Chapter 52

9K 259 26
                                    

Sophia's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakatulala hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko. Ang iniisip ko lang ngayon ay yung nangyari kagabe! Hindi ko alam bakit kailangan niya pa sabihin iyon?! Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ba siya iniisip ngayon nakakainis.

Kung totoo man yung mga sinabi niya kagabi kung totoo man na mahal niya ko. Bakit niya ako sinaktan? Bakit kailangan niyang gawin sakin yun?! Siguro tama nga siya hindi ko maintindihan!

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari samin ni Amanda kahapon. Ganun pala talaga no? Pag nagdilim na talaga yung paningin mo. Gusto kong maawa sa kaniya pero hindi ko magawa dahil lalo pa akong nainis sa kaniya!

Pilit kong iniisip na mali yung ginagawa ko. Pero parang may nagsasabi sakin na ituloy ko lang dahil kulang pa 'yon. At isa pa ang dami nilang ginawa sakin noon halos hindi ko na nga kayanin eh ako nga unti palang ang nagaganti ko masyado na silang galit?! Muntanga!

Napatingin ako sa phone ko 6:30 am palang. Gising na kaya si kuya? Napansin ko kasi hindi kami masyadong naguusap ngayon dahil lagi akong umaalis siya naman ay siguro medyo busy. Tumayo ako at naghilamos tsaka nagbihis narin. Lumabas na ako ng kwarto ko at napansin na masyado pang tahimik. Mga tulog pa siguro dumiretso nalang ako sa kwarto ni kuya ^___^

Naabutan ko siyang nag cecellphone habang nakahiga. Ng makita niya ako ay nagtaka siya tapos binaba yung phone niya.

"Goodmorning Kuya" Bati ko at humiga sa tabi niya.

"Morning baby sis. Aga mo nagising ah?"

"Hmm." Sagot ko.

Napansin ko namang tumingin siya sakin.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Kuya... Masama naba yung ginagawa ko? Yung paghihiganti ko sa kanila. Yung ginawa ko ng reunion namin. Sobrang sama ko na ba?" Seryoso kong tanong.

"Baby sis... Oo maraming nagsasabi na huwag gumanti sa kapwa o masamang gumanti. Pero syempre hindi naman natin maiiwasang hindi gumanti diba? Example sinampal kita ngayon anong mararamdam mo?" Tanong niya.

"Syempre kuya maiinis eh sinampal mo ko eh! Malamang sasampalin din kita!" Sabi ko.

"Yun! Ganyan ang nararamdaman ng isang tao pag nasaktan. Diba nga pag sinuntok ng isang lalaki ang isa pang lalaki gaganti din yung isa. Edi nagsuntukan na sila. Kasi hindi naman sila aabot sa pagsusuntukan kung hindi gumanti yung isa diba?"

"O-oo kuya"

Unti-unti ko ng nagegets yung point ni Kuya.

"Kaya ikaw ganun din ang nararamdam mo ngayon right? Pinahirapan, sinaktan, pinahiya, o ano pa ang ginawa nila sa'yo noon gusto mong ibalik yun sa kanila ngayon gusto mong iparamdam lahat ng naramdaman mo noon"

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now