Chapter 24

7K 234 25
                                    

Keith's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa may room ko tsk. Malapit nanaman akong malate nito. Okay lang naman kasi ang tunay na gwapo laging late ^_^

Nakita ko si Kyla na may kausap na lalaki at mukhang sinisigawan sya nung lalaki maya-maya bigla nyang tinulak si Kyla aba! Loko to ah hindi nya ba alam yung salitang respeto sa babae?

Nilapitan ko si Kyla at tinayo ko sya tumingin ako sa Lalaki tinulak ko sya napahiga naman sya sa lakas nang tulak ko.

"Gago ka ba? Rumespeto ka nga sa babae!" Sigaw ko sa kanya unti unti naman syang tumayo.

"Hah? Hindi sya kailangan irespeto hindi sya tumitingin sa dinadaanan nya! Tanga nya!" Aba tinanga pa talaga si Kyla tigas ng panga netong hayop na to!

"Gago! Mas tanga ka!" Hinawakan naman ni Kyla yung braso ko para patigilin ako.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Paano kung nasugatan yung gwapo kong mukha?!" Nainis ako sa narinig ko gwapo? Eh pucha one seat apart nga yung ngipin tsaka yabang nito gwapo daw sya huh? No way! Ako yung gwapo dito no!

"Problema sayo! Gwapong gwapo ka sa sarili mo pero yung mukha mo panget na panget na sayo!" Sigaw ko sa kanya halata namang nainis sya sa sinabi ko kaya nagdabog paalis wahahahaha! Dapat lang sa kanya yan letse sya!

"Keith dapat hindi muna pinatulan eh" sabi sakin ni Kyla kahit kailan talaga ang bait nitong babae na 'to eh kahit nasasaktan na.

"Kyla Dapat nirerespeto ka nya dahil babae ka tara na late na tayo oh" sabi ko sa kanya.

"Pero salamat ^_^" sabi nya sakin.

"Welcome" sabi ko at kumindat sa kanya tsaka inakbayan sya.

Pagpasok namin sa room samin agad nakatingin yung mga classmate ko biglang tinanggal ni Kyla yung pagkakaakbay ko sa kanya at dumiretso na sya sa upuan nya ganun din naman ang ginawa ko.

Pangalawang subject na tsk! Ang boring Kasi naman eh Math pa!

Tinignan ko si Kyla at Axel mukhang hindi sila nag papansinan ngayon ah. Hahaha! Yung nangyari nga pala sa library kahapon.

Bigla akong may naisip gawin para sa kanila hahahaha! Sakto naman na nagpaalam na yung prof namin kaya Lunch na hihi ^_^

"Kyla sabay ka samin mag lunch hah hindi ka sumabay kahapon" sabi ko sakanya.

Nagisip naman sya ng unti maya maya pumayag narin sya inakbayan ko sya papunta sa may Cafeteria oh bakit akbay lang naman to ah.

Umupo na kami at si Ash nalang daw yung oorder para samin haha ang bait talaga ni Ash kaya mal na mal ko yan eh!

Nakarating na si Ash dala yung mga order namin.

"Ash samahan mo nga ako sa library may kukunin akong libro eh^_^" sabi ko at ngumiti sa kanya ng malapad.

"Gago! Ikaw manghihiram ng libro? HAHAHAHA! patawa ka!" Aba purket hindi ako masyadong nakikinig sa mga subjects ginaganto ako ni Ash ah.

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon