Chapter 40

4.5K 139 1
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 40|

"Guys listen up!"sabi ni Miss Terror at pumalakpak pa ng dalawang beses.

"I want you to win this game. At kapag nangyari 'yun. May ibibigay ako sa inyo."sabi ni Miss Terror.

Bali 60 students lang kami. 30 students ang bawat Section. Kaya kaming Section 1-A ay nakapasa lahat. Sa ibang Section naman ay 10 students naman ang nakapasa sa ibang section ng Third Year students, at 20 students naman ang sa 4th year.

Kaya ngayon 20 members kami sa iisang team.

"Yellow Team?!"sabi ni Miss Terror habang nilahad ang kamay niya sa gitna. Piangpatong-patong din namin ang kamay namin.

"YELLOW TEAM FOR THE WIN!"sabay naming sigaw. At naghiyawan naman ang iba namin members. Sa Red team si Mayshien kasama niya si Felix at Walter. Sa Orange Team naman ay nandoon si Crizel, Leondre, Owen at Shone.

5 members lang muna ngayon ang maglalaro. Kasali si Ethan ngayon.

YT- 1
OT- 0
RT- 0

1 point na kami dahil ang dalawang babae ay nakatulala sa kay Ethan. Pano ba naman ay ginamit niya ang charms niya para makashoot sa isang balde. Napatawa naman ang mga members nami pati narin si Miss Terror.

Pagkatapos non ay sumunod naman ang kaklase kong babae. Pumito na si Sir Willson hudyat na para magsimula ang game. Nakashoot si Mayshien sa balde ng kaklase ko kaya panay ang dabog ni Miss Terror.

Kung sino kasi ang manalo sa bawat game, sa kanyang balde i sho-shoot 'yung bola. Since, kami ang nanalo kanina dahil kay Ethan sa kakalse namin shinoot 'yung bola. Para malinaw.

YT-1
OT-0
RT-1

Sumunod naman ang kaklase namin na lalaki. Hindi mapagkakaila na marami rin ang nagkakagusto sa kanya dahil gwapo rin ito at mabait.

Makalipas ang ilang game, puro tawa, hiyawan at asaran ang maririnig niyo sa amin. 'Yung ibang turista nga ay natutuwang pagmasdan kami at marami naring nanonood sa amin.

Sa ngayong Game kami ang nanalo!

"Nice job guys!"sabi ni Miss Terror sa amin. Well, sa mga kaklase ko pala at sa ibang 4th year students to be exact.

"Mamaya niyo ng kunin ang papremyo niyo sa akin. Well, all of you since nag mistulang cheering squad naman kasi ang iba didto sa tabi ko kanina."sabi ni Miss Terror.

May Awarding Ceremony rin kasi kami bukas before kami uuwi sa Manila.

Naghiyawan naman ang ka members ko. Ang bait-bait talaga ni Miss Terror. Kahit na Terror 'yung last name niya. >3<

"The second game is..... Ubusan ng Pagkain! 'Yung mga suali na kanina sa game ay bawal na sumali ngayon. Give chance to the others okay? Isang representative bawat Team! At kung sino man 'yan ay pumunta dito sa harapan ko at umupo sa table na may nakalagay ng Color ng team"sabi ni Sir Willson. Siya 'yung naging Emcee namin since sina Miss Jessica at Miss Nina ay nandoon sa Dining Hall at nag-iisip kong ano nanaman 'yung kakainin namin. Sila kasi 'yung nakaassign doon.

"So, Guys?? Sino ang pupunta don?"tanong ni Miss Terror samin.

"Alam ko na mam! Si Shelbe po!"sabi ni Ethan atsaka niya hinawakan 'yung magkabilang balikat ko.

"Opo! Ang takaw niyan for sure mananalo na tayo"sagit naman ni Lowie.

"Shelbe! Shelbe! Shelbe!"pag-checheer ng mga members ko sa akin.

"Per-------"

"Inuulit ko pumunta na dito ang isang representative sa bawat Team"sabi ni Sir Willson.

"Sige na pumunta ka na don!"sabi ni Ethan at tinulak ako papunta sa harap. Nakita ko na lalaki ang naging representative sa bawat Team. Huhubels! Only girl lang ang tema ko eh no? T_T

"Woah Miss Shelbe! Sa payat mong 'yan makakya mo bang ubusin lahat ng pagkain sa lamesa?"tanong ni Sir Willson sakin.

"Eh tinulak ako nila papunta dito eh!"sabi ko at tinuro ang mga ka team ko na panay ang tawa pati narin sa ibang teams nakita ko na grabe 'yung halakhak ni Mayshien pati ni Crizel at Leondre.

Waaaah! Cursed them! Huhuhuhu! T_T

"Well, malay mo baka ikaw pa ang manalo sa larong ito. Pagkapito ko ay dapat magsimula na kayo. Bibigyan kayo namin ng 30 minutes para ubusin lahat ng 'yan. Okay? Itaas ang mga kamay."sabi ni Sir Willson. Grabe 'yung kabog ng puso ko na parang anytime ay makakawala na 'to.

"PRRRRRRRRRRT!"

Kinuha ko na muna 'yung dalawang hamburger at sabay na nilamon ito. Nginuya ko ito at nilunok agad-agad. Kinuha ko naman agad ang French fries na regular size tapos nun ay sinubo ko lahat sa bibig ko. Nakita ko naman na napanganga ang mga estudyante sakin. Ako paba? Eh napakatakaw ko kaya. Kahit hindi naman halata sa katawan. Nung naubos ko na 'yung french fries kinuha ko naman ang coke float at agad na ininom ito. Nakita ko naman na napapatingin ang mga kalaban ko sa akin kaya nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis at kinindatan isa-isa. Napanganga naman silang dalawa at parang nakalimutan na kalaban pala nila ako. Hahahaha! Mga Tang@ amputa! And for the last round ay 'yung spaghetti. Kinuha ko ito at 'yung tinidor. Subo lang ako ng subo at agad na itong tinapos dahil alam kong magsasabi na si Sir Willson ng Time is up kaya uminom na ako ng tubig at siniguradong wala ng laman ang baba ko. Pinunasan ko naman ang bibig ko at agad na tinaas 'yung kamay ko.

"PRRRRRRRRRT! TIME IS UP!"sabi ni Sir Willson.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko at tinignan ang mga pagkain na natira sa kanila. 'Yung sa red team natira 'yung french fries atsaka kaunting coke float. Sa Orange team naman ang natira ay spaghetti. Tumingin naman ako sa lamesa ko at napangiti dahil ni isang pagkain ay walang natira.

"Wow! Shelbe! You're amazing! I did not expected na mauubos mo 'yung pagkain within 30 minutes! And mind you! Natalo mo pa ang dalawang lalaki dito. Grabe, hindi halata sa katawan mo na ang takaw-takaw mo"sabi niya sa akin at tumawa rin ang mga estudyante sakin.

"For this round! The winner is YELLOW TEAM!"announce ni Sir Willson at pinabalik na kami sa pwesto namin.

"Grabe si Shelbe napakataw niya! Pero maintain parin 'yung fitness niya no?"

"Oo nga at nakita ko na may abs pa siya. Nakakainggit"

"Si Shelbe lang siguro ang kilala kong babae na walang pakealam kong wala na siya sa poise kong kumain"

Ilan lang 'yan sa narinig ko sa mga estudyante. Nagulat ako dahil sa biglaan pagyakap ni Mayshien at Crizel sakin.

"God Shelbe! Ang takaw mo!"sabi ni Mayshien habang humahagikgik.

"Oo nga! Alam mo bang maraming bilib sayo ngayon. Kesyo, pano mo daw na maintain ang body mo kahit na marami kang pakainin. Kesyo hindi daw halata sa mukha mo na matakaw ka"sabi ni Crizel habang humahalakhak.

"Tss... Kasalanan 'yun nila 'yun itulak ba daw ako sa ibabaw ng stage."sabi ko. At humalukipkip.

"O siya sige Congrats nga pala Shelly! Hahaha! Balik na kami sa team namin"sabi ni Mayshien at Crizel. Tumango naman ako at sinimulan narin ang paglakad papunta sa ka-team ko.

"Waaah! Congrats satin! Two straight wins na tayo!"sabi ni Miss Terror sa amin.

"Grabe hindi talaga nagkamali ikaw isalang don sa Ubusancng Pagkain. Hahahaha"sabi ni Ethan at tumawa akin hinampas ko nga ang balikat niya eh.

"Congrats Shelbs"sabi ni Lowie sa akin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik at tumango bilang tugon.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterМесто, где живут истории. Откройте их для себя