Chapter 57

6.9K 235 38
                                    

Hailey's POV

"Ano kayang meron ngayon?" Tanong ni Hope.

"Aba malay ko! Tatanungin mo kami eh pare-parehas tayong walang alam!" Sabi naman ni Farah. Ngumiti lang si Hope tss. Halatang kinikilig si gago eh!

"Kala mo namatayan tayo dito sa sobrang tahimik eh!" Si Jack.

"Ano kamong nangyari dun sa dalawa!" Singit ko.

"Oo nga no? Baka nagaway!"

"Siguro!"

Kumakain kami ngayon ng Piatos at ano pa. Mukha ngang nagaway yung dalawa eh nakaraan pa namin yun napapansin eh. Wala silang kibuan basta ang tahimik.

Wala naman kaming alam kung bakit tsaka ayaw din naman naming makialam pa.

Si Sophia naman hindi na kami masyadong naguusap kahit pa sabihin mong nasa iisang bahay lang kami. Hindi na kasi siya masyadong lumalabas sa kwarto niya siguro tuwing gabi nalang kung kailan tulog na kami.

Kumuha ako ng isang piatos pagtapos ay lumabas masyadong maingay dito kaya pumunta ako ng garden sumunod naman sakin si Farah.

"Patabi hehe!" Umusog naman ako ng kaunti para makatabi siya sakin.

"Sis Kamusta na kaya si Sophia no?" Sabi niya sabay kuha sa Piatos ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang si Gaga.

"Aba malay ko! Hindi nga tayo kinakausap eh!" Sabi ko habang kumakain.

"Galit kaba sa kaniya Sis?"

"Hindi naman. Naiinis lang ako sa kaniya kasi kaibigan niya tayo tapos hindi manlang siya magshare kung ano yung problema niya"

"Oo nga eh. Yun din ang iniisip ko ni hindi nga tayo kinakausap o pinupuntahan sa room natin eh. Pag tayo naman ang pupunta sa kaniya naka sarado ang door!" Mukhang batang sabi nito.

"Pa door-door kapa pwede namang pinto!" Inis kong sabi sa kaniya.

"Hehe! Sungit!"

"Tingin ko si Axel ang problema niya!" Sabi ko. Mabilis naman siyang napalingon sakin.

"Oo nga no! Ang talino mo talaga Hailey wow!"

"Oa mo gaga!"

"Hmp! Hindi kaya mahal niya pa si Axel?" Sabi naman niya. At kinuha ang piatos sa kamay ko kaya binatukan ko siya.

"Kumuha ka ng pagkain mo dun! Letse naman oh! Dinadaan moko sa kwento eh!"

"Hehehe!pahingi muna!"

"Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na matagal ko ng ipinagdamot?!"

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon