Chapter 3

8.3K 294 35
                                    

Naglalakad ako ngayon Papuntang MSA. Dahil Monday ngayon. Kamusta na kaya si Axel? Umiiyak paba yun? Hayts! Yaan mo nga sya.

Pagpasok ko sa MSA. Ang sasama ng tingin nila sa akin? Huh bakit?

"Epal Amf!sakit sa mata ng mukha mo!!"

"Nakakinis talagang sinadya nya na magkagrupo sila ng MSB3 para makapunta sa bahay nila Axel!"

"Pasimpleng malandi! Kunwari mabait pero sobrang landi pala!"

"Ang panget kasi ng bahay nila kaya gustong makatungtong sa MANSYON!"

"E syempre tatay nya nga Construction Worker lang eh"

"Well Guys, tama kayo pasimpleng malandi tong si kyla!" Sigaw ni Amanda. Unti unti ng lumalabo yung paningin ko dahil sa luha ko.

"Iba Talaga pag mahirap" Saad ni Kaitlin.

"Poor na nga malandi pa" Sigaw sakin Mich. Pumatak na yung mga luha ko. Di ko na kaya yung pinagsasabi nila sakin.

Pinagbabato nila ako ng papel. Kaya umalis nalang ako doon at Tumakbo sa cr. Sinara ko agad yun at Sakto walang tao. Doon ako humagulgol ng iyak. Bakit ba kasi ang laki ng galit nila sakin? Ano ba yung ginawa kong mali sa kanila? Hindi ba sila nagsasawa na araw araw ay inaaway nila ako?! Bat ayaw ba nila akong tantanan?! Ang dami kong tanong ngunit hindi ko masagot .

Mabuti nalang at may panyo ako dito at agad pinunasan ang mga luha ko at nagayos na . lumabas na ako ng cr. At mabuti nalang walang tao. Pumasok nako sa room at nakita kong nagdidiscuss na si mam.

"Mam sorry I'm late" sabi ko at pupunta na sana sa upuan ko ng biglang May nagpatid sakin kaya Napaupo ako sa sahig. Pagtingin ko si kaitlin.

"HAHAHAHAHA" Tawanan ng mga kaklase ko.

"Class!! Quiet!" Saway ni mam.
"Ms.Santos okay ka lang ba? Tanong sakin ng teacher namin sa english.

"Opo mam" Sabi ko at tumayo na ako Umupo na ako sa tabi ni axel.

"Kyla okay ka lang?" Tanong ni keith Tumango lang ako pero sa totoo lang Sobra akong napahiya dun. Buti nga hindi umangat yung palda ko eh Bumuntong hininga nalang ako. At nagsulat.
--*
Break time na kaya pumunta nalang ako sa garden kesa sa cafeteria.
"Panyo mo" napatingin ako kay Axel  Habang inaabot yung panyo ko.

"S-Salamat" Sabi ko kaya pala nagtataka ako kung bakit wala yung panyo ko kanina baka nalaglag nung pinatid ako ni Kaitlin.

Tumango lang siya at naglakad na pero nakita sya ni Amanda.

"Ow! Nakikipagkita ka kay Kyla?" Asar na tanong ni Amanda.

"No" Maikling sagot ni Axel.

"Tsk. Lowclass!" Sabi ni Amanda at umalis na.

"Tsk!" Yan nalang ang narinig ko kay Axel at umalis na.
Ano bang meron sa kanila?

"Hoy Kyla kailangan ka daw sa Storage room" Wika ni Ayisha.

"Ok"Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako. Napapaisip ako bat naman ako kailangan sa storage room e hindi naman na ginagamit yun at puro alikabok doon. Hays! Bahala na nga.

Pagdating ko Pumasok na ako Madilim dito kase hindi na to ginagamit e wala namang tao aa. Tumuloy ako sa loob at para malaman kung meron bang tao. Maya maya ay may nagsara ng pinto. At may naririnig akong nagtatawanan.

"Teka! May tao dito buksan nyo to!" Sigaw ko pero tawanan lang sila ng tawanan at narinig kong umalis na sila.

"Hoy! Parang awa nyo na buksan nyo to! Pls!" Sigaw ko, Masyado ng mainit at puro alikabok na dito kaya nahihirapan na akong huminga. Napaupo nalang ako at napahawak sa dingding unti unti ng nanlabo yung paningin ko at bumagsak nako.

~~*
"Okay naman na sya unting pahinga lang" Narinig kong sabi ng kung sino.Unti- unti kong minulat yung mata ko at nakita kong nasa hospital ako.

"Anak okay ka lang ba may masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong ni Nanay.

"Nay! Okay lang po ako" sabi ko" nay uwe na po tayo wala po tayong pambayad dto." Sabi ko.

"Bayad na to anak. Kaibigan mo yung nagbayad at sya rin ang nagdala sayo rito." Sabi ni nanay.

"Nay! Wala po akong kaib--"

Hindi  ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pumasok yung doktor

"Pwede na po syang umuwe" Sabi ng doktor.

"Anak halika na." sabi ni Nanay.
Habang nasa Sasakyan kame di ko maiwasang mapaisip. Sino yung nagdala sakin dito.?
~~*
Kinabukasan ay papasok na ko sa MSA.
Biglang humarang sakin sila Amanda.

"Ano?! Masaya kana? Dahil naligtas ka ni Axel sa storage room hah?!- galit na wika ni Amanda.

Teka?si Axel?.!

"Hah? Di ko alam sinasabi nyo" Sabi ko eh hindi ko naman talaga alam.

"Malanding sinungaling" Sabi ni Amanda at tinulak ako.

"HAHAHA" Narinig kong tawanan ng mga student dito.

"Buti nga sayo yan ! Malandi ka kasi"

Tumakbo nalang ako para pumunta sa Garden at pinagpagan yung palda ko. Medyo masakit din yung balakang ko kaya nagpahinga muna ako dito.

Teka nga Bakit naman ako ililigtas ni Axel?!eh hindi naman kamin Close nun?! Maya maya ay pumunta nalang ako sa room at sakto kakarating lang din ni Mam umupo na ako at nakita na wala doon si Axel sayang magpapasalamat pa sana ako sa kanya.

Disscus lang ng Disscus si mam at nakikinig lang ako nagpa quiz rin At syempre Perfect ako!

"Ano bayan! Si Kyla pa yung naging Highest! Mukha ngang Bobo yan eh" Narinig kong sabi ni Mia.

Hindi ko nalang ito pinansin at Tumingin nalang sa Bintana Bukas ko nalang siguro kakausapin si Axel para pasalamatan Baka siya rin yung nagbayad sa Hospital Kahapon.

Natapos ang buong subject at uwian na hinanap ko si Axel pero Di ko mahanap! Umuwi nalang ako at Nadatnan ko si Nanay nagmano agad ako at kay Tatay.

Kumain lang ako pagtapos ay naglinis tsaka natulog.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now