Chapter 62

6.8K 300 19
                                    

Sophia's POV

"Ikaw na kasi!"

"Ikaw na nga!"

"Ikaw na baka sipain ako eh!"

"Gaga ikaw na kasi!"

"Pakyu naman to oh sige na nga!"

"Ay walanjo hindi mo naman kinatok eh!"

"Eh kasi baka magalit!"

"Tuktukan kaya kita dalian mo na!"

"Gaga ikaw na nga!"

"Sabay tayo"

"Sige sige!"

"1..2..3.."

Sabay kaming kumatok ni Farah sa kwarto ni Hailey tanghali na kasi eh! Kadalasan naman maaga nagigising yun tsaka tingin namin kasi may problema siya eh syempre kaibigan niya kami kaya ramdam namin yun. Minsan lang siya maging ganto.

Binuksan niya yung pinto at nagulat kami ni Farah sa itsura niya ngayon masyadong malamig ang mga titig niya.

"S-sis anong nangyari dyan sa pisngi mo? 'Bat namumula? Tsaka bat may kalmot ka dyan sa may bandang noo mo?" Tanong ni Farah kaya agad ko ring napansin yun. Nilock ko muna ang pinto pagtapos ay tumabi sa kanila ano bang nangyari dito?! Halata ring umiyak eh.

"Sinugod ako ni Kaitlin kahapon." Simpleng sagot niya kaya nagkatinginan kami ni Farah. Pakiramdam namin para siyang natatamad na kausap kami masyado siyang cold.

"E-eh! Gago yung babaeng yun eh! Bat ka naman sinugod?!" Naiinis na tanong ni Farah.

"Kala niya kami ni Ashton at kala niya naglalandian kami"

Saglit kaming natahimik nagkatinginan kami ni Farah. Hindi kasi samin nakatingin si Hailey eh nakaiwas siya ng tingin.

"A-ah s-sis umiyak kaba?" Tanong ko.

"Yeah"

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Nahanap ko na ulit siya" mabilis kaming nagkatinginan ulit ni Farah habang naka-kunot ang noo sino bang tinutukoy neto?

"Nagkita na ulit kami." Dagdag niya pa.

"Sis sino ba tinutukoy mo?" Tanong ni Farah.

"Yung lalaking matagal ko ng hinihintay." Sagot niya at lalong napakunot ang noo ko ng tumingin siya sakin.

Nagulat kami sa sinabi niya,sino?

"May h-hinihintay ka pala sis?"

"Yeah"

"Bat hindi namin alam?" Tanong ko.

"Dahil akala ko hindi na siya babalik kaya hindi ko na nasabi sa inyo"

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now