Chapter 49

4.7K 130 5
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 49|

2 Months Later......

This is it. It's already December. Marami na kaming laban na dinaluhan sa Ordinary Underground Battle pero wala pa kaming talo. Same as Viper.

We got the information. At exactly 10 pm ay magsisimuka na ang Gang War. Patayan kong patayan!

Ngayon ay 6 pm na. 4 hours nalang ang natitira at magsisimula na ang labanan. Hindi na ako makapaghintay na patayinsi Ethan. Kung iniisip niyo na kinokonsensya ako na patayin siya.. Well, you're wrong. Bakit? May konsensya ba ang tatay ni Ethan ng patayin si daddy? Wala naman diba? Kaya mamaya ay ipatitikim ko sa kanila ang matamis kong paghihiganti.

"Are you ready, Love?"tanong ni Lowie sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko. Well, hindi ko pala nasabi sa inyo.

Kaming dalawa na. At exactly November 1. O diba bongga? All Souls Day ko siya sinagot? Pano ba naman kung makapanakot wagas.

"Yes, Love. Ako paba?"sagot ko naman sa kanya. Andito kaming lahat sa mansion. Naghihintay sa oras na pumatak ng alas nuebe. Iisa lang ang hangarin naming lahat. 'Yun ay mapaghiganti namin ang mga magulang namin na walang awang pinaslang ng mga Viper.

Pagkapatak ng alas 9 ay hinanda na namin ang mga armas namin. Lahat sila ay may dalang baril at iba pa na matutulis na bagay. Talagang pinaghandaan nila ito. Sumakay na sila sa mga Van na inihanda ko.

"Love.. Goodluck. Mag-ingat ka.. I love you"sabi ni Lowie at hinalikan ako sa noo.

"Goodluck din Love... I love you too"sagot ko naman sa kanya at nginitian siya. Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan namin at agad na itinungo ang Underground Arena.

Ito na.

Wala ng atrasan 'to.

NARRATOR's POV

"Mahal... Hindi pwedeng ipagpatuloy ang laban"sabi ni Alyanna kay Duncan.

"Pero hindi pwede,Mahal. Wala na tayong magagawa pa"sagot naman ni Duncan at hinawakan ang kamay ni Alyanna.

"Hindi.. Hindi pwede. May magagawa pa tayo"sabi ni Alyanna na umiiyak na.

Kanina pa nakatulala si Ethan sa kawalan. Hindi niya inaasahang makakalaban niya si Shelbe. Ang taong mahal niya.

"Bro, halika na! Ano pang tinutunganga mo diyan?"sabi ni Felix sa kanya.

"Wala.. Oo na Tayo na"sabi ni Ethan at lumabas na sa kanilang hide-out.

Nakatungtong na sina Zinnia sa labas ng Arena. Sa Gang War na ito. Ang pwedeng pumasok lang ay ang dalawang magkaaway. Hindi pwede na may manunuod dahil kapag nangyari 'yun ay pwede sila madamay. All out battle na ito. And as I've said. Patayan ito. Brutal kung brutal.

"This is it"sabi ni Zinnia at bumuntong hininga. Agad silang pumunta sa gitna ng Ring kasabay ng pagpasok nila Ethan.

Bakas sa mukha nina Ethan, Felix, Shone, Walter at Owen sa pagkagulat. Hindi nila inaasahan na ang makakalaban nila ay sina Zinnia. Nagkasalubong naman ang mga mata nina Mayshien at Felix. Bakas sa mukha nila na nasasaktan sila sa mangyayari.

"Now! We'll give you 1 hour to finish this battle! Lionhearted Gang Vs. Viper! Let's see who will win to the both of you!"sabi ng announcer. Nagsigawan naman ang magkabilang grupo pero sina Shelbe at Ethan ay nanatiling tahimik at nakatitig lang sa isa't isa.

"Let the battle! BEGIN!"Sigaw ulit ng announcer.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon. Narinig nila ang Buzzer Beater kaya napatigil sila sa pagsulong sa isa't-isa. Marami ang nagbubulungan at marami rin ang nagtatakakung bakit ito nangyari kahit na hindi pa nagsisimula ang labanan.

"Zinnia..... Ethan.... H-hindi kayo pwedeng magpatayan... Dahil.... D-dahil... Magkapatid kayo"sa narinig nila ay grabe ang pagkagulat nila. Nabitawan pa ni Shelbe ang dala-dala niyang baril at napanganga sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. At lalo siyang naguluhan kong bakit andito ang ina niya.

Si Ethan naman ay nanlaki ang mata niya at nagulat din. Hindi niya inaasahang mangyari ito. Ang taong mahal niya at gusto niyang maging kabiyak sa buhay ay kapatid niya pala.

ZINNIA's POV

"Stop this damn War, everyone. From now on. This Gang War will be banned Permanently. Many lives are wasted because of the Gang War. And I want to clear the things that you don't know 45 years Ago. So please, bare with me"boses ng lalaki.

It's Duncan Lim.

"Me, and Alyanna have a relationship. We're married actually we also have our son Ethan Myles, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nabuntis ni Sebastian si Alyanna dahil sa isang party. They were drunk So, they don't know what happened. Until one day, Zinnia Shelbe was born. Sebastian asked me a favor na kung pwede raw ay magiging anak ni Alyanna si Zinnia... 'Yung magiging mommy niya na kasama sa paglaki. Nagalit ako kay Sebastian dahil sa binuntis niya si Alyanna but then, pumayag rin ako. Hindi rin naman nagkulang si Alyanna sa pag-alaga sa aming anak na si Ethan. Lumaki sila hanggang sa dumating na nga ang Gang War. All of you know that I'm the one who killed Sebastian McClain. But you're wrong. Me and Sebastian are childhood friends- bestfriends. Hindi namin alam na kabilang pala ang isa sa amin sa isang Gang." Nag pause muna siya ng kaunti at bumuntong hininga siya.

"Hanggang sa dumating ang araw ng Gang War. Hinayaan kong makatakas si Alyanna para maging ligtas siya. Plano ko rin sa nang itakas si Sebastian ngunit nabaril na siya. At sa pagkakaalam ko ay ang mga nabibilang sa nakakataas ay sumali sa gang war. Kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang siya at hinanap ang anak kong si Ethan at pati narin ang mga kaibigan nito na si Felix, Shone, Walter and Owen. Then, papalabas na sana ako pero nakita ko na may batang nakahandusay sa likod ng mga hollow blocks. Binuhat ko siya at at nilagay sila sa labas ng Arena. Dito nangyari ang Gang War 5 years Ago... And I'm very thankful dhil ligtas ang anak ko... At si Shelbe"mahabang lintanya ni Duncan Lim. Napaupo naman ako sa sahig at tuluyan ng umiyak. All this time, walang kasalanan si mommy.. Wala siyang kasalanan kundi ang siguraduhin ang kalagayan ko. Pero napakarude ko sa kanya and I don't even consider her as my mom. I'm so bad! Huhuhuhu T_T

Naramdaman ko rin na may yumakap sa akin. And his scent. Alam kong si Lowie ito. Now, i felt secured in his arms.

Inalayan akong tumayo ni Lowie at agad niya akong niyakap ulit. Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya. Wala na akong pakealam kong mag mukha man akong mahina sa harap nila. Yes, Maybe Crying is not the solution, but it makes you feel better. Hanggang sa kumawala si Lowie sa akin. Tumingin siya sa likuran ko kaya nilingon ko ito.

"M-mommy..."sabi ko at niyakap siya ng napakahigpit.

"I'm.. Sorry mommy... I'm very s-sorry! Huhuhu"sabi ko. Hinagod hagod niay ang likuran ko at hinimas himas ang ulo ko.

"Ssshh... Don't cry, my princess.. It's okay..."sabi niya sa akin. Umiyak lang ako sa kanya. Hanggang sa tumahan na ako.

"So, now. Lets have peace!"sigaw ni Duncan sa kanila. Nagsilapitan naman ang iba kong members sa kabilang gang at nakipagyakapan rin.

Nabigla naman ako sa lumapit sakin. Si Ethan.

"Oh... Hi there Shelbe- i mean, my little sister"sabi niya at nagtawanan kami.

"Hahaha! Hello din big bro"sabi ko. Tinap niya naman ang ulo ko na parang isa akong aso.

And now, I'm very thankful because naging klaro na ang lahat ng pangyayari. I have my step-brother now, i have my mother, and also i have a step-father. Kahit papano ay naging magaan na ang pakiramdam ko. Masaya ako na sa wakas ay natapos na ang Walang kwentang Gang War na ito.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now