Chapter 41

4.6K 115 1
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 41|

Sa ibang mga games ay iba narin ang nanalo. Tatlo na 'yung panalo namin since kami rin ang nanalo sa larong longest line. Ang saya nga eh kasi halos naghubad na ang mga ka team ko pra lang mapahaba ang linya namin.

'Yung binigay sa amin ni Miss Terror ay T-shirt. Na may printa na I Love Boracay.

Ang galing nga eh dahil parang kahit papano ay sumaya kami. Na parang walang iniisip kundi paano kami mananalo sa laro.

Medyo hapon na ngayon. At sabi ni Leondre ay mau sasabihin daw siya sa amin. Magkikita lang daw kami sa cottage na pinuntahan namin nung naligo kami sa dagat. Hindi daw namin pwedeng isama si Crizel dahil secret lang daw 'yun.

"Ano na 'yun?"tanong ni Mayshien sa kanya.

"Guys... Patulong naman o. Tatanungin ko na si Crizel kong pwede ko na siyang maging girlfriend. And I want it to be romantic"sabi niya sa amin habang nakayuko.

"Really?! Sure! Saan gagawin?"tanong ni Mayshien sa kanya.

"Hmmmm.... Pwede dito nalang"sabi niya habng kinikilatis ang cottage na 'to.

"Oo sige. De-designan nalang namin 'to. At ikaw na ang bahala kay Crizel. Dapat hindi siya makakapunta sa lugar na 'to. Kundi sira ang plano mo. Tatawagan kanalang namin at sabihan kong ayos na ang lahat"sabi ko sa kanya.

"Sige puntahan niyo nalang ang nag-aasist dito at sabihin mo kay Leondre Roberts. Ako na ang bahal sa bayad Sige salamat talaga. Puntahan ko lang si Crizel"sabi niya sa amin at umalis na.

"Now, what are gonna do?"tanong ni Lowie sa amin.

Medyo malaki rin kasi 'yung cottage na 'to. Tawag dito ay Pavilion. May wooden tale siya sa gitna tapos makikita mo ang view dito sa labas ng bintana.

"Bili muna tayo ng roses na ikakalat natin dito at saka balloons, tapos palabasin muna natin 'tong wooden table at palitan ng round table. Parang dinner date 'yung tema. Na arkelahan na siguro 'tong pavilion"suggest ko.

"What a great idea Shelly! Minsan pala may silbi karin"sabi ni Mayshien tinignan ko nga ng masama. Minsan parang specia child 'tong isa 'to.

"So, ano? Puntahan na natin ang assistant?"tanong ni Lowie.

"Go! Go! Go!"sabi ni Mayshien na halatang tuwang-tuwa.

LEONDRE's POV

Mabuti nalng talaga at mababait 'yung kaibigan ko. Kung hindi nako! Ewan ko nalang.

Pinuntahan ko si Crizel sa loob ng kwarto nila. Tumuktok ako ng tatlo beses atsaka ito binuksan. Nakita ko na nakaharap siya sa laptop niya at parang nanonood ng movie.

"O Leondre ikaw pala"sabi niya at nginitian ako

"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa knya at umupo sa tabi niya.

"Eto nanonood ng movie since sina Mayshien at Shelbe hindi ko alam kong nasaan. Nagising nalang kasi ako kanina wala na sila dahil narin sa pagod ko kaninang umaga"sagotniya sa akin habang ngumunguya ng popcorn.

"Pwedeng pasali?"tanong ko sa kanya.

"Abormal kaba? Pano kung may makakakita sayo na pumunta ka sa Girls Room? Baka mag-isip pa sila ng masama."sabi niya at tinuon ang atensyon sa Laptop niya.

"Hindi 'yan"sabi ko at umupo sa tabi niya at kinuha 'yung popcorn.

"Hoy nukaba! Akin 'yan eh!"sabi niya at inagaw ulit sakin ang popcorn.

Nanood lang kami ng iba't-ibang movies atsaka niya napagpasyahan na gumala daw muna kami.

Kaya pumayag ako, pero hindi kami pumunta sa direksyon kung nasaan ang Pavilion.

"Ang tagal naman yata nina Mayshien at Shelbe! Kanina pa silang wala ah"sabi niya na namamaktol.

"Baka may pinuntahan lang"sagot ko naman habang pangiti-ngiti tumingin naman siya sakin na nakakunot-noo at humalukipkip.

"Sana naman kung may pinuntahan sila, sinama nila ako hindi 'yung iiwan nila akong mag-isa sa room namin"sabi niya at nag pout pa.

"Hahahaha!"tinawanan ko nalang siya dahil sa pagdadabog niya na parang bata.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?!"inis na tanong niya sa akin.

"Hahaha! W-wala!"sagot ko.

*Ring! Ring! Ring!*

Mayshien Calling.....

"Hello?"

(Pwede na kayong pumunta dito. Lagyan mo muna ng blindfold si Crizel para mas masurprise siya)

"Sige papunta na kami diyan"

Call ended.

"Sino 'yun?"tanong niya. Hinigit ko siya papunta sa akin atsaka kiniha 'yung panyo ko. Mabuti nalang talaga at handa ako.

"Hey!What are you doing?!"gulat na tanong niya dahil tinakpan ko ang mata niya.

"Wag kang mag-alala wala akong balak na masama sayo. Maganda ang intensyon ko sayo Crizel. Kaya magtiwalA ka sakin"sabi ko at hinawakan ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad. Good thing at hindi kami medyo nakalayo sa Pavilion.

Nakita ko naman sina Mayshien na parang naghihintay sa amin. Nagthumbs-up silang tatlo sa akin at padali-daling umalis na. Inalalayan ko si Crizel papasok sa Pavilion.

At nung humarap na kami sa round table ay agad kong kinuha 'yung blindfold niya. Napatakip naman siya ng bibig sa nakita niya. Maski ako ay nagandahan sa pagdesinyo dito.

"A-ano ito?"tanogn niya at tinignan ang kabuuang Cottage.

"Halika umupo ka"sabi ko at hinigit 'yung upuan at pinaupo siya. May nakahanda ng pagkain sa lamesa.

"Kumain na muna tayo"sabi ko at nginitian siya. Tumango naman siya pero parang hindi niya pa nakuha ang buong detalye.

Tahimik lang kaming kumakan habang may nagpatugtog ng romantic music. Pagkatapos naming kumain ay agad akong tumayo.

"Crizel Sandoval....... Will you be my girlfriend?"tanong ko sa kanya. Mangiyak-ngiyak naman niya akong niyakap at pinuno ako ng halik sa buong mukha ko at hinalikan ako sa labi ko.

"Yes.... YES!"sabi niya niyakap ko siya ng napakahigpit at hindi ko namalayan na tumulo narin pala ang luha ko.

Kinuha ko 'yung ring sa loob ng bulsa ko. At agad na kinuha 'yung kamay niya at pinasuot ko sa kanya 'yung ring na magkaparehas kami.

"Take that as an engagement ring. Dapat akin kalang!"sabi ko tumawa naman siya at pinahid 'yung luha niya.

"I'm Officially Yours, Mr Leondre Roberts"sabi niya at niyakap ako at nag slow dance kami.

Nakarinig kami ng palakpak sa labas at nakita namin sina Lowie na papunta sa amin.

"Woooah! Congrats Tol!sabi ni Lowie at niyakap ako habang tinatapik tapik ang likuran ko. Sina Mayshien at Shelbe naman ay niyakap nila si Crizel at nag congratulate din.

"Congrats Leondre.... Don't you dare hurt her or I'll break your face"sabi ni Shelbe at nginitian ako habang tinatapik ang balikat ko.

"Hindi ko man mapapangakong hindi ko masasaktan si Crizel. Pero pangako ko na mamahalin ko siya hanggang sa pagtanda namin"sabi ko at napangiwi naman si Shelbe sa sinabi ko.

"Gross. Napaka chessy mo"sabi niya sa akin kaya tinawanan ko nalang siya.

"Wooot! Congrats Leondre! Dream come true parts!"sabi ni Mayshien sa akin.

"Hahaha! Oo nga eh! Kng hind dahil sa madaldal mong bibig ay hindi ko masasabi kay Crizel na mahal ko siya"sabi ko at nginitian si Crizel.

"O siya sige. Maiwan muna namin kayo. Enjoy your night guys"sabi ni Mayshien sa amin at saka na sila umalis.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterOnde histórias criam vida. Descubra agora