Chapter 16

6.4K 208 4
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 16|

Nung umalis na kami sa gymnasium ay tahimik lang kami. Suot parin naman ngayon ni Lowie ang salamin niya.

"S-shelbs"sabi niya.

"Hmm?"

"About sa Kiss... First kiss mo ba 'yun?"sabi niya. Napatigil naman ako at tumingin sa kanya.

"Yeah."sabi ko.

"Nice! Gusto ko 'yun eh"sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ay este! Mali pala! Okay lang 'yun aksidente lang 'yun"sabi niya.

Bumalik na kami ulit sa paglalakad pero hindi ko alam na may lubid pala sa dinaan namin kaya napatigil kami at biglang may bumuhos na mabahong tubig sa itaas.

"A trap"I murmured.

"Aish! Ang baho!"sabi ni Lowie at tinanggal ulit ang salamin niya at pinunasan ang mukha niya.

"Umalis kana."sabi ko kay Lowie.

"Shelbe hindi kita iiwan no"sabi niya.

"Sabing umalis kana nga eh! Madadamay ka lang sakin!"sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan! Kaibigan kita!"sabi niya napatigil ako sa sinabi niya.

"Pero madadamay ka"sabi ko at napayuko ako.

"Wala akong pakealam kong madamay man ako. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari"sabi niya at nginitian ako.

"Ethan Myles Lim"Bulong ko at kinuyom ko ang kamay ko.

"Tara na Shelbs"sabi niya at hinatak ako ako. Kaya pala walang dumadaan sa gate dito kasi may Trap. Tangna!

Hindi pakami nakakalayo ay biglang may tumira ng sago sakin. Napatingin ako sa direksyon kong saan nanggaling ang sago at nakita ko ang kasama ni Ethan. Kinawayan niya ako na parang nang-aasar.

Nginitian ko siya ng napakatamis tamis.

"MY MIDDLE FINGER SALUTES YOU, JERK!"I said. Napatigil naman siya sa sinabi ko pero ngayon ay madami ng tumitira ng sago sa amin gamit ang straw.

Tumakbo kami at lumiko sa kanan. And bigla may natapakan naman ako kaya may sumabog sa itaas.

Harina.

"Shocks. Sumusobra na to ah"sabi ko.

"Ikaw naman kasi bakit mo pa binangga si Ethan"sabi niya sakin.

"Eh g@go eh!"sabi ko naman.

"Haist.. Pumunta na muna tayo ng Locker Room."sabi niya kaya lumiko kami sa direksyon ng locker room. Pero nakita ko si Ethan na nakatayo di kalayuan dito sa pwesto namin.

Nakatalikod siya na parang naghahanda ng isang trap.

"Shelbs!"narinig ko na sigaw ni Lowie pero di ko to pinansin at patuloy na tumakbo sa kay Ethan.

Kinalabit ko si Ethan at tumingin naman siya.

"You're enjoying huh?"sabi ko. Sinuntok ko siya ng pagkalakas lakas nakita ko na dumugo 'yung labi niya. Hindi ako nakuntento at sinipa ko ang right leg niya kaya na out of balance siya. Napahiga siya kaya umupo ako sa tiyan niya at sinuntok ang mukha niya.

Pinigilan niya ang kamay ko at siya naman ang pumaibabaw sakin.

"Stop acting like a wild cat"sabi niya sakin.

The Reckless GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon