8th Bloom

158 5 0
                                    

"Napapansin ko atang, malapit kayo nitong araw ng anak ng mga Benzon ha?.. Nanliligaw ba 'yun sa'yo?"

Napatigil ako sa pagkain ng aming hapunan ng marinig ko 'yun mula kay mama.

"Nagkakilala lang po, pareho kasi kami na pinapasukang eskwelahan. Hangang dun lang po 'yon."

"Ganun ba? Buti naman kung ganun, may nakakasama ka pag-uwi, di ako gaanong mababahala." nakitaan ko man ng pagkaconcern sa sinabi niya, tila singbilis naman din 'yun ng pagkawala.

"Oh siya nak. Pagkatapos mo diyan, ikaw na rin maghugas ha, at dun na'ko sa salas ng matapos na din 'yung natitirang paper bag na ipambibili natin." Saka siya tumungo ng mainom ang huling basong tubig.

Nang matapos naman ako, ay agad ko ring sinunod ang sinabi niya. Nasa huling plato na ako ng paghuhugas ng narinig ko ang halinghing na boses ni mama galing salas. Dahilan para mapahigpit ang kapit ko sa hinahawakang plato.

Lagi naman eh. Lagi ko naman na naririnig 'yun galing sa kanya. Sa tuwing nagkakausap sila. Katumbas ng paulit-ulit ko ring puot at galit.

Piliin ko mang tanggapin ang lahat, di ko parin kaya. Di parin sapat.

"Ma, labas lang po ako." inaasahan ko ng isang tango lang din ang sagot niya sa'kin, kaya diretso nalang din akong lumabas. Ganito naman na talaga.

~

"Nandito ka na naman.. Spacing out again?"

At sa paulit-ulit ding 'yun, nandiyan si Alois para maibsan 'yun. At lubos akong nagpapasalamat dun, kasi aminin ko man sa hindi. His presence helped me a lot.

I bitterly chuckled. "Masasanay ka rin." Saka ko sinway ang inuupuang swing.

Umupo narin siya sa katabi kong swing, at napabuntong hininga ulit na halos namemorize ko na din.

"Alam mong hinding parating ganyan nalang Li.."

"Alam ko. Pero di ko parin kaya Lois.. Oo nga't sinisigaw na ng utak ko na kailangan ko na, pero pa'no ko naman 'yun ipagkasatuparan kung ang puso ko naman ang nagdidikta na hindi dapat? Na hindi pwede?"

"Na sa tuwing naririnig ko siya..sila. Naiinis parin ako. Kaya mas pipiliin ko na lang magbingi-bingihan at umiwas, kahit pilitin ko mang mawala, di padin."

Mataman niya lang akong tiningnan. Puno ng katahimikan ang paligid at wari'y nagsusukatan lang kami ng bawat hininga. Nang bigla na lamang siyang tumayo na pinagtataka ko.

"Dito ka lang. Hintayin mo'ko. May kukunin lang ako sandali. Babalik din ako agad."Saka siya umalis at naiwan ako.

Bumalik nga siya agad, dahil wala pang isang oras ay nakita ko na siyang tumayo sa harap ko at kinukuha ang kamay ko.

"Huy! Ba't mo ba ako hinihila? Sa'n mo'ko dadal--- teka? Dinala mo kotse mo? Sa'n ka pupunta?" Di siya sumagot, bagkus ay pinagbuksan niya lang ako ng pinto sa passenger seat.

Nung hindi ako pumasok, siya na ang kusang umalalay sa'kin papasok.

"Hindi saan ako pupunta, kundi saan tayo pupunta.." Sambit niya ng makapasok narin siya sa driver seat, saka ako tiningnan at inistart ang pag-andar nito.

Sa pagkakaalam kong sa isang ice cream na naman niya ko dadalhin, na nakaugalian narin. Kesyo nga daw pampalamig ng damdamin, ay di na'ko nagpatalo. Kaya napangunot-noo ako ng nilampasan lang namin 'yon, saka na'ko lakas loob na nagtanong sa kanya.

"Teka? May bagong ice cream shop ka bang nadiskubre? Nakalampas na tayo sa dati? Sa'n ba 'yan banda?" Kyuryoso kong tanong

Bumaling siya sa gawi ko, at nginitian lamang ako. "Just wait and see Li." At agad binalik ang tingin sa daan.

~

"What the! Anong gagawin natin dito?!" Histeriko kong angal sa kanya. Like, Seriously?! Hospital?!

Pero ang loko, nginitian lang ako, as if I was asking a lame question.

"I just can't help seeing you always at that playground, lonely Li."

Saka niya ko hinila papasok, na di ko rin nahindian nung huli.

What the?.. Psycho nga talaga. Tsk.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now