30th Gloom

109 3 0
                                    

"Li." Isang katok ng kung sino sa veranda ng kwarto ko ang nagpagising sa masarap ko ng pagtulog.

"Li. Wake up. Come on." Subok pang katok nito, as I tried to open my eyes.

Pawari naman akong namalikmata sa nakita. "Alois?" Antok ko paring sambit.

Ngumiti lang naman siya. "The one and only." Pagmamalaki pa nito.

Para naman akong nabalik sa wisyo ng mapagtantong di na sa panaginip ang kinakausap ko at totoo na talaga.

Napabalikwas tuloy ako ng di oras sa kama at pinagbuksan na siya. "How did you get here?!" Bulong kong sigaw.

Pero ang dumugho ay tumawa lang. "Nagulat ka ba? Simple. Umakyat lang naman ako."

"Wait, what?" Di ko parin makapaniwalang tanong.

Nginuso naman niya ang ginamit niyang hagdanan namin. As I histerically react. "Nag-aky--"

"Hey. Huwag ka ngang sumigaw. Mapagkamalan pa'kong magnanakaw sa'yo eh" sabay takip na nito sa bibig ko.

Agad ko namang tinanggal ang kamay niya. "Mapagkamalan ka talaga. Teka nga." Sabay sungaw kong tingin sa alarm clock ko sa loob.

"1:30 am?! Seryoso ka? Ginising mo ako ng ganitong oras?" Bulong kong sigaw ulit.

Ngumuso naman siya, waring na guilty sa ginawa. "Magpapakita na raw kasi ngayon ang meteor shower."Sabay kamot pa nito sa batok.

"And what is it going to do with me?" Parang irita ko ng sumbat.

"Iih. Li naman eh, diba sabi ko sabay nating aabangan 'yun?" Parang bata na niyang pagmamakaawa.

Oh right. Inimbita niya pala ako. "I never said yes, Alois." Pagtatanggi ko.

"But silence means yes, right?" Pamimilosopo pa niya sa'kin.

"Tss. Ah basta. Matutulog ako ulit. Mag-abang ka ng sa'yo. Aisht."

Babalik na sana ako pero ang ewan ay hinigit lang naman ako. "No. Sabay nating titignan 'yun. So let's go to your attic."

"What?!" Pahabol ko pa pero wala naring magawa kundi sumunod nalang. Wala eh. Higit na higit na ako. I'm still sleepy! For pete's sake.

~

"Did you have any telescope here, or something?" Tanong pa niya bago sumunod sa'kin ng sabihin kong wala.

Kaya heto kami ngayon at inaabangan na ang gusto niya. Pero lintek! Ang tagal namang magpakita. Antok na antok pa talaga ako.

"Alois.. Can we just sleep now and forget about that meteor shower thing? Gusto ko pang matulog, utang na loob."

Reklamo ko na habang napapakamot na sa ulo at waring mahuhulog na sa kawalan ang mga mata.

"Di. Malapit na. Konting tiis nalang." Interesanteng paghihintay parin niya sa kalangitan, habang ako ay napapasandig na lamang sa pader ng attic ko.

"Urgh. Naman eh. Anong oras naman kasi magpapakita 'yun? Gisingin mo nalang kaya ako kung meron na." Sabay hikab ko na.

Binalingan naman niya ako at lumapit muna sa'kin. Hinubad niya ang suot na jacket saka nilagay sa'kin. Hinaplos niya ang pisngi ko, waring binibigyan ako ng lakas para magising.

"2 am ang sabi. Kaya magmulat ka pa ng konti, okay?" Taliwas naman sa gusto niya ang gusto ng mga mata ko. Dahil tuwing binubuka ko ito ay bumabalik lang agad sa pagkakapikit.

"It's 10, 9, 8.. Come on Li. Wake up." Sabi pa niya habang tinatantsa ang pagdating nito sa relo niya.

"Hm.." Wala sa wisyo ko ng sambit , sabay higit niya sa'kin para umusog sa gitna.

"7, 6, 5, 4." Tuloy parin niya sa pagbilang.

"Hm. Happy new year." Parang ewan ko ng sagot at di parin mawaring nagkakamot sa ulo. Kasabay ng mumunting tawa narin niya.

"3, 2.." Ni hindi ko paring pansin sa huling bilang.

"1. Theirs the meteor shower, Li!" Sabay kurot nito sa batok ko.

"O-ouch! What the! ang sa--" pagkatigil ko sa sasabihin ng saktong pag-angat ko sa langit ay ang agad ko ring pagkakita sa inaasahan namin.

"Is that really a meteor shower?" Wala sa wisyo ko pang tanong ng bumaling sa kanya.

"Uhuh." Tatango-tango pa niyang sagot habang pilit tinatago ang mumunting tawa sa'kin.

"I-it's... It's beautiful." Pahabol ko pa bago binalik ulit ang tingin sa taas.

"Hm. So beautiful." Saka rin siya bumaling dito pero tumingin ulit sa'kin. "Really beautiful." Pahabol pa niya.

Pero di ko mawari kung ba't di ako mapakali sa titig niyang 'yun hangang sa matapos ang meteor shower. It's just too consuming, reason for me para ma-intimidate narin.

"Stop staring!" Reklamo ko.

Tumawa lang siya. "Sabi na eh. Magugustuhan mo." Pagmamalaking segway niya patungkol sa meteor shower.

"What if we'll make a wish." Dagdag niya pa.

"Ang alam ko sa shooting star 'yun diba?" Prenteng sagot ko.

Nangibit balikat lang siya. "Then let's try it then. Baka mas effective pa kaysa sa shooting star."

Nauna nga siyang pumikit, as I stare at him for awhile bago nga ako sumunod.

I hope he'll grant it, though.

~

"Anong winish mo?" Agaran niyang tanong matapos naming humiling.

"Kaya nga wish diba? Tss. Teka, bago ko makalimutan. Ang sakit ng kurot mo ha. Nahiya naman daw ako." Pasubali ko pang himas sa batok.

"Eh no choice na eh. Sleep lover ka kasi." Tukso pa nito sa'kin.

I groaned. "Di kaya.." Pagtanggi ko pa.

"Umuwi ka na nga. Matutulog na ako." Saka nga ako naunang bumaba sa kaniya, sabay sunod naman niya.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now