Chapter 22

5.7K 168 3
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 22|

LEONDRE's POV

Nako, nako! Ito na nga bang sinasabi ko eh. Hindi magtatagal na bubulgar rin na mahal ko ang bestfriend ko.

"T-totoo ba? Totoo bang mahal mo ako?"tanong ni Crizel sakin.

Nako ito na.

"Ahmm.... Crizel.. Ano kasi..."Tangna! Hindi ko masabi ng diretsahan! Kinakabahan ako men!

"Leondre..... Inhale.... Exhale..... Inhale...... Exhale"sabi niya ginaya ko naman siya kayakahit papano ay nabawasan ang kaba ko.

"Now.. Spill it. 'Wag kang kabahan"sabi niya at nginitian ako.

'Yan! Diyan ako nainlove sa kanya. Sa ngiti niya na parang anghel.

"C-crizel. M-mahal kita simula palang ng 1st year college palang tayo. Mahal na talaga kita. Natatakot akong sabihin sayo kasi ayaw kong masira ang friendship natin. Masakit na makita kitang may kasayaw na iba don sa Bar. Gusto kong suntukin ang lalaking 'yun. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman diba? Pero Crizel. Mahal kita. Mahal kita higit pa sa kaibigan"sabi ko sa kanya.

Kinakabahan parin ako. Takot akong masira ang friendship namin.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Leondre... Mahal rin kita. Mahal na mahal. Matagal narin akong may gusto sa'yo pero takot lang talaga akong masira ang friendship natin. Pero thanks to Mayshien. Kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko malalaman na mahal rin pala ako ng taong mahal ko."sabi niya sa akin.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Kumalas siya sa pagyakap sakin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Aish. 'Wag ka ngang umiyak diyan! Para kang bakla eh!"sabi niya sakin habang pinupunasan ang luha ko.

"Salamat Crizel..... Ahm...C-criz?"sabi ko.

"Hmmmmm?"

"P-pwede bang tayo na?"tanong ko.

Napatigil naman siya pero unti-unti siyang ngumiti. At bigla akong binatukan.

"Hey! Ba't ka ba nambabatok ha?!"sabi ko sa kanya.

"Hoy Leondre! Hindi ibig sabihin na sinabihan kita na mahal kita eh tayo na! Manligaw ka muna! Ano ka siniswerte?!"napatayo pa talaga siya at tinuro turo ako.

"Ehhhh.... Sige! Gagawin ko ang lahat. Basta ako lang ang manligaw sayo ha?"sabi ko sa kanya.

"Pano kong...... Ayaw ko?"sabi niya sakin at nginitian ako ng mapang-asar.

"Aish. Hindi pwede! Akin ka lang dapat!"sabi ko sa kanya.

"Hahahaha! Oo na po. Sayo na po ako"sabi niya at nabigla ako ng halikan niya ako sa pisnge.

"Don't worry I'm all yours"sabi niya.

**************

Sabay kaming pumunta ni Crizel sa classroom niya. Iba kasi 'yung schedule niya sa akin. May 1 hour vacant pa ako.

"Lowie salamat ha?"sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Para saan?"I asked.

"Thanks for everything. Naging sandalan kita sa mga oras na down na down ako, naging diary kita dahil sinusumbong ko lahat ng sekreto ko sayo. At tinupad mo talaga ang pangako mo sakin na hindi mo ko iiwan. Salamat talaga"sabi niya sa akin na nanggigilid ang luha.

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now