Chapter 37

6.6K 223 28
                                    

Kyla's POV

"Kylaaaaaaaaa" pagkarating ko sa room niyakap agad ako ni Keith ng mahigpit. Buti nalang kaming apat pa lang ang tao dito sa loob.

"Kyla okay ka lang? Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong ni Ash.

"A-ah. May pinuntahan ako eh." Palusot ko.

"Ah kaya pala"

Pumasok yung isa naming kaklase sa sobrang kakamadali nya. Natamaan nya yung likod ko! Ghad! May pasa ako doon eh!

"Aray!" Aba! Pangalawang beses nayun ah! Peste ang sakit yung pasa ko huhu!

"Tsk! Lapag mo yung bag mo" utos sakin ni Axel.

Nilapag ko naman yung bag ko. Pagtapos ay hinila nya na ako palabas. Aray huh!

"San tayo pupunta Axel?"

"Clinic" maikli nyang sagot.

"Ha? Bakit? Wala naman akong sakit"

Humarap sya sakin ng naka poker face.

"Sure?"

"Oo naman"

"Kaya pala um-aray ka kanina nung nabangga ang likod mo."

"Huh? J-joke lang iyon"

"Tsk!"

Nakarating kami sa clinic at pinaupo muna ako ng nurse. Dahil may ginagawa pa sya.

"Axel balik na tayo. Nagugutom na ako" naka pout kong sabi.

"Tsk! Stay here"

"Oy san---"

Ano ba naman to si Axel. Hindi pa ako tapos magsalita eh!

Lumapit na yung nurse at sinumulang gamutin iyong sugat ko sa likod. Hinampas kasi yan ni Amanda ng matigas na bagay eh.

Pagtapos gamutin ang sugat ko ay lumabas na ako ng clinic. Wala pa si Axel ah! Asan naba yun?

"Here" Muntik na akong mapatalon sa gulat nung sumulpot si Axel sa likod ko. Inaabot nya sakin yung isang tubig tapos dalawang burger tsaka fries.

"You need to eat. Wag mong pabayaan ang sarili mo tsk." Kiligin naba ako hehehe. Kinuha ko naman iyon at simulang kainin. Pagtapos kong kumain ay bumalik na ako sa room. Tumawag kasi yung mommy ni Axel kaya pinauna na nya ako.

"Mr. Smith your 10 minutes late!" Sabi ng prof namin nung makadating si Axel.

"Tsk! I know"

Napailing nalang ang prof namin at nagsulat ulit.

Nung lunch na ay sabay sabay kaming pumunta sa cafeteria. Syempre todo tili nanaman ang mga babae dahil sa tatlo. Ng maka order na kami ay nilantakan na namin yung pagkain namin. Gutom na kami eh!

"Ash sino first date mo?" Biglang tanong ni Keith.

"Hindi ko na matandaan." Sagot naman ni Ash. "Ikaw?"

"Hindi ko rin matandaan. Madami kasi eh! Well ganun talaga pag gwapo!"

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon