Chapter 61

7K 216 54
                                    

Farah's POV

"Errbody say la la la la la~" kanta ko habang naglalakad naghahanap ako ng taxi nyeta tagal tagal!

Nagsimba kasi ako alam niyo na mabait na maganda hihi! Tatawagan ko sana si Hailey kaso wala akong load eh! Umalis din kasi yun! Taray no? Naka iphone ako pero wala akong load hehe wag kayong ano! Dual sim to! Hehehe.

"Ano bayan walang taxi!" Inis kong bulong nagugutom pa 'ko huhuhu!

Sana may isang hulog ng langit na papasakayin ako at ipupunta sa jollibee! Hihi.

Tapos syempre gwapo ahe~

Napatingin ako sa braso ko dahil may pumatak tapos sunod-sunod na! Ay putspa umuulan bes umuulan hoy! Umuulan sinampay niyo! Kengene. Tapos wala pang taxi?! Wala naman sinabi si kuya Kim na uulan eh!

Mabilis akong tumakbo syempre yung dahan dahan slow motion ganern! Tapos sakto naka dress ako tapos nakabuhagbuhag pa yung buhok ko. Tapos humangin sabay tingin sa likod oh edi model ang peg ko! Hehe~

"Sakay na!" Napatingin ako sa pamilyar na boses na 'yon shete sabi ko hulog ng langit hindi nakulangan ng height! Jusko! Si pandak sinasakay ako papayag ba 'ko?

"Eh wag na!" Sabi ko.

"Psh! Dalian mo na mahirap sumakay dahil umuulan na oh! Magkasakit ka pa eh!" Tapos binuksan niya yung pinto ng kotse niya.

"O-okay!" Umirap muna ako bago dahan-dahan na pumasok sa kotse niya syempre pabebe muna ganern!

Pagpasok ko sa kotse niya kengene muntik na 'kong mainlove sa pabango niya! Yung pabango ha!

"San ba punta mo?" Tanong niya habang nagdri-drive.

"Ah sa Jollibee hehe!" Sabi ko.

"Ah same!"

"Pupunta ka rin?" Tanong ko.

"Yeah! Gutom na 'ko eh!"

"A-ah o-okay!" Akalain mo nga naman magkaparehas kami ng pupuntahan.

"Ahm pasensya na sa nasabi ko n-nakaraan ah! Yung unang- unang kita natin" pambasag niya ng katahimikan.

Tss naalala ko nanaman yung sinabi niya sakin dati!

"Namumula ka?" Sabi niya kaya napayuko kaagad ako.

"M-mainit kasi eh!" Palusot ko. Shet bat naman kasi ako namumula?!

"Huh? Ang lamig-lamig nga eh! Teka? Kinikilig kaba?" Nakangisi niyang tanong.

"Aba! Ang kapal din pala ng mukha mo no! Letse tong pandak na'to!"

"Hoy! Nag checherifer 'to wag kang ano!"

"Psh!"

Nakarating kami sa jollibee at mabilis akong humanap ng table bahala si Pandak don.

"Oh teka! Bat nandito ka sa table ko?" Sabi ko bigla-biglang umuupo dito eh!

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon