Chapter 63

7K 235 32
                                    

Sophia's POV

"H-hey"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya medyo nahihiya pa kami sa isa't isa dahil sa nangyari nakaraan medyo hindi pa nga kami masyadong uusap ng matino eh.

"Kanina ka pa?" Tanong niya.

"H-hindi naman kakarating ko lang din kani-kanina"

"Sorry medyo traffic kasi eh"

"Okay lang" sagot ko naman at ngumiti.

"Ahm Ash. Bakit nga palang gusto mong magkita tayo?" Tanong ko siguro medyo nagtataka parin siya kung bakit hindi ko siya masyadong pinagtataasan ng boses o tinatarayan. Hindi niya pa kasi alam na alam ko na yung totoo.

"Ahm m-may gusto lang sana akong sabihin sa'yo eh"

"Ah ano yun?"

"Wait order muna tayo" tumango nalang ako at nagorder na siya ng makakain namin hindi ko nga alam kung kanino niya nakuha ang number ko para itext niya ko eh.

"A-hm may s-sinasabi ba sayo si Hailey or nababanggit?" Mabilis napakunot ang noo ko sa sinabi niya 'bat naman nadamay si Hailey dito?

"Ah hindi ko kasi siya masyadong nakakausap eh. M-may problema ata" sagot ko sa kaniya.

"Hmm. Ganun ba?"

"Oo eh."

"S-sophia" tawag niya.

"Bakit?"

"Alam mo bang gusto kitang ipaglaban dati?" Natatawa niya sabi kaya nalito ako anong pinagsasabi niya?

"H-huh? Ipaglaban saan?"

"Gusto ko sanang ipaglaban yung pagmamahal ko sa'yo dati eh kaso lang masaya kana kay Axel" mabilis akong natulala sa sinabi niya.

M-minahal niya ako? 'Bat hindi ko manlang alam iyon?

"H-hindi ko a-alam Ash" mahina kong sabi. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Minahal kita dati Sophia. Pero alam mo 'yon? Kay Axel kana masaya. Kaya sa tingin ko wala na'kong karapatang ipaglaban ka"

"A-sh I'm so sorry! Hindi ko alam sorry Ash. Sorry--"

"Sshhh! Hindi mo kailangang humingi ng sorry Sophia. Okay lang 'yon ano kaba may mga ganun naman talaga diba? Kung sino ang mahal ng isang tao dun lang sa kaniya nakafocus ang puso niya kaya hindi na niya napapansin na may nagmamahal pa sa kaniya. Pero okay lang yun matagal na yun"

Napakamanhid ko! Tama nga siguro sila ni Hailey na kay Axel lang talaga ako naka focus naiinis ako sa sarili ko! 'Bat hindi ko manlang napansin si Ash?!

THE POOR GIRL'S REVENGEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant