Chapter 45

7.6K 252 26
                                    

Kyla's POV

Para akong zombie na naglalakad ngayong umaga papuntang bahay.

Hindi ako umuwi kagabi. Sa park lang ako magdamag. Nagiisip ng sagot sa tanong ko na kahit alam kong sila lang ang makakasagot.

Sila lang.

Bakit ganito? Mali bang magmahal? Bakit kailangan nating masaktan pag dating sa pag-ibig?

Bakit Sinaktan niya ako?

Problema,problema,problema! Nakakainis! Kailan ba ako magiging masaya ulit? Kailan ba akong muling ngingiti ng walang iniindang sakit?

Kailan ba ulit?

Kung hanggang ngayon ay patuloy parin akong umiiyak dahil sa sakit.

Masaya kaya siya ngayon? Masaya kaya sila dahil sinaktan na nila ako? Siguro Oo.

Parang kailan lang dadamayan ako ni Keith tuwing malungkot ako at pag may problema.

Parang kailan lang laging nakatingin sakin si Ash at ngingiti.

Parang kailan lang nagmamahalan pa kami ni Axel.

Ako lang pala ang nagmahal.

Napahinto ako ng makitang nasa tapat na ako ng bahay namin. May nakaparadang itim na kotse.
Mukhang andito sila.

Pumasok ako sa bahay namin at nakita ko silang seryosong naguusap.

Si Nanay at Tatay kita ko sa mukha nila ang kanilang pag-aalala.

Sila naman ay nakita kong lumuha.

Masasagot narin ang tanong ko.

Unti-unti silang lumapit sakin habang umiiyak.

"Sophia" Sabay nilang banggit at mahigpit akong niyakap.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at niyakap silang pabalik.

Nakita ko ulit ang mukha nila Nanay at tatay. Masaya sila Pero may halong lungkot.

Mas lalong humigpit ang yakap nila sakin na tila ba ayaw akong pakawalan.

Ng medyo hindi na ako makahinga ay kumalas kami sa pagkakayakap.

Hanggang ngayon ang hirap paring paniwalaan.

Kita ko sa mukha nila ang saya.

"B-bakit?" Halos pabulong kong sabi. Pero alam kong rinig nila iyon. Kaya nagkatinginan silang apat bago tumango.

"Maupo ka Anak" Mahinahong sabi ni Tatay. Agad akong sumunod at umupo nga " Makinig kang mabuti ha"

Tango nalang ang naisagot ko.

"Anak isa ako sa Naging body guard mo noong bata ka. Nagtrabaho ako sa mga Jennings bilang driver at body guard mo. Wala akong anak noon kaya naman ay isang Anak ang turing ko sa'yo." Ngumiti muna siya sakin at tinuloy ulit "Minsan nga ayaw mo pang pumasok sa school dahil hindi ako ang maghahatid sa'yo eh. Kasi nga may ginagawa ako Pero dahil iiyak ka naman ay iniwan ko nalang ang gawain ko para lang mahatid ka. Sobra mong tuwa noon at nagtatatalon ka pa"

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now