Chapter 4

8.2K 266 3
                                    

4th Chapter

ZINNIA's POV

Nag-excuse naman ang waiter sa akin pagkatapos ay inilapag niya 'yung inorder ko sa lamesa. Nagsimula naman na akong kumain dahil narin sa gutom na gutom na talaga ako.

Masaya akong kumakain ng carbonara at patingin-tingin sa labas ng restau, ngunit biglang nag-ring ang phone ko.
Kinuha ko naman ito at tinignan muna kong sino ang tumatawag.

Bruhildang Babae Calling.....

'Yan 'yung babaeng pinakaayaw ko, kinamumuhian ko, at nag-iisang bruha sa buhay ko. May idea naman na siguro kayo kung sino siya, hindi ba?

Inikot ko ang mga mata ko at nilapag ko nalang ulit sa table ang phone ko at hinayaan lang na mag ring siya nang mag ring hanggang sa natahimik rin ito. Ngunit wala pang isang minuto ay nag-ring nanaman ulit, pababayaan ko nalang sana ulit 'to pero tumitingin na 'yung ibang customers sa akin. Wala naman akong choice kahit na i-end call ko 'to malamang tatawag parin 'yan. Tigas ng ulo eh. So, sinagot ko nalang ito.

Dahil tapos na akong kumain ay lumabas na ako sa restaurant kasi feeling ko sisigawan ko nanaman 'tong bruha na 'to.

"What now?!"pagalit kung tanong sa kanya.

"How are you?"tanong nito sa kabilang linya. Napasinghal naman ako sa tanong niya.

"What a stupid question of yours, old woman. Kung ikaw kaya palalayasin sa tinitirhan mo diyan sa States, magiging okay kaba?"pasaring na sagot ko.

"It's for your own good, Zinnia. Kahit na nansito ka, do you think our mother-daughter relationship will be okay? Kahit nga sa iisang------"

"Oh, just cut it out. You're just wasting my time and in addition, I'm not willing to hear your monologue because I know you call me for a reason, so spill it."

"Do really have to enter the Duncan Lim University?"mahinahong tanong niya.

Napapikit ako at minasahe ang bridge ng ilong ko, "Oo. Eh ano ngayon?"

"It's too risky Zinnia. Baka mapano ka lang kung papasok ka sa school na 'yun. That school is full of our rival gang group and I'm very sure that some of the students there is the son and daughter of the past gang member! Ang tigas tigas talaga ng ulo mo. Palagi mo nalang nilalagay ang sarili mo sa kapahamakan!"

"Don't act as if you really care. Kung ikaw okay lang na namatay si Daddy sa kamay ng Viper, pwes ako hindi. I'll do what ever I want and to start my vengeance? Ethan Myles Lim is my target."

"E-ethan Myles Lim?"gulat na gulat na pagkakasabi niya.

"Yeah. Kasasabi ko lang."sabi ko at hinintay ko naman na makasagot siya pero call-ended na pala.

"Gurang na nga hindi parin alam ang MANNERS."sabi ko at nilagay nalang sa sling bag ko ang phone ko at napagdesisyunan ko na pumunta muna ng NBS para bumili ng mga Mystery/Thriller Novel.

Kukunin ko na sana 'yung libro na hinahanap ko pero biglang may pumatong rin sa kamay ko. Tinignan ko 'yung paepal na pumatong sa kamay ko.

"Sorry boy, ako ang naunang kumuha eh."sabi ko at nagsmirk sa kanya pagkatapos ay kinuha ko naman agad 'yung libro. Infairness ang gwapo niya.

Tinaasan niya lang ako ng tingin at dineadma ako. Tinalikiran niya ako at lumakad palayo.

I snorted, "Sungit." naghanap naman na ako ng iba pang libro. Dalawang libro ang napagpasyahan kong bilhin since marami pa naman akong books doon.

Pumila na ako sa counter section. Pero may kumakalabit sakin. Di ko 'to pinansin. Malay ko bang nabangga lang siya at aksidenteng nakalabit niya ako, right?

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now