Chapter 30

7.3K 328 41
                                    

Kyla's POV

"Ayabyu Mommy"

"Ayabyu daddy"

"And Ayabyu Kuya hihi"

"I love you too baby sis"

"I love you more Princess"

Napatayo ako kaagad sa kama ko. Malelate na pala ako hala!!

Dali dali akong pumunta sa cr para maligo sino kaya yung nasa panaginip ko? Ang saya naman nila hindi ko nga lang masyadong maaninag yung mga mukha nila. Hay! Namiss ko tuloy sila nanay at tatay.

Pagtapos kong maligo ay nagmadali akong magbihis at bumaba na wala nakong time para kumain pa huhu! Gutom na ako sa cafeteria na nga lang!

Pagtapos kong i-lock ang pinto ay nakita ko sya sa labas nakasandal sa kotse nya ang cool nya talaga tignan pag naka ganun! Ay takte malelate na nga pala ako. Bakit ba kasi andito si Axel eh.

Nilapitan ko sya pero nakatingin lang sya sakin.

"Ahh--Bakit ka Andito?" Tanong ko medyo awkward nga eh kasi kahapon di manlang kami nagusap bago umuwi tapos di nya rin ako pinansin! Ay oo nga pala kasama si Amanda.

"Sinusundo ka"tipid nyang sagot.

"H-huh? Ah hindi na okay lang" sabi ko hala!! Ang awkward talaga huhu!

" Nah Sabay tayo papasok" sabi nya.

"Uhh- Kyla?"

"Bakit" tinignan ko sya ng diretso sa mata ang gwapo nya talaga.

"Sorry huh. A-ano kasi eh hinaya akong ng daddy ni Amanda kahapon sa Mansyon nila para sa dinner kaya hindi na kita nasabayan"

"Okay lang" sabi ko at ngumiti. Kaya pala ang saya-saya ni Amanda eh.

"And I'm sorry kung hindi kita napansin kahapon m-masakit kasi ulo ko" paliwanag nya masakit lang ulo nya hindi na nya ako pinansin? Ang labo talaga nito ni Axel.

"Ah ganun ba okay lang" ngumiti nalang ako sa kanya pero parang may gusto pa syang sabihin eh."may sasabihin kapa?"

"Uhh-ano hmm. I-- m-miss y-you"

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko tapos pakiramdam ko namumula na ako. Waaaaahh kinikilig ba ko? Kahit unting oras lang ang hindi kami nagpansinan kahapon ay namiss ko rin kausap itong abnormal na to eh. ^___^

"Namumula ka" sabi nya at nakangiti ng nakakaloko.

Umiwas naman agad ako ng tingin sa kanya.

"May sasabihin ka?" Tanong nya. Mukha ngang nag aantay sya ng sasabihin ko.

"Hehe wala" tipid kong sagot nakita ko namang nalungkot yung mukha nya.

"Ah- I miss you too" ngumiti nanaman sya ng nakakaloko pagkasabi ko nun.

"Tara na late na tayo eh" sabi ko.

THE POOR GIRL'S REVENGEWhere stories live. Discover now