Chapter 7

7.5K 266 14
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nung nakita ko sila ano ba yung meron sa kanila? Nandito ako ngayon sa Rooftop umiinom ng tubig. Kailan kaya magigising si tatay? Hindi parin kami nakabayad sa Hospital dahil nga gipit kami.

"Kyla" Agad akong napatingin sa tumawag sakin.

"Bakit?"

"Alam kong nakita mo kami"Sabi niya.

"H-hah? Saan?"

"Sa park." Maikli nyang sagot.

"Huh?"

"Tsk! Kung ano man yung nakita mo wala yun"

"Wala lang naman talaga sakin yun"

"Baka kasi ipagkalat mo , Kung ano yung nakita mo" sabi niya at umalis.

"Teka lang"pagpigil ko sa kanya.

"Bakit ko naman pagkakalat yun Axel Wala naman akong kaibigan" Saad ko. Tsaka wala naman akong pakialam sa kanila ni Amanda e.

Naglakad nalang ako para magbasa ng libro sa Room. Ng makarating ako ay agad akong umupo pero parang may mali.

"Kyla halika nga dito Sulat mo daw to sabi ni Maam" utos sakin ni Amanda.

Pagtayo ko ay agad na nagtawanan yung mga classmate ko tinignan ko yung palda ko at may kulay pula hah? Pano nangyari to eh tapos nako nung nakaraang linggo pa.

"HAHAHA" tawa nila Amanda.
Teka amoy! Pintura!!!! Agad akong tumakbo sa Cr at pumasok sa isang cubicle. Sinubukan kong Tanggalin pero ayaw matanggal! May narinig akong pumasok sa Cr. Pero agad ding lumabas.

Lumabas ako sa cubicle para makita kung may tao ba , pero may nakita akong isang plastik tinignan ko iyon May isang palda doon at nakasulat ang pangalan ko.

Kinuha ko na iyon at nagpalit , paglabas ko ng Cr. Ay wala namang tao balak ko sanang pasalamatan yung nagbigay nito sakin kaso hindi ko naman alam kung sino , tsaka wala naman akong kaibigan dito?

Bumalik na ako sa room at nakita kong nasa upuan ko si Amanda katabi si Axel.

"Ahh Amanda dyaan yung upuan ko"

"Nakikita mong nakaupo ako diba dun ka nalang sa Likod." Sabi niya sakin habang nakataas ang kilay.

"Sige , kukunin ko lang yung bag ko."

"Ako na Ay sige ikaw na pala baka mamaya may dumi pa yan"
Tumayo siya para makuha ko yung bag ko , tumingin sya sa palda ko at umirap.

"Bilisan mo naman Kyla! Nag uusap kami ni Axel ee Ang bagal mo naman!" Sigaw niya sakin kaya Lahat ay napatingin sa gawi ko.

Pumunta nalang ako sa likod at doon umupo. Pumasok na rin yung Math teacher namin.
Kinuha ko yung cellphone ko dahil naramdaman kong may nagtext si nanay bubuksan ko na sana kaso sumigaw si Amanda.

"Maam si Santos po , Nagcecellphone lang!"

"Ms Santos!" Sigaw sakin ni Ms. Dela cruz.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now