Chapter 32

4.6K 148 2
                                    

*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 32|

ZINNIA's POV

5:00 a.m akong nagising 6:00 am kasi 'yung assembly time namin. Dumeretso kaagad ako sa C.R at naligo. Pagkatapos nun ay lumabas na ako sa C.R at kinuha ko na 'yung damit ko.

Yellow tube dress above the knee and then 'yung flat shoes yung sinuot ko. Kinuha ko na muna 'yung make-up kit ko. Naglagay lang ako ng lipbalm tas liquid eyeliner then Messy bun. Well, mukhang tao na ako ngayon. >o<

Tinignan ko 'yung kabuuang katawan ko and I must say, I'm so hot.

Kinuha ko na 'yung maleta ko tas lumabas na ako sa kwarto. Pagkalabas ko ay timing rin na lumabas si Lowie sa kwarto niya. He's wearing a Gray plain shirt, pedal at naka tsinelas. May nakalagay pa na sunglasses sa tshirt niya.

"Ba't ganyan ang suot mo?"tanong niya sakin.

"Pakealam mo? Boyfriend ba kita?"tanong ko pabalik sa kanya. Napaawang naman ang bibig niya dahil sa sagot ko. I'm very sure na hindi niya expected na 'yan ang isasagot ko sa kanya.

Sinaktan mo eh, Kaya nagbago.

Nung humakbang ako ay 'yun rin ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Mayshien.

"Wow Shelly! You're so damn hot!"sabi niya sakin na napatakip pa ng baba niya at nanlaki pa ang mga mata niya.

"Hahaha. OA lang 'te? Ikaw din naman ah"sagot ko sa kanya.

Naka shorts siya tapos naka converse and hanging shirt. Nakabuhaghag ang curly hair niya and naka lipstick na kulay pula.

"Hahaha! Oo. Pero mas lamang kaparin sakin"sagot niya sakin tinawanan ko nalang siya.

"O Lowie! Nandiyan kapala di ko napansin. Tara na sa baba."sabi niya. Tumingin lang ako sa pwesto ni Lowie and i smirked.

Pagkababa namin ay umupo na muna kami sa salas. After ilang minutes ay nandiyan narin sina Crizel at Leondre.

"So, tara na guys?"tanong ni Crizel. Tumango naman kami at lumabas na sa gate.

Kahit hindi na kami nakapag-almusal ay sumakay na kami sa kotse ni Lowie.

Si Lowie ang nagda-drive tas silang tatlo naman ay nasa back seat.

I think, it's kinda awkward.

"Guys! Omg! Excited na ba kayo?"tanong ni Mayshien samin.

"Hell yeah!"sabay na sagot nina Leondre at Crizel.

Usap lang sila ng usap ng mga bagay-bagay samantalang kaming dalawa naman ni Lowie ay tahimik lang. Napagpasyahan kong isaksak ang earphones ko at makinig nalang ng music.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay nakarating rin kami sa airport. Dito kaming magkikita lahat. Hindi rin kami medyo marami dahil kakaunti lang naman ang nakapasa sa test na ibinigay saamin. Ewan ko nalang sa mga 4th year college kong anong test ang tinake-up nila.

Bumaba na kaagad ako sa kotse at agad na kinuha ang maleta ko. Nakita ko naman na nandito na 'yung ibang kaklase namin. At 'yung iba naman ay mga 4th year.

"Wow! Ang hot ni Shelbe pre oh"

"Si Shelbe ba 'yan?"

"Omg! She's a goddess"

Iilan lang 'yan sa naririnig ko sa mga estudyante. Most of them ay nakasuot na ng kanilag summer attire. 'Yung iba nga ay may dala pang salbabida. Nagstay lang kami sa gilid kasama 'yung mga kaklase namin. 'Yung iba wagas makatili dahil excited na excited makapunta sa Boracay.

"So, Guys! I think we're complete right?"tanong ni Sir David samin. Siya 'yung inatasan na sumama samin together with Miss Terror and Mr. Willson pati ang dalawang teacher na advisory ng 4th year.

Sabi sa list na nakalagay sa bondpaper namin ay kung sino man ang makalampas sa 6:00 am ay hindi na makakasama sa outing.

"Sige na guys! Pasok na tayo sa loob!"masiglang pagkakasabi ni Miss Terror saamin.

Kaya sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng airport.

*************

Papasakay na kami sana sa may eroplano pero may biglang humigit sa kamay ko.

"Hi, My beautiful slave"sabi niya sakin at kinindatan niya ako.

Mabuti nalang at may bracelet 'yung sa parte ng may tattoo sa wrist ko kung wala. Siguro, sira na 'yung plano ko.

"Shut up"sabi ko.

"Well, tayo na"sabi niya at hinatak ako papunta sa loob. Marami ang nagulat sa ginawa ni Ethan. Gosh! Pati nga ako nagulat sa ginawa niya eh.

"Are they dating?"

"Omg! Bagay sila diba?"

"Oh no! Taken na si Oppa. Huhubels!"

What the fuck! No way! He's my target! He's my enemy! Duuuh. Mga chismosa talaga eh. Ang sarap ihampas sa pader.

Umupo kami sa medyo gitna ng eroplano. Ako 'yung nasa bintana at siya naman ang umupo sa tabi ko.

"Ano bang ipapagawa mo sakin ha?"tanong ko sa kanya.

"Mamaya na. 'Wag kang atat"sagot niya sakin habang nakangisi.

"Mukhang gago"bulong ko sa sarili ko.

"Ano?! Ako? Gago?!"gulat na pagkakasabi niya habang nakaturo pa sa sarili niya.

"Bakit? Hindi ba?"tanong ko pabalik at nagcrossed arm nalang ako habang nakikinig ng music.

Nakita ko pa na parang nagsasalita si Ethan. O tignan mo 'to. Nakita na niya nga na naka earphones ako kakausapin parin ako. Muntanga lang.

Napagpasyahan ko na muna na umidlip dahil kulang ang tulog ko kagabi dahil sa drama ko. Tsss.

ETHAN's POV

Nakita ko na nakatulog si Shelbe. Actually, ang ganda niya ngayon. May mahabang pilik mata, matangos na ilong, maputi at makinis na balat, blonde na buhok, at kahit naka lipbalm lang siya at naka eyeliner. Maganda parin siya.

Sinundot sundot ko ang pisnge niya. Pero no response parin. Hanggang sa paulit ulit ko na itong sinundot sundot. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa niya.

Kinuha niya 'yung right arm ko at saka niya ito pinilipit papunta sa likod ko.

"Stop it or i'll wring your neck to death"mariin niyang pagkakasabi. Nagtaasan naman ang lahat ng balahibo ko. Nakakatakot siya. Oo mukhang anghel nga talaga 'yung mukha niya pero parang demonyo rin siya. Aish.

Unti-unti niyang kinalas ang kamay niya sa pagkakahawak sakin. Tsaka umupo ng tuwid as if there's nothing happened awhile ago.

But, seriously there is something from her na parang kapag sinabi niya 'yung salita na 'yan ay dapat mo talagang sundin. Or else, she will kill you.

And its giving me chills.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now