Chapter 31

4.4K 136 7
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 31|

ZINNIA's POV

Padabog akong pumasok sa bahay ni Lowie. Pero nung nakita ko sina Mayshien na naglalaro ng cards sa salas ay kinalma ko na muna ang sarili ko. Alam kong maraming tanong nanaman 'yang mga 'yan.

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay pumunta na ako sa kanila.

"May pagkain paba?"tanong ko.

"Ah oo! Punta ka lang dun sa kusina"sagot ni Crizel na seryosong nakatingin sa cards niya.

"Okay"tipid kong sabi at pumunta na sa kusina.

Adobo 'yung ulam namin. Infairness kay Mayshien. May alam rin pala sa mga lutong bahay.

"Ba't ikaw lang mag-isa dito?akala ko ba sinundan ka ni Lowie?"biglang may nagtanong pagkaharap ko si Leondre pala. Dumeretso siya sa may refrigerator at kinuha ang tubig.

"Aba malay ko ba. 'Wag mong hanapin sakin ang nawawalang aso"sagot ko at saka subo ng pagkain.

"LQ kayo?"tanong naman ni Crizel.

"Aish! Bumalik na nga kayo don"sagot ko at inirapan silang dalawa.

"Hmmm.. Mukhang may LQ nga"sagot ni Leondre at hinatak paalis si Crizel. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nila.

"LQ? Ni wala nga kaming relasyon. Tss"sabi ko nalang at agad na tinapos ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa salas. Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Lowie na may kasamang babae.

"O Lowie? Sino siya?"tanong ni Mayshien sa kanya.

"Ah.... Si .... Si ano..... Khara f------"

"I'm Khara Mae Johnson, he's girlfriend. Got a problem with that?"tanong ng babae kay Mayshien habang naka taas ang kilay.

"Well, I thought he was courting Shelbe. Right Lowie?"biglang sagot ni Crizel habang naka crossed arm.

"No. Hindi niya nililigawan si Shelbe. That was a joke"sagot ni Khara.

"Is that true Lowie?"tanong ni Leondre sakanya.

"Guys. Hindi ako nililigawan ni Lowie. Totoo 'yung sinabi ni Khara. Joke lang ang lahat"sabi ko habang naka crossed arm na natingin sa kanilang dalawa.

"See? I told you."sabi ni Khara habang nakangiti ng napakalapad.

Hindi naman nagreact si Lowie sa sinabi ko at hindi rin siya nakatingin sakin.

"Well, siguro matutulog na ako. Maaga pa kasi tayo bukas. Goodnight guys"sabi ko and I forced a smile. Kumaway ako sa kanila habang nakatingin kay Khara na naka evil grin.

Tsss. As if.

Habang naglalakad ako ay pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko. Hanggang sa tuluyan na ako nakapasok sa kwarto ko at doon na lumabas ang mga luha ko na kinina ko pa pinipigilan.

Humagulgol ako sa pag-iyak ko ng nakita ko silang dalawa na magkawak ang kamay. Ni hindi nga nagreact si Lowie eh.

"Ang sakit.... Ang sakit sakit"sabi ko habang nakasandal sa pintuan at padausdos na umupo sa sahig.

Nilagay ko ang ulo ko sa mga tuhod ko pero patuloy parin ako sa pag-iyak.

Akala ko ba mahal niya ako? Laro lang ba ang lahat?

First Love, First Heartbroken.

Sabi ko na nga bang walang may magandang maidudulot 'yang pag-ibig na 'yan eh. Ba't kasi nadala ako sa mga sweet talks niya. Tangina this.

Nagpaloko ka Shelbe! Ang tanga-tanga mo!

Humagulgol lang ako. Kahit na pilitin kong itigil na ang pag-iyak ko ay hindi ko magawa. Kaya hinayaan ko nalang ito na pumatak sa mga mata ko.

Si Zinnia na malakas? Si Zinnia na walang sinasanto, umiiyak sa isang lalaki? Wow! Bago 'to ah.

Napatawa naman ako sa sinabi ng utak ko. Parang baliw na nga ako eh. Umiiyak tapos tumatawa.

Hanggang sa narealize ko na parang tanga na talaga ako dito. Tinigil ko na ang pag-iyak ko. Tumayo ako sabay punta sa harap ng salamin.

"Makikilala niyo na ngayon kong sino nga ba si Zinnia Shelbe McClain"sabi ko habang nakaharap sa salamin.

LOWIE's POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Shelbe ay agad kong hinatak palabas si Khara.

"Bakit mo sinabi 'yun ha?!"sigaw ko sa kanya.

"Eh ba't hindi ka nagreact nung sinabi ko 'yun? You still love me Lowie. Alam ko 'yun"sabi niya sakin habang nakangiti parin.

"Ba't ka pa kasi bumalik ha? Gustong-gusto mo bang masira ang buhay ko?! Tama na Khara! Tama na!"sabi ko sa kanya.

"No, babe. Mahal kita. It's just that...."

"Kung talagang mahal mo ako hindi mo ako ipagpapalit sa career mo. Natupad na 'yung pangarap mo diba? Sikat ka na nga eh."sabi ko sa kanya.

"Yeah. Kaya nga andito ako eh. Gusto kong patunayan sayo na mahal parin kita"sagot niya sakin. "Just please give me a chance."she added.

I can't deny na mahal ko parin ang babaeng to. Pero, nasaktan ko si Shelbe dahil akala niya niloko ko siya.

"Last chance. Kung hindi mag work. Hinding-hindi mo na ako guguluhin."sagot ko sa kanya.

Niyakap naman ako ng napakahigpit.

"Yes, babe I will do everything. I'll make sure na magiging akin ka ulit"sagot niya sakin. "For now, aalis na ako. Bye babe"sabi niya at hinalikan ako sa pisnge at sumakay sa kanyang kotse.

Nakatingin lang ako sa kotse niya na papaalis.

"Lowie.... What did you do?!"nagulat ako sa sumigaw sakin. Si Kuya.

"K-kuya"

"Akala ko ba si Zinnia 'yung nililigawan mo ha?! Ba't hinayaan mong halikan ka ni Khara?! Are you out of your mind?! Niloko ka niya! Nagpakagago kananaman! Hindi mo ba alam sa ginawa mo masasaktan si Zinnia ha?!"sigaw niya sakin.

"Hindi mo ako masisi kuya. T-talagang mahal ko pa si Khara."sagot ko sa kanya.

"Kuya Josh. Stop it. Hayaan mo na siya. Mahal niya pa eh"nabigla nman ako sa sumagot na nanggaling sa likuran ko.

"Zinnia.... P-pero paano ka?"alalang tanong ni kuya kay Shelbe.

"Don't worry. In fact, wala namang akong feelings sa kanya. It was just a big joke" nang dahil sa sagot niya ay parang kumirot ang puso ko.

Hindi ko na alam kong sino ba talaga ang sinisigaw ng puso ko.

Si Khara ba?

O

Si Shelbe?

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora