Chapter 59

7.2K 224 16
                                    

Sophia's POV

"itigil mo na 'to Sophia bago ka pa makagawa ng bagay na pagsisisihan mo!" Napayuko at huminga ng malalim bago ulit humarap kay Kuya. Sinabi niya sakin ang sinabi ng ex niya at yun ay ate ni Keith. Hindi ko akalain na magiging ganun kaliit ang mga mundo namin.

"K-kuya alam kong may nasaktan na 'ko pero kasi yung ginawa nila sakin eh---"

"Sophia naman! Lagi mo nalang ba idadahilan yan ha?! Hindi naman purket pinapatigil na kita dito sa paghihiganti mo! Eh babalik kana sa dating mahina! Kailangan mo lang maging malakas at matutong ipagtanggol ang sarili mo sa iba!"

Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Kuya. Naiinis ako sa sarili ko at kay Kuya!

"Kuya! Akala ko ba hindi masamang gumanti ha?!" Sigaw ko sa kaniya.

Siya na nga ang nagsabi nun sakin eh! Tapos ngayon pagsasabihan niya 'ko?!

"Sinabi ko sayo yan dati! Pero sabi ko naman sa'yo diba? Wag ka lang kakainin ng galit mo! Eh pucha naman Sophia! Halos mapatay mo na sila hindi nga ikaw ang mismong bumugbog sa kanila eh ikaw naman ang nagutos! Jusko naman Sophia okay lang sana yung ipahiya mo sila eh! Oh ano! Pero yung araw-araw na pahirapan sila tingin mo ba makakaya ng katawan nila 'yon ha?! Eh paano kung hindi kita nahuli ng gabing yun ha?! Edi napapatay mo na sila?!" Galit na sabi niya sakin.

"H-hindi ko naman sinasadya na masabi ko yun Kuya eh!" Sabi ko.

"Tigil-tigilan mo 'ko Sophia ha! Itigil mo na 'to. 'Bat kaba nagkakaganyan?!" Galit na tanong niya sakin.

"H-hindi ko alam kuya. Hindi ko alam" sabi ko sabay yuko.

"Dahil ba kay Axel?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Mahal mo pa nga siya." Pabulong niyang sabi.

"Hindi ko maintindihan Kuya" papaiyak kong sabi.

"Basta itigil mo na 'to baby sis. Pinapatigil kita hindi dahil sa mas kinakampihan ko sila. Pinapatigil kita para sa kapakanan mo mahirap makagawa ng isang bagay na pagsisisihan Sophia" at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Hays!

Tama siya siguro nga kailangan ko ng itigil 'to pero hindi ko kailangan na bumalik sa dating mahina. Kailangan ko lang maging matapang.

Tama nga siguro si Kuya.

Umilaw ang Phone ko kaya napatingin ako doon.

Si A-axel?

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon