PROLOGUE

1.2K 17 1
                                    

*Beep Beep*

"Max! Come on, ang tagal mo talaga kahit kailan. Paniguradong tayo na naman hinihintay do'n."

"Tsk! 'to, di na nasanay. Pabayaan mo sila, no'ng minsan namang tayo nauna, sila naman ang late ha? Kaya dapat lang silang mag-antay ano!"

"Sabi mo nga minsan, 'yong minsang 'yon halos mabilang naman."

"Aba-aba, hoy Moselito! Sinasabi mo bang ako pa may kasalanan kaya tayo nalelate?! Eh, kung sapakin kaya kita?"

"Moses lang ang pangalan ko. Huwag mong dinadagdagan, Maxilita! Sumakay ka na nga lang at ilalagay ko pa 'tong mga gamit mong kala mo kung sa'n papunta."

"Heh! Maxine lang din ang pangalan ko, kaya huwag mong dinadagdagan, and about sa mga gamit ko, don't you worry, intensyon ko rin talagang paramihin 'yan para sa'yo."

"Ang sabihin mo, maarte ka lang."

"Urghh!! Oo na, panalo ka na. Makapasok na nga sa kotse mong bulok. Che!"

"I know right. Kung makabulok wagas, pero paborito naman. So weird my bestfriend."

"Bestfriend mo mukha mo! Ewan ko nga at naging bestfriend pa kita. Sising-sisi ako sobra."

"Sus! Aminin mo na kasing crush mo ko, kaya binestfriend mo ko. Anyhow, Ano bang hinahanap mo diyan sa bag mo at para bang nasuklaban ka ng langit?"

"Kasi 'yong dslr ko, di ko ata nadala. Nando'n pa naman mga pictures para sa documentary natin."

"Oh well, clumsy as ever Max, nailagay mo kaya kasama do'n sa ibang apparatus natin for documentary."

"Che! Oo na, Oo na. Magdrive ka na nga lang diy--- oh! What's this?"

"Anong what's this, what's this? Nauntog ka ba at pati cassette tape di mo alam?"

"Heh! Alam kong cassette tape 'to, kaya huwag mo 'kong pinipilosopo. What I mean is, ba't napunta 'to sa bag ko."

"Nagliligpit ka ng hindi mo alam ang pinagpapasok mo sa bag mo. Clumsy."

"Isang clumsy mo pa diyan, at baka black eye na talaga ang aabutin mo sa'kin."

"Oy! Sinasabi ko sa'yo, huwag na huwag mong idadamay ang mukha kong ubod ng gwapo, kung di... nako~ sinasabi ko sa'yo."

"Ano? Anong gagawin mo? Gusto mo atang ibuking kita kay tit— Hoy Max! 'to naman di mabiro. Ang hilig mo talagang gamiting pangblackmail si mommy sa'kin."

"Naman! Eh sino pa ba? Tsk. "

"Kung makairap, wagas! Nako."

"Kung makairap, ano Moses?"

"Sabi ko nga. Eh, ano ba kasing nakasulat diyan at baka random songs lang 'yan ng kung anong banda. I-play mo kaya."

"Ito na nga at sinasalang na. Buti at may cassette tape player pa 'tong kotse ng lolo mo."

"Malamang vintage car, eh di meron talag—and not all vintage car has it. Hasn't it?"

"Oo na, oo na. Wishing, Alois? Ito ba 'yong title?"

"Hm. O ngayon, may alam ka bang bandang ganyan ang pangalan?"

"Wala rin, baka horr---"

"Ssh! Tumahimik ka na, nagsisimula na ata."

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now