Chapter 15

7.6K 250 7
                                    

Kyla's POV

Pagkagising ko ay agad akong pumunta ng cr para maghilamos at saka bumaba.

"Anak pupunta lang ako sa palengke hah mag iingat ka dito." bilin sakin ni nanay

Tumango lang ako at pinagbuksan si nanay ng pinto pumasok si tatay sa trabaho nya kaya ako lang ang naiwan mag isa dito.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at humiga ulit.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari kahapon, hindi na nga ako nakakain kagabi dahil sa dami ng nakain kong kwek-kwek dahil bumili si Axel ng pagkadami-dami.

Napansin ko kasing malungkot si Axel kahapon kaya yun bumili ako ng kwek-kwek kasi masarap talaga yun.

May narinig akong bumusina sa tapat ng bahay kaya agad akong sumilip sa bintana ng kwarto ko, at laking gulat ko ng si Axel iyon anong ginagawa nya dito? Nag ayos ako at bumaba na.

"Hi bakit?"tanong ko ng makalabas.

"Hmm. Wala naghahanap akong kwek-kwek"sagot nya sakin. Agad naman akong napatawa.

"Seryoso?! Kwek-kwek umaga? Haha! Tuwing hapon lang 'yon Axel"sagot ko sa kanya habang tumatawa.

"Tsk!"yan lang ang narinig ko sa kanya.

"Pasok ka"sabi ko sa kanya.

"Hindi na di rin naman ako magtatagal at uuwi narin ako"-Axel.

Napatango lang ako sa sinabi nya  bigla namang nagring ang phone nya at nag excuse lang siya at lumayo ng konti. Pagtapos ay bumalik na siya.

"Girlfriend mo?"tanong ko.

"No, i don't have a girlfriend" sagot nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Seryoso bakit?"tanong ko ulit.

"Basta!"maikli nyang sabi.

Napa 'ah' nalang ako sa sinabi nya.

"Sige Kyla I gotta go bye"

Tumango lang ako at pumasok narin sa loob ng bahay.

Maya maya ay dumating narin si nanay at nagtaka ako ng kasunod nito si tatay.

"Tay bat ang aga nyo?"

"Anak may sasabihin kami sayo ng nanay mo"sabi ni tatay.

Umupo kami sa sala at nagsimulang magusap.

"Anak ang lola mo kasi sa Laguna ay namatay kaya kailangan naming pumunta ng tatay mo doon"nagulat naman ako sa sinabi ni nanay.

"Pero anak baka magtagal kami doon at umabot ng isang buwan dahil marami pa kaming aasikasuhin doon , hindi ka na namin isasama dahil ang pag aaral mo at baka mawala pa ang 'yong scholar"

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now