Chapter 39

4.6K 131 14
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********

|Chapter 39|

ZINNIA's POV

Nagulat ako ng dahil sa ingay sa labas. Papalapit na papalapit ang ingay dito. Haggang sa may nagbukas ng pintuan. Dalawang tao at may dala-dalang cymbals. Lumapit ito sa amin at pumwesto sila sa harapan ng mga mukha namin sabay nila pinagtagpo ang cymbals

"MAGANDANG UMAGA!"sabi nilang dalawang babae.

"WAAAAAAAH!"sabay na sigaw nilang dalawa. Tumawa ako sa kanilang reaksyon pati narin ang dalawang babae.

"Proceed to the Dining Hall po ang hindi makapunta sa Dining Hall exactly 5:30 hindi na makakain ng breakfast! Tapos magsisimula na kayo ng Activity niyo this morning!"sabi ng isa at nagbow samin at umalis na.

"OMYGHAD! akala ko kung ano na ang nangyari"sabi ni Mayshien at nakahawak pa sa dibdib niya. I'm very sure na ang lakas lakas ng heartbeat nilang dalawa.

"Gosh... Inaantok pa ako eh! Anong oras na ba?"tanong ni Crizel habang kumukusotsa mata niya.

"5:00 am"tipid kong asabi at tumayo na at nanghilamos at nagmumumog.

Silang dalawa naman ay naka indian seat at nakapikit.

Kinuha ko ang mga kamay nila at agad na hinila paalis sa kama. Binuksan ko kaagad ang pintuan.

"Wait lang naman!.... Teka!"sabi nila at nagsuot ng tsinelas. Pagkatapos nun ay sumakay kami kaagad ng elevator.

"OMG SHELLY! BA'T MO KAMI HINILA! KITA MO 'YANG MGA MUKHA NAMIN?! DAIG PA NAMING NAKIPAGSABUNUTAN SA MGA BABOY!"sabi ni Mayshien habang nakatingin sa mirror dito sa elevator.

"Oo nga naman Shelbs! Arrgh"sabi ni Crizel habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya. Nakapantulog parin kami dahil sabinga ng dalawang babae diba? Dapst exactly 5:30 ay nandun na kami kung hindi wala na kaming maabutang breakfast.

TING!

Hinawakan ko ulit ang magkabilang kamay nila at tumakbo kami palabas ng Hotel. Nakahiwalay kasi ang Dining Hall sa Hotel.

Pagkarating namin don ay nakita ko ang mga estudyante na nakapantulog rin. Ang iba naman ay nakaupo pero nakapikit. Halatang hindi sanay na magising ng umaga.

Ginala ko naman ang paningin ko at nakita ko si Leondre na kinakawayan kami. Napangiti naman ako atsaka hinila sina Maysjien at Cizel sa direksyon nila.

"Hahaha! What's with the face Criz?"tanong ni Leondre at inayos ang buhok ni Crizel.

"Wag PDA. Respeto naman kahit konti sa mga Single dito"sabi ni Mayshien at humikab. Pinandilatan ko nga siya eh.

"Sige kukuha lang kami ni Mayshien ng makakain"sabi ko at hinila ulit si Mayshien papunta sa nakahilerang pagkain. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay bumalik rin kami kaagad sa pwesto namin. Sina Crizel naman at Leondre ang kumuha ng pagkain nila.

"Nanliligaw pa ba 'yang si Leondre kay Crizel? Parang may relasyon na nga yata sila"komento ni Mayshien habang nakatingin kina Crizel at Leondre na magkahawak kamay na pumunta sa Buffet Table.

"Aba malay ko"sagot ko at kinain 'yung saging.

"Good morning"biglang may bumati samin dito sa gilid ko. Tumingin ako at si Lowie pala.

"Morning din!"masayang bati ni Mayshien sa kanya. Nagkabati rin sila ni Mayshien. Well, hindi naman talaga sila nag-away parang nagka-misunderstanding lang. Tumingin lang ako kay Lowie at saka binalik ang atensyon sa pagkain ko.

The Reckless GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon