Chapter 69

6.1K 195 30
                                    

Sophia's POV

"Mamimiss kita wife." Agad akong napalingon kay Axel ng sabihin niya 'yon. Kita ko ang lungkot niya.

"Hubby pwede naman tayong magkita ulit ah?" Natatawa kong sabi habang inaayos ko 'tong mga gamit ko uuwi na kasi kami ngayon.

"I-i know p-pero mamimiss parin kita wife"

"Eh bakit nauutal ka hubby?"

"Wala wife."

Tango nalang ang nasagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagaayos.

"Wife wag kang titingin sa iba ha? Lagi mo 'kong itext tsaka magiingat ka palagi okay?"

Hininto ko ang pagaayos ng gamit ko at lumapit kay Axel.

"Hubby pwede naman tayong magkita araw-araw diba? Pwede kang pumunta sa bahay then ako pwede akong pumunta sa condo mo o kaya sa bahay niyo. Bakit ka ba nag bibilin diyan?"

"Wife w-wag ka munang pumunta sa condo ko o kaya sa bahay ko"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hubby ano bang sinasabi mo? Ayaw mo ba kong makita araw-araw?"

"Nah. Hindi sa ganoon wife basta wag ka munang pumunta okay? Tapos yung mga sinabi ko ha"

"Axel a-aalis ka b-ba? Iiwan mo ba 'ko at ganiyan ka magsalita?" Kinakabahang tanong ko.

"Wife yan ang salitang hindi ko gagawin ang iwan ka. Mahal na mahal kita okay? Sige na ayusin mo na 'yong mga gamit mo"

Walang gana akong tumango at nagpatuloy sa pagaayos. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may gagawin si Axel na hindi ko alam. Bakit ayaw niyang pumunta ako sa condo niya?! May tinatago ba siya? Ayokong magisip ng kung ano-ano at higit sa lahat ayokong maghinala dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya. Hays! Ano ba 'tong pinagiisip ko!

Ng matapos akong magayos ay pumunta na kami sa sasakyan nandoon na rin kasi ang iba kaya kami nalang talaga ang kulang ni Axel.

Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa bintana si Farah lang naman ang daldal ng daldal dito eh.

"Wife?" Bulong sakin ni Axel gamit yung sexy niyang boses psh!

"Hey?"

"Wife?"

"Hmm?" Walang gana kong tanong. Nawala ako sa mood ko pagtapos kong marinig lahat ng sinabi niya kanina.

"Sorry okay? H-hindi naman ako aalis wife eh. Gusto ko lang talaga sabihin 'yon sa'yo"

"Talaga?"

"Hmm. Hindi kita iiwan kahit alam kong unti nalang ang naniniwala sa salitang 'yon"

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon