46th Blossom

116 1 0
                                    

"What's the problem Mose?"

Diretsong tanong agad ni Max ng makauwi sila ng kaibigan. Matapos maibaba ang dalang gamit ay nakahalukipkip na niya itong hinarap.

Ni hindi naman kasi sila nag-imikan ng nasa kotse pa, waring nagrereserbahan lamang 'nun ng kanya-kanyang tanong at dahilan para sa kanilang pag-uusap, at ngayon na nga iyon.

Pero imbes na sagutin siya ni Moses ay mas pinili pa atang isegway ang katanungan niya.

"Tss. Mas tama nga atang di nalang natin itinuloy 'tong issue na'to at nagstick na lamang sa luma, edi ngayon tapos na sana tayo. Geez. This is really useless."

Ano daw?! Parang di makapaniwala si Max sa sinabing 'yun ng kaibigan, dahilan para pagsalitaan na niya ito.

"Moses?! Umayos ka ha." usal pa niya dito.

"Bakit? Totoo naman ha? Ni email nga di natin makuha, tapos ngayon we don't have no choice but to wait until saturday? Oh come on! This is the lamest documentary, I tell you."

"Don't fool me Mose, alam kong di 'yan ang pinuputok ng butsi mo. So please! Can you just tell me the truth?"

Di nga paring paniwalang tugon ni Max na matikas lamang tinitignan ang kaibigan. Pero sa pangalawang pagkakataon ay waring yelong di matinag si Mose sa totoong hinaing nito.

Nababakas na dito ang pagsuko at mas pinili na lang na tumahimik. Kaya nagsalita na lamang ulit siya.

"I will never be your bestfriend for nothing Mose. Kilala kita, alam mo 'yan." sagot pa ni Max. Rason naman para mapabuntong-hininga na si Mose.

"Fine. I'm bothered. I'm just bothered, okay."

Isang simpleng sagot nito pero para sa kausap ay isang konpyusiyon na ito.

"Wait, what?! Y-you were bothered? From where?" di maintindihan tanong ni Max.

"From y-- Urgh. No! Nothing, just nevermind."

Tila pagdadalawang-isip pa ni Moses sa sasabihin, ni miski bawat galaw nito ay nakikiayon rin sa totoong nararamdaman.

"What is it Mose? Spill it." diretsang pagkumbinsi na lamang ni Max.

Papalag pa sana ulit ito pero napilitan narin ng sinamaan na siya ng tingin ng kaibigan. At sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga na naman.

~

"You."

Tila iniiwas pa niya ang tingin ng sabihin 'yun. Samantalang ngunot-noong konpyusiyon parin ang makikita kay Max.

"M-me? W-why is it from m--" tila may napagtanto naman agad si Max ng makita ang pamilyar na tinging 'yun ni Moses sa kanya waring di inasahan, kaya't napalitan ng gulat ang bawat salita niya.

"God Moses! That stare of yours. Geez. I can't believe this. H-how can it be?.." di nito makapaniwalang tugon.

Napasabunot na lamang ang kausap at mas pinili na lamang na tumalikod sa kanya. Pero dahil si Max ay ang dakilang Max, hindi nito pinalampas at malakas na pinilig ang kaibigan paharap sa kanya gamit ang paghawak nito sa braso.

"Tell me Mose? Are you jealous?" diretsang tanong niya.

Imbes na sumagot ng maayos, ay pinilig lamang ulit nito ang tingin sa ibang direksyon.

Di naman wari ni Max kung ba't siya tila nasisiyahan sa ayos na 'yun ni Moses, dahilan para lihim na ngiti na ang pinukol niya sa sarili ng di ito makatingin sa kanya.
"Don't laugh at me. Di ako clown." diing tugon ni Moses ng nakita pala ang mumunting ngiting niyang 'yun.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now