Chapter 34

4.8K 146 4
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 34|

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto namin ay tumambad samin ang isang queen sized bed. Kasya kaming tatlo sa higaan.

"Wow! Tabi tayong matutulog?!"

"State the obvious, TANGA!"sigaw ni Crizel sa kanya.

"Ouch! maka tanga kanaman"sabi ni Mayshien na kunwari ay naiiyak.

"O siya tama na muna 'yang drama ilagay niyo namuna diyan 'yung mga maleta niyo at lumabas na tayo"sabi ko at binuksan ko na ang pinto. Timing rin na bumukas 'yung pintuan na nasa harap lang namin.

Tumingin sakin si Lowie. May sasabihin pa siya sana pero agad akong umiwas ng tingin at binalik ang atensyon kina Mayshien na hanggang ngayon ay nasa loob parin ng kwarto.

"Hoy! Hindi ba kayo kakain ha?!"sigaw ko sa kanila.

"Oo na nga eto na nga eh"sabi ni Mayshin at patakbong tinungo ang pinto pati narin si Crizel.

"O Hi Lowie! Tara sama-sama na tayong bumaba!"sabi ni Mayshien.

"Ah... S-sige."utal na sagot niya.

"Teka! Si Leondre hintayin nalang natin palabas na daw siya"pahabol na sabi ni Crizel sa amin.

Sa ikatlong room ay bumukas ang pintuan. Tas tumambad samin sina Leondre.

"O ayan! Kompleto na tayo! Tara na 15 minutes nalang at aalis na tayo!"sabi ni Mayshien.

Nagsimula na kaming tumakbo papuntang elevator. At marami rin ang nakapila.

"Gosh! So, what are we gonna do?! Marami na ang nakapila eh."padabog na sabi ni Crizel.

"We'll use the stairs. Obvious pa? Tayo na! Third floor lang naman to eh"sabi ko at iniba ang daanan. Patakbo kaming pababa gamit ang hagdan.

Exactly 20 minutes ay nakarating rin kami kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante.

"Wooh! Grabe pinagpawisan talaga ako! Buti nalang may dala akong backpack!"sabi ni Mayshien at kinuha ang towel niya sa backpack niya.

"Good for you"sagot ko naman. Ginamit ko nalang ang likod ng palad ko sa pag-alis ng pawis sa noo ko.

Nagulat naman ako ng may umabot na dalawang towel sa kaliwa't kanan ko. Pagkatingin ko sa kaliwa ko si Lowie, sa kanan naman ay si Ethan.

"Thanks. But no thanks"sabi ko at agad akong umalis sa pwesto ko kong saan nasa gitna ako nila.

"Okay guys! Listen up! I know you're all hungry. So, now we're going to the Lim's Dining Hall. Just follow us, okay?"sabi ni Sir David.

"Yes!"Sigaw ng iba.

Nagsimula na akoh maglakad at planong iwanan sila pero naalala ko palang SLAVE pala ako ni MASTER.

"MASTER, tayo na! Ano pang tinutunganga mo diyan?"tanong ko sa kanya.

'Yung kaninang pinagsukluban ng langit at kupa ang kanyang mukha ay ngayon parang baliw na ngumiti ng pagkalapad lapad.

Tumakbo siya papunta sakin at inakbayan ako.

"Ehem, 'yung kamay po natin MASTER ni Shelbe. Pwedeng pakitanggal"sagot ni Lowie.

"Pakealam mo ba? Kaano-ano kaba niya?"tanong ni Ethan sa kanya habang hinead to foot niya ito.

"Ako 'yung kinausap mo ng binugbog ka ni Shelbe"sagot ni Lowie na kinuyom na 'yung kamay niya.

"Well, sorry bro. Nakalimutan na kita,hindi kanaman kasi importanteng tao eh"sagot ni Ethan sa kanya.

"Hep hep hep! Tama na 'yan! Ano ba naman kayo?!"sigaw ko sa kanilang dalawa sabay waslik ng kamay ni Lowie na nakaakbay sakin.

Nakita ko na nagsukatan sila ng tingin. Parang naghahamunan sila na magbugbugan. Eh ako kaya ang bumugbog sa kanilang dalawa?!

"Ehem... Ahmm... Ethan? Baka may plano kanaman sigurong ipaalam samin kong saan ang Dining Hall dito. Gutom na kasi ako you know"sabi ni Mayshien kay Ethan.

"Ah.. Sige tayo na"sabi ni Ethan at binigyan ng masamang tingin si Lowie bago niya ako hinatak sa tabi niya at naglakad na papuntang dining hall.

Pagkadating namin doon ay agad kaming sinalubong ng mga kaibigan niya.

FELIX's POV

"God Shelly! Matagal paba 'yan?! 5 minutes na ang nakalipas your just wasting our time! C'mon!"sigaw ni Mayshien kay Shelbe at timing rin na nakatingin siya sakin.

Nakita ko si Ethan na hawak-hawak ang maleta ni Shelbe.

"See you later master"narinig kong sagot ni Shelbe at kinindatan si Ethan.

"WOAH"sabay nilang sabi ng mga kaibigan ko.

Tumakbo kami papunta sa direksyon ni Ethan na hanggang ngayo ay hindi pa gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Bro okay kalang ba?"tanong ni Shone sa kanya. Pero parang walang narinig si Ethan at hanggang ngayon ay nakatingin parin siya kay Shelbe.

"Mukhang natamaan ang ugok"sabi naman ni Walter.

Binatukan ko nga para gumising na siya sa kahibangan niya.

"ARAY! Ba't ka ba nambabatok ha?!"sigaw niya sakin.

"Eh muntanga ka eh! Kanina pa umalis si Shelbe nakatutunga ka parin diyan!"sabi ko.

"Aish!"sabi niya at napahilamos sa mukha niya at pumunta kami sa kwarto namin na V.I.P room.

Umupo si Ethan sa sofa at nilagay ang paa niya sa center table.

Kami naman ay naghanap ng kanya-kanyang pwesto.

"Tol, aminin mo nga. May gusto kaba kay Shelbe?"tanong ko sa kanya habang kumakagat ng mansanas.

"Yeah. I think I'm starting to like her"sabi niya habang nakangiti pa.

This is the first time I saw his genuine smile. 'Yung hindi pilit- hindi fake.

"Pero pano si Jessa?"tanong ni Owen na nakapagpabago ng mood ni Ethan.

"I don't care about her."sabi ni Ethan sa kay Owen.

"Guys! Labas na tayo. Nagugutom na ko!"sigaw ni Shone sa amin. Habang kumakain ng chocolate.

"Lul! Tayo na nga"sabi ni Walter at binuksan ang pintuan pero si Ethan hindi parin umaalis sa pwesto niya.

"Tol hindi ka sasama samin?"tanong ko.

"Mauna na kayo sa Dining Hall. May pupuntahan pa 'ko"sagot niya at sumakay sa elevator.

"Mukhang ang lakas ng tama ni Ethan kay Shelbe ah"sabi naman ni Walter.

"Yeah. I agree"sagot ko naman at napapailing na sumakay sa kabilang elevator.

*******

Hinintay namin si Ethan dito sa Dining Hall. Andito na lahat ng mga students pero wala pa si Ethan. Pati sina Shelbe.

Maya't maya pa ay nakita ko si Ethan- kasama si Shelbe. Patakbo kaming pumunta sa kanila pero napahinti ako nung nakita ko si Mayshien. 'Yung kaninang nakangiti si Mayshien unti-unting napawi at nakatitig sakin. Pero agad din niyang binawi ang tingin niya sakin.

Damn! I miss her so much.

Pero wala naman akong magawa.

Siya na 'yung nagsabi na ayaw niya na sakin.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz