Chapter 28

5.1K 159 7
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 28|

Pagkatapos non ay pinadala na namin kina Leondre at Lowie ang mga paper bags na may lamang mga damit.

"So, saan na tayo pupunta ngayon?"tanong ni Crizel.

"Kakain na siguro muna tayo? Since tanghali naman na eh"sagot ko naman.

Nagsang-ayon naman sila sa suggestion ko atsaka pumunta sa isang restaurant. Umupo kami sa pinakadulo atsaka sina Leondre at Lowie na ang kumuha ng order namin.

"Kayo ba Lowie? May mga damit na ba kayo?"tanong ni Mayshien sa kanya.

"Oo naman. Hindi naman kami katulad sa inyo na kailangan pang bumili ng bagong damit."sagot ni Lowie sa kanya.

"Nga naman."sagot naman ni Mayshien atsaka dumating kaagad ang waiter at inilagay sa lamesa ang pagkain namin.

Nagke-kwentuhan lang kami ng kahit ano-ano atsaka nagtatawanan. Pagkatapos nun ay napagpasyahan na umuwi na.

Pero sabi naman ni Leondre na doon nalang kami matutulog sa bahay ni Lowie. Uuwi nalang kami muna sa mga bahay namin para makapag-empake na at pupunta nalang sa bahay ni Lowie. Sumang-ayon naman naman kami.

"Bili muna tayo ng mga chichirya!"sabi ni Mayshien.

"Sige ba!"sabi naman ni Crizel. Pumunta kami sa grocery store at bumili kami ng curls at drinks rin. Tapos non ay si Mayshien ang nagbayad sa Counter.

Nagpaalam naman samin sina Leondre na mauuna na para makapag-empake na sila kaya kaming dalawa nalang ang magkakasama.

Sumakay na kami sa kotse niya at sinimulan niya na ang pagmamaneho. Tumingin naman ako kay Lowie na parang ang lungkot-lungkot ng mukha niya.

"Okay ka lang ba?"tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sakin at ngintian ako.

"Oo naman!"sabi niya sakin.

"I know you're not. Ano ba kasi ang problema mo?"sagot ko sa kanya.

"Shelbe.. Wala lang to. Promise. Okay lang ako"sabi niya sakin.

Tinignan ko siya ng masama. Kaya napabuntong hininga siya. At itinigil niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada.

"Fuck! Hindi ako okay! Hinding-hindi! Nasaktan ako sa sinabi ni Mayshien. Nasasaktan ako. Pero ano nga bang karapatan ko? Girlfriend ba kita? Diba hindi naman! Kaya wala akong karapatang magselos. Because in the first place YOU. ARE. NOT. MINE! Kelan man--------"hindi ko na sya pinatapos pa at saka ko sa hinalikan. Smack lang.

"Then be mine"I said. Nabigla naman siya sa sinabi ko.

"S-so... Tayo na?"tanong niya sakin.

"No way! Ligawan mo muna ako"sabi ko sa kanya at nginitian siya.

"Sus, parang 'yan lang eh"sagot niya sakin.

Sinimulan niya na ang pagmamaneho ulit pero ngayon ay hindi na siya malungkot. Makikita mo sa kanya na ang saya saya na niya.

Alam kong mali ang desisyon ko. Alam ko 'yun. Pero hindi ko namang kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko rin kasing maramdaman 'yun eh.

Nakarating na kami sa bahay kaya bumaba na ako. Pagkapasok ko ay nakita ko sina Kuya Josh at Ate Laine na bihis na bihis.

"Ate, Kuya... San kayo pupunta?"tanong ko sa kanila.

"O Couz nandito kana pala. Gagala lang kami since matagal tagal narin kaming hindi nagdi-date. Hihihi"sabi ni Ate Laine na halatang kilig na kilig pa. Napangiwi naman ako kasi ang baduy tignan.

"Yuck Ate! Ang panget mong tignan kapag kinikilig ka! Hahahaha"sabi ko naman.

"Hmpft! Palibhasa kasi wala ka pang boyfriend. Aminin mo nga? Tomboy ka ba?"tanong ni Ate Laine sakin.

Magsasalita pa sana ako pero inakbayan na ako ni Lowie.

"Nope. She's not a lesbian. Because from now on. I'm his suitor"sabi niya kaya napaawang ang bibig ko at nalaki ang mata ko.

"WHAT?!"Sabay na sabi nina Kuya Josh at Ate Laine. Hindi naman ako kaagad na nakapagreact dahil hanngang nvayon ay state of shock parin ako.

"Really? Congrats! Kyaaaah!"sabi ni Ate at niyakap ako ni Ate Laine ng napakahigpit.

"Ah... A-ate I-i Can't breathe"sabi ko at pinipilit na mailayo si Ate Laine sakin.

"I'm so sorry Couz! It's just that I'm very happy. Kasi you know, magkakaboyfriend na 'yung napakaganda kong pinsan. Hahaha"sabi niya at tumawa.

"Si ate talaga! Umalis na nga kayo dito. Ay ate don kami matutulog kina Lowie kasama sina Mayshien para sabay-sabay na kaming pumunta sa school."sabi ko at itinulak tulak ko sila paalis ni Kuya Josh sa bahay.

"Oo na sige na. Mag-ingat kayo ha? At naempake ko na 'yung mga damit mo kunin mo nalang sa kwarto mo. Have fun couz! I love you babush! Gorabels na kami"sabi ni Ate at patakbong umalis.

"Bye Ate I love you too!"sigaw ko pabalik sa kanya.

Napangiti naman ako dahil parang kapatid na 'yung turing ni Ate Laine sakin. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal na binibigay niya.

"So, tara na? Kunin na natin 'yung bag mo"sabi ni Lowie tumango naman ako atsaka pumunta sa itaas ng kwarto.

'Yung theme ng kwarto ko is Black and White. Panda lover kasi ako. *^O^*

Kinuha na ni Lowie 'yung maleta ko pero pinigilan ko muna siya at baka wala dun 'yung padyama ko. Nakita ko naman kaagad ang padyama ko kaya naman umalis na kami sa kwarto at bumaba na.

"Manang Therese aalis na po ako"sabi ko at nagmano sa kanya.

"Aba'y mag-ingat ka, ineng ha? At baka mapano ka. Kaawaan ka ng Diyos"sab niya saakin at nginitian ako. Pati si Lowie ay nagmano rin.

"Ikaw naman ijo, alagaan mo 'tong si Zinnia."sabi niya.

"Makakaasa po kayo"magalang na sagot ni Lowie.

Lumabas na kami sa kwarto at saka sumakay sa kotse ni Lowie. Actually, same subdivision lang naman kami. Pero napakalayo ang agwat ng bahay namin sa bahay niya kaya ginamit niya pa 'yung kotse niya. Pero pwede rin naming lakarin papunta sa bahay nila, 'yun nga lang kapagod.

"Shelbs, ready kana ba bukas?"tanong ni Lowie sakin.

"Oo naman."sagot ko sa kanya.

"I mean, ready kana ba para sa slavery mo kay Ethan"tanong niya sakin.

"Hmm.... I think so, kasi Lowie may purpose naman 'tong gagawin ko. Dahil kapag naging Slave na ako ni Ethan mas malaki ang chance na malalamangan natin sila sa Gang war malaking advantage 'yun. Hindi ko naman 'to gahawin kong para sa wala lang."sagot ko sa kanya.

"Basta mag-ingat ka ha? 'Yung tattoo mo pala. 'Wag mong ipapakita kay Ethan. I know na alam niya 'yung symbol ng Lionhearted Gang."paalala niya sakin.

"Oo na po daddy"sagot ko sa kanya at tinawanan.

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.

"Daddy ka diyan! Dapat baby because I'm soon to be yours"sabi niya at kinindatan ako.

Naramdaman ko naman na biglang uminit ang pisnge ko.

Napapadalas na 'yung pagba-blush ko tuwing kasama ko 'tong lalaking 'to!

Huhubels! Kalokalike ko na tuloy 'yung kamatis T_T

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora