Chapter 38

4.5K 147 3
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********


|Chapter 38|

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ni Crizel ay nagtaka kami kung bakit wala si Mayshien. Pati si Felix ay wala rin kanina.

"Criz. Nakita mo ba si Mayshien?"tanong ko sakanya.

"Hindi eh"sabi niya at pumasok sa loob ng CR.

"Teka! Pasama ako"sabi ko at sumabay sa kanya sa loob ng CR. Malaki naman kasi 'yung CR dito at may kurtina na nakahati sa inidoro at sa pampaligo. Ako ang pumwesto sa Shower at si Crizel naman ang gumamit lang ng Tabo at balde.

Pagkatapos namin maligo at magbihis ay lumabas na kami at naabutan namin si Mayshien na nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Hala Mayshien anong nangyari?"tanong ni Crizel sa kanya habang nakahawak siya sa balikat ni Mayshien.

"H-hindi ko na kaya.... Ang... A-ang sakit.... Sakit na"sabi niya habang hinapas hampas pa 'yung dibdib niya.

"Mayshien... Siguro magpalit kana muna ng damit mo. Magkakasakit ka niya."sabi ni Crizel sa kanya habang hinahagod hagod ang kanyang likod.

Tumayo naman si Mayshien pero parang hinang-hina na siya. Pumasok siya sa loob ng CR at narinig namin na bumukas ang Shower. Umupo nalang muna kami sa kama at hinintay na matapos si Mayshien.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa CR. Mugto ang mga mata niya at ang pula-pula na para siyang naka-drugs.

"Mayshien... Ano ba kasi ang nangyari?"tanong ni Crizel sa kanya. Umupo naman siya sa harap namin at nagsimula ng magkwento.

MAYSHIEN's POV

FLASHBACK

Nung nandiyan na kami sa dagat nina Shelbe at Crizel naghahagisan muna kami ng tubig. Tapos nun ay sumunod naman sina Walter samin. Hindi ko inaasahang pumunta sa gilid ko si Felix.

"Mayshien..."tawag niya sa pangalan ko. Gusto kob umiyak that time. Namiss ko rin kasi ang pagtawag niya sa pangalan ko. 'Yung tipong feeling ko napakaespesyal ng pangalan ko kapag siya 'yung tumawag sakin.

"Wag ngayon please?"sabi ko sa kanya.

"Mayshien. Mahal parin kita"sabi niya sakin. Tinignan ko siya ng matalim. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo. Kinagat ko nalang ang ilalim ng labi ko at umalis sa dagat.

"Mayshien naman eh! Mahal parin kita. Ano bang pwede kong gawin para mapasakin ka ulit?"tanong niya sakin.

"Wag mo akong sundan! Pwede ba? Matagal na tayong tapos Felix!"sigaw o sa kanya at pumunta sa isang lugar na kakaunti lamang ang tao.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko atsaka niya ako hinalikan sa labi ko. Humalik rinako pabalik sa kanya at nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at ako naman ay nasa batok niya. Pero biglang sumagi sa isip ko na mali ang ginagawa naminkaya agad ko siyang tinulak.

Mali 'to. Sobrang mali. Kaaway mo siya Mayshien. Kaaway. Ang mga magulang nila ang rason kong bakit namatay ang mga magula niyo. 'Wag kang magpapadala sa emosyon mo.

"Mayshien... P-please.. Bumalik kana sakin.... Sige na.... Gagawin ko ang lahat.... B-basta bumalik ka lang sakin. Please?"pagmamakaawa niya sakin at napaluhod pa siya masakit makita na umiiyak ang taong mahal mo sa harapan mo at nagmamakaawang balikan mo siya.

"Felix....."

"Please Mayshien...... B-bumalik kana sakin"sabi niya sakin habang umiiyak parin.

Labag man sa loob ko ay kinuha ko 'yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Marahas kong pinahid ang mga kuha ko na nag-uunahang pumatak at buong tapang na sinabi sa kanya.

"Tama na Felix.... Hindi tayo ang para sa isa't-isa. Please tama na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo"sabi ko at patakbong umalis sa kinaroroonan niya.

At doon na bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan.

FLASHBACK ENDS

Hindi ko namalayan na umiiyak narin si Crizel habang nagke-kwento ako. Pero si Shelbe naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan na umiiyak.

"Saklap naman ng lovelife mo bes"sabi ni Crizel habang pinapahiran ang luha niya.

Nanatili akong tahimik at patuloy sa pag-iyak.

"Don't worry. Magkakabalikan rin kayo"sabi ni Shelbe at nginitian ako.

"Pero paano?"sagot ko sa kaya.

"Aba malay ko. Hindi naman ako si Kupido eh"sabi ni Shelbe at nagkibit balikat balikat. Hinagisan ko nga ng unan eh.

"Muntanga lang"sabi ko at tumawa pa.

"So, anong gusto niyo? Kakain nalang tayong tatlo sa labas?"tanong niya saamin.

"Oo Shelly. Mugto ang mata ko eh. Baka mapagkamalan pa akong Drug User"sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa akin.

FELIX's POV

Kasalukuyan na nandito ako sa bar. Kinontak ko nga sina Ethan para samahan ako eh.

"Isa pa nga"sabi ko sa bartender. Binigyan naman niya ako ng alak at saka ko agad itong tinungga.

Mailang ulit pa akong humihingi ng alak sa kanya pero may pumigil sakin.

"Tol! Mabuti *hik* naman dumating kayo"sabi ko at umupo rin sila sa tabi ko.

"Ano bang problema mo?"tanong ni Ethan sakin.

"Brokenhearted tol"sabi ko at tinungga ulit ang alak na ibinigay ng bartender sakin.

ETHAN's POV

"Brokenhearted tol"sabi niya nagkatinginan naman kaming tatlo.

Binayaran ko nalang lahat ng alak na ininom niya atsaka siya dinala sa cottage malapit dito sa bar.

"Ikwento mo na"sabi ko.

"Mahal ko pa *hik* si M-mayshien! Putangina! *hik* sasabihin niya lang sakin na ayaw na niya *hik* ang sakit mga pre! Napakasakit *hik*"sabi niya at nakita namin na pumatak ang luha sa mga mata niya.

Marami siyang flings at naging womanizer narin siya simula nung nagbreak sila ni Mayshien. Pero after non, wala narin siyang 'serious relationship' mukhang patay na patay pa nga kay Mayshien

"O edi susuko kana kay Mayshien?"tanong ni Shone sana.

"No. I never said that! *hik* mahal na mahl ko siya *hik* even though ang sakit sakit na*hik* Siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay."sabi niya at tuluyan na ng nawalan ng malay.

"Aba matinde!"sabi ni Owen at atsaka tumawa.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now