Chapter 33

6.7K 227 28
                                    

Kyla's POV

Lumipas ang mga araw at ngayon ay sabado na maraming nangyayari bawat araw laging nakasunod sakin yung tatlo dahil baka daw mangyari nanaman yung nakaraang araw na binugbog ako.

Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na ang swerte ko. Dahil may mga kaibigan ako na handang protektahan ako.

Sa araw na lumipas mas lumalalim yung nararamdaman ko kay Axel. Hindi ko na sinabi kay Keith na may gusto ako sa kanya syempre ang daldal kaya 'non. Minsan nga iniisip ko kung may gusto rin kaya si Axel sakin? Kasi walang araw na hindi sya sweet pero syempre iniisip ko lang yun. Ayokong umasa na may gusto sya sakin kahit ganun ang kinikilos nya. Si Ash naman lagi kong nahuhuli na nakatingin sakin lagi iniisip ko nga minsan na araw-araw ba akong may dumi sa mukha? Pag nahuhuli ko naman sya ngumingiti lang sya kaya ngingiti narin ako. Si Keith ayun laging kalokohan ang alam pero minsan seryoso sya kung san ako magpunta gusto nya nakasunod sya dahil iniisip nya baka mapahamak nanaman ako. Oh diba? Ang swerte ko , sila Amanda? Sinabihan nanaman ako ng masasakit na salita nung nag cr ako. Andun silang tatlo ng mga kaibigan nya siguro alam nya na laging nakasunod sakin yung tatlo kaya doon nya ako naisipang sabihan at sampalin. Isa lang naman ang paulit ulit nyang sinasabi eh 'layuan ko yung tatlo' hindi madali na layuan mo yung tatlong kaibigan mo at yung lalaking gusto mo. Hindi ako nakinig sa kanila nun. Hinintay pa nga nya na makaalis ako sa cr para hindi makahalata yung tatlo na andun sila sa loob eh.

Sa mga araw na lumipas madalas ng sumasakit ang ulo ko. Parang may pilit na pinapaalala sakin pero hindi ko naman masyadong maaninag dahil sobrang labo ng mga mukha nila. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sakin yung mga ganong bagay.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa park busy kasi yung tatlo ngayon. Kaya  hindi sila nakapunta sa bahay ngayon araw araw kasi eh andun sila sa bahay kaya minsan lagi kaming sabay sabay kumakain.

"Hahahahaha!"

Napatingin ako sa apat na babaeng nagtatawanan mukhang mag bebestfriend sila halata naman eh. Ang saya nga nilang tignan.

Umupo sila sa may bench na katabi ko habang kumakain ng mga kikiam at fishballs.

"Oy Cindy umupo ka kaya! Ino-op mo nanaman sarili mo samin"Sabi nung babaeng medyo maliit at hanggang balikat yung buhok sa unang tingin mo pa lang parang ang sungit nya pero mukhang mabait naman sya.

"Kaya nga tsaka tigil-tigilan mo pag iikot ng buhok mo mukha kang baliw haha. Nakakabawas ng ganda yan haha!"Sabi naman nung medyo matangkad na babae tapos maputi parang ang taray nya pero natawa ako sa adik na baliw haha.

"Oy grabe kayo kay Cindy ah!" Singit naman ng medyo maliit na babae at sobrang haba ng buhok ang taray ng mata nya pero mukhang mabait.

"Okay lang sanay naman na ako sa mga joke nyo" Nagsalita narin yung babaeng kulot na medyo maitim. Parang lagi syang inaasar ng mga kaibigan nya.

Namiss ko tuloy yung tatlo wala rin namang nagtetext sakin isa sa kanila eh.

"Ate gusto mo?" Tumingin ako sa likod ko kung may iba pang kinakausap yung babaeng maliit na mahaba ang buhok. Mukhang ako nga yung kinakausap nya. Inaalok nya yung isang baso ng kikiam.

"H-huh?"

"Sabi ko kung gusto mo?"

"Ah hindi po salamat nalang" sabi ko.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now