lumampas kayo sa perimeter dito at may masamang nangyari sainyo. Hindi na namin kasalanan 'yun. Then, tomorrow's start na natin 'yung mga games na ginawa namin. So, for your safety. Just follow the simple rules. Okay?"sabi ni Miss Terror.

"Yes Mam!"sabay na sagot ng mga estudyante.

"OMG! We can do whatever we want! So, ano? Swimming tayo mamaya?"tanong ni Mayshien sa amin.

"Sure!"sabi ni Crizel at tumingin sakin. "Ikaw Shelbe? Sasama ka?"tanong niya.

"Hindi"tipid kong sagot at kumuha na ng pagkain ko.

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa pagkakaupo ko.

Sinimulan ko na ang pagkain ko pero nagulat ako sa biglang may nagsalita.

"Hey where's Lowie?"tanong nito. Tumingala naman ako at nakita ko si Khara at tinanggal ang sunglasses niya. Nabilaukan naman ako dahil hindi ko inaasahang pupunta siya dito.

"OMG! Shelly! Are you okay?! Heto, tubig"sabi ni Mayshien tinanggap ko naman ito at saka ininom. Hinagod hagod niya naman ang likuran ko.

"Khara?"

"OMG! Si Khara 'yan diba?"

"Diba siya 'yung sikat na model?"

Napuno ng bulungan ang loob ng Dining Hall. Pero ni isa ay walang lumapit sa kanya dahil narin sa nandito ang Viper. Marami kasing takot sa Viper kaya hanggang tingin nalang sila.

"Khara? What are you doing here?"gulat na tanong ni Lowie.

"Oh Hi babe! Sinundan kita dito"sabi ni Khara at hinalikan si Lowie sa pisnge at saka niyakap siya sa braso nito.

"Gross"bulong ko at sinimulan ulit ang pagkain ko.

"Khara naman eh. Outing namin 'to...."

"Enough, babe. Wala namang masama ah."sabi niya at umupo sa tabi ko kung saan 'yun ang upuan ni Crizel.

Hindi pa kasi dumadating si Crizel dito kasi mahaba pa ang pila kasama niya si Leondre.

"Hoy! Sino nagsabi sayo na diyan ka uupo? Kay Crizel na diyan no"sabi ni Mayshien sakanya.

"So what?"sagot nito at inirapan si Mayshien. Nagulat nalang ako ng biglang buhusan ni Mayshien si Khara ng ubig sa ulo.

"You deserve that, bitch!"sabi ni Mayshien at sabay middle finger kay Khara.

Narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante.

"What the hell?!"sigaw ni Khara at tumayo pa.

"Susugurin na sana ni Mayshien si Khara pero tumayo na ako.

"Pwede ba tama na?! Konteng respeto naman kumakain ako dito oh!"sigaw ko sa kanila. Kumalma naman si Shelbe at saka bumuntong hininga.

"Pasalamat kang malandi ka at nandito 'tong si Shelbe! Kung hindi baka makalbo kana!"sabi ni Mayshien habang tinuro-turo pa ni Mayshien si Khara.

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now