Chapter 2

9.3K 321 59
                                    

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay Sabado na syempre hindi mawawala yung asar , at pangaapi nila sakin.
Papunta ako sa MSA dahil doon daw ako susunduin ni Axel. Ng makarating ako Sa Harap ng MSA ay nakita ko sya doon nakasandal sa kotse nya. Hala?!! Baka kanina pa to naghihintay kaya mabilis akong lumapit dito.  

"Sorry, Kanina kapa ba?" Tanong ko. Umiling lang sya. At pumasok na sa kotse nya.

"Sakay" Napatingin ako sa kanya at sumakay nalang.

Tahimik lang kaming dalawa habang bumabyahe papunta sa kanila.

"Baba" Sabi niya at agad na akong bumaba.

"Goodmorning Sir Axel" Bati sa kanya ng yaya nya. Biglang tumingin sakin ang maids nila mula ulo hanggang paa.

"Sino sya sir?" Sabi ng Maids.

"Classmate ko. Pasok" pagyaya sakin ni Axel. nakita ko naman na umirap sakin yung maids. Problema nun?

Pagpasok ko sa bahay nila. Namangha ako sa laki. At may garden pa sila at may pool. Grabe ang laki ng baha-- MANSYON nila.. Dream house ko ito ee.

"Uy bro. Andyan na pala kayo" Napalingon ako sa nagsalita si Keith pala."Aa Hi kyla" Sabi nya
"Hello" sabi naman ni Ashton.

"H-hii" nahihiya kong sabi.

Umupo kami sa sala nila. Grabe sala palang to pero Ang laki na.

"Okay , Sating tatlo Alam naman na natin yung mga Bagay bagay na dapat alamin. Kaya Ikaw nalang ang kikilalanin namin Kyla" sabi ni Keith at Sumangayon naman ang dalawa.

"Okay First. Name ng parents mo?" Pagsisimula ni Ashton.

"Karen Santos at Robert Santos" Pag Sagot ko naman.

"Full name mo?" Tanong naman ni Keith. Agad naman syang binatukan ni Ashton.

"Aray para san yun?" Sabi ni Keith ng nakasimangot.

"Tanga ka ba? Kailangan pa bang tanungin yan eh alam mo naman na"Iiling iling na sabi ni Ashton.

"Malay mo mahaba pala pangalan nya. Tsk!" Sagot naman ni Keith. Natawa nalang ako sa inasal nila.

"Kyla Santos lang Name ko" sagot ko.

"Kyla? Ahh Kyla Santos" Panigurado ni Ashton.

"Business?" agad naman kaming napatingin kay Axel.

"A-aah wala kaming Business." Sabi ko. Napatingin naman silang tatlo sakin.

"Huh? As in wala?" Di makapaniwalang tanong ni Keith. Tumango lang ako. Medyo nahihiya ako kase sila mayayaman tapos ako?! Kamusta naman yun diba?

"Pano ka nakapasok sa MSA?" Tanong ni Ashton.

"Scholarship" sabi ko sabay yuko.
~~*

Mag gagabi na kaya Sumakay na ako sa taxi Di nako nag pahatid kay Axel. Nakakahiya Kinilala lang nila ako At kinilala ko rin sila. Grabe ang yayaman. Pala talaga nila Sila Axel pala ang rank 2 na pinakamayaman sa Pilipinas. Grabe di ko alam yun. At rank 1 naman  sila Amanda kaya pala lahat ng gusto nya nasusunod at Yung dalawa nyang Kaibigan . ay Rank 3 at 4 Sila Keith at Ashton naman Ay rank  5 at rank 6 .
Grabe! Ang yayaman samantalang ako? Tss.

Nakarating na ako sa Bahay ay inabutan ko sila tatay at nanay na kumakain.

"Oh anak.andyan kana pala sumabay kana Samin ng tatay mo" Wika ni nanay.

"Kamusta ang Lakad mo Anak? Tapos na ba ang assignment na pinapagawa sayo ng teacher mo?" Tatay.

"Opo tay." Sabi ko.

Natapos kaming kumain at umakyat na ako sa kwarto ko at doon humiga. Hayts. Nakakapagod! Di ko makalimutan yung mga tingin sakin ng mga maids nila Axel.

Ano bang problema sakin? Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa!  Purket ganon ang damit ko Hindi maganda kagaya ng muka ko?. Nag ayos lang ako ng sarili ko at natulog na.

~~*

Pag gising ko Ay nagbihis na ako . linggo ngayon kaya kailangan kong magsimba. Sumakay lang ako sa tricycle papunta sa simbahan.

Natapos ang misa ay Dumiretso ako sa park dito ako laging pumupunta. Kasi mahangin Umupo lang ako sa bench na malapit.

Maya maya ay may Huminto na kotse sa di kalayuan teka? Parang pamilyar yung kotse?! Nakita kong bumaba doon si Axel. Huh? Anong ginagawa nya dito.?

Umupo sya sa may damuhan masyado syang malayo sakin kaya di nyako makita. Pinupunasan nya yung pisnge nya teka?! Umiiyak sya? May nakita akong Ice cream kaya lumapit ako doon.

"Manong dalawa nga po , cookies and cream" sabi ko sa tindero.

"Eto po iha" Binigay ko na yung bayad.

Pumunta ako kung nasan si Axel. "Oh para sayo" sabi ko nakita ko namang nagulat sya. At tumayo.

"No thanks" Tsk! Choosy pa.

"Sabi ng nanay ko gumagaan yung problema pag kumain ng ice cream" Sabi ko naman.

Binigay ko ulit sa kanya at tinanggap nya naman yun.

"Pwede kang magshare , ano ba problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"It's none of your business" Cold nyang sabi.

"Hmm. Okay bahala ka. " Sabi ko.

May dumaan na mga babae at tumingin samin , ay Kay Axel lang pala.

"Girlfriend nya yan?! Lah?! Di sila bagay"

"Mas bagay pako dyan eh!"

"Panget naman ng Gf nya!"

"Ay ang chaka!"

Yumuko nalang ako at hindi pinansin ang mga sinasabi ng mga babae. Nakita kong tumayo narin si Axel at Hindi na nagpaalam sakin pumunta narin sya sa kotse na at nagsimula ng magmaneho siguro ay nahiya din sya dahil sakin umupo lang ako saglit at hindi ko nalang inisip yung nangyare

Umuwi nalang ako sa bahay at humiga , Iniisip ko lang bakit siya umiiyak? Ano yun? Broken hearted? Di naman siguro parang walang lang ee tsaka Di halata na umiiyak dahil sa pagibig , Dahil yung muka nga Masyadong cold at masungit...
Nagayos lang ako at humiga na Dahil bukas panibagong pang aapi nanaman Hays! Masanay kana Kyla tapos kanina sa Park? Hanggang dun ba naman ay paguusapan parin nila ako?! Lalo na yung bakla kanina makapagsabi sakin ng Chaka! Grabee.!

THE POOR GIRL'S REVENGEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora