Chapter 47

4.6K 122 1
                                    


*********

The Reckless Gangster(COMPLETED)
A Story by AeeyJeey

********


|Chapter 47|

Nauna ng lumabas sa kwarto namin ang mga kaklase ko. Pati narin sina Jessa.

"Hi Girl... Congratulations"sabi ni Jessa sa akin at nakipagbeso pa.

"What are you doing Jessa?"narinig kong bulong ni Aria sa kanya.

"Kayo guys? Mag congrats din kayo sa kanya dahil sa wakas ay silang dalawa na ni Lowie"sabi ni Jessa. Nakita ko naman na pinandilatan niya sina Catie kaya kahit labag sa loob nila ay nakipag congrats din sila.

"Nagkakamali kayo. Hindi pa nga kami"sagot ko sa kanila.

"Don't deny it girl. Halatang may relasyon na kayong dalawa. Well, anyways mauuna na kami sa inyo"sabi niya at nginitian ako na halata mong fake naman.

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa huminto sila sa tapat ng pintuan at tumingin ulit sakin. At nag smirked sakin si Jessa at tuluyan ng umalis.

"I think. May planong masama si Jessa"sabi ni Lowie sa akin.

"I think so too. Hindi naman siya ganyan eh"sagot ko naman at kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na kami sa classroom. Pumunta na muna kami sa tambayan namin sa ilalim ng malaking puno. Tinawagan naman kaagad ni Lowie sina Mayshien na pumunta na dito sa tambayan namin.

"Shelbs.... Trust me. Ikaw na talaga ang mahal ko"sabi ni Lowie for the nth time.

"Alam ko... Kanina mo pa sinasabi 'yan eh"sabi ko at nginitian ko siya.

"Hindi kana galit sakin?"tanong niya ulit sakin.

"Nope. Not at all"sabi ko.

"EHSEEEEYYY! ANG CHESSY MGA MEHN!"nabigla naman kami sa sumigaw at nakita ko si Mayshien na andito na sa harapan namin pati sina Leondre at Crizel na magkahawak kamay.

"Okay na kayo?"tanong ni Crizel at umupo sa damuhan. Sabay naman kaming tumango ni Lowie.

" 'Yan! Magkabati kayo tapos magpapakag@go nanaman tong si Lowie"sabi naman ni Mayshien at sumubo ng pizza pie.

"No. Hinding-hindi na mangyayari 'yun"sabi ni Lowie at nginitian ako.

"Good. Kasi kapag nangyari 'yun bubugbugin ka ni Kuya Josh. Remember?"tanong ni Leondre sa kanya.

"Yeah. Noted"sabi ni Lowie.

"So, saan tayo mamaya?"tanong ni Leondre sa amin.

"Past muna ako brad. May pupuntahan pa kami ni Shelbe eh"sabi niya at kinindatan ako.

"Ohhh.... Magdi-date kayo?"tanong ni Mayshien.

"NO!/YES"sabay naming sagot ni Lowie.

"Kita mo 'to. Magdi-diate pala kayo bakit niyo pa kami pinapunta dito? Mga shutangers"sabi ni Crizel sa amin.

"Pasensya naman"sabi ni Lowie.

"Punta tayo ng cafeteria? Gutom na kasi ako. 'Yung iba kasi dito ang PG!"Sabi ni Crizel.

"Hoy! 'Wag ka nga! Matuto kang bumili ng pagkain mo!"sigaw ni Mayshien sa kanya habang may laman pang pagkain sa baba niya.

"So, inaamin mong patay-gutom ka? Good for you at narealize mo rin"sabi ni Crizel at tinapik tapik pa ang likod ni Mayshien ng pagkalakas-lakas. Kaya naman na bilaukan si Mayshien at agad na uminom ng tubig.

"TANGNA MO WITH FEELINGS!"sigaw ni Mayshien kay Crizel. Nagtawanan nalang kami dahil sa kakulitan nilang dalawa.

Hanggang sa napagpasyahan na namin na pumunta sa cafeteria. Nag-order ako ng hot coffee dahil parang pipikit na ang mga mata ko. Lumakad na ako sa lugar nina Lowie pero nabanggaan ako ni Jessa.

"Omyghad! I'm very sorry Shelbe. I didn't mean to"sabi ni Jessa at pinahiran ang parte na nabuhusan ng kape. Shocks ang init. Mas lalong nagkalat ang kape sa damit ko kaya naman bakat na bakat na ngayon ang katawan ko. Bigla namang may pumaton na jacket sa balikat ko at nakita ko si Ethan.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo"sabi ni Ethan sa kanya at hinawakan ni Ethan ang kamay ko at lumakad na paalis ng cafeteria.

Pumunta kami ng locker room at kinuha ang uniform ko at pagkatapos nun ay pumunta kami sa Comfort Room ng mga babae.

"Thanks Ethan.. Sige umalis kana. Kya ko na sarili ko"sabi ko sa kanya.

"Sure ka?"

"Yeah... Sige na"sabi ko at pumasok na sa loob ng CR. Pumasok na ako sa loob ng cubicle at nagsimula ng magshower. Pagkatapos nun ay itinapon ko na 'yung uniform ko at lumabas na sa loob ng CR.

"Tapos kana?"nagulat ako na hanggang ngayon ay nandito parin si Ethan.

"Y-yeah... Diba sabi ko kaya ko na ang sarili ko... Ba't andito kapa?"tanong ko.

"Para masecured ang kalagayan mo"sagot niya at nginitian ako. "Tara na"sabi niya at nagsimula ng maglakad habang nakalagay ang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.

Napapailing akong sumunod sa kanya.

Pero nabigla ako ng papunta kami sa direksyon sa likod ng garden. Tumingin siya sa akin at marahas na kinuha ang kanang kamay ko at tinanggal ang bracelet na tumatakip sa tattoo ko.

"I-ikaw?"hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Namumuo nanaman ang galit ko sa kanila-sa kanilang Viper. Kong hindi dahil sa kanila ay hindi mamamatay si Daddy! Tangna nila lahat!

"Yes dear... So, be ready for my sweetest revenge"sabi ko sa kanya and I winked at him. Tumalikod na ako pero naramdaman ko na may papalapit sakin na matulis na bagay agad akong yumuko at tumingin sa puno kung saan nandon ang matulis na bagay.

Isang shuriken.

"Hey.. Hey.. Hey! Gusto mo na bang mamatay ngayon? Wag sabihin mo lang papasundo kaagad kita kay kamatayan"sabi ko sa kanya. At sinugod siya.

Binigyan ko siya ng long kick sa mukha at siya naman at sinubukang suntukin ako. Kinuha ko ang shuriken sa kanyang bulsa tapos pinilipit ko ang kanyang leeg at tinapat ang shuriken sa leeg niya.

"Any last wishes dear?"tanong ko sa kanya. Pero agad kong kinuha ang kamay ko na nakapilipit sa leeg niya.

"Pero dahil... Hindi pa ngayon ang nakatakda para patayin ka ay papalayain muna kita. 'Wag kang mag-alala. Hindi kita tutuluyan. Pero subukan mo lang akong tangkaang patayin. Baka hindi mo gusto ang sunod na gagawin ko sayo"sabi ko at nginitian siya mg pagkatamis tamis bago ko siya iniwan na naka nganga.

JESSA's POV

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo"nagulat ako sa sinabi ni Ethan. Akala ko ba hindi niya mahal si Shelbe? Akala ko ba slave lang ang turing niya sa kanya. Bakit ganito?

Nakuyom ko ang mga kamay ko atsaka ako umalis at pumunta ng parking lot. Agad kong kinontak si Khara dahil may kasunduan kami.

Nagmeet kami sa isang café tapos nun ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Papayag na ako"sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng pagkalapad-lapad.

"You are now my Partner in Crime"sabi niya at nakipagkamayan kami.

***

Don't forget to click the STAR at the bottom! Votes and comments are highly appreciated! <33333

The Reckless GangsterWhere stories live. Discover now