18th Bloom

150 5 1
                                    

Christmas eve na christmas eve pero lakas na ng pagkasungot ng araw ko. Naku naman.

"Clyd! Ano ba 'toh?! Ba't ang iksi? Naman eh~" ako na pilit binababa ang maiksing red dress na pinasuot sa'kin

"Sira! May dress bang di maiksi?"

"Meron naman talaga ha?" Pagmamaktol ko parin.

"Jusko Lord! Nagmumukha ka namang manang 'nun." Eksaheradang tugon niya.

"Tsk! Pepwede namang magjeans at red blouse lang. Ba't may padress-dress pa. Naman oh! Alam mo namang ayaw na ayaw kong naggaganito. Maliban nalang kung kelangan tal---"

"Ano? Maliban nalang kung kelangan talaga sa school? Compulsory, ganun? Naku Lianna Marie! Magdalaga ka na nga! Mas matanda ka pa sa'kin, pero mas matanda ka pa kung makaarte!Pss."

"Anong mas matanda makaarte? Naglilipstick at polbo na nga ako. Tsk. Tama na 'yun!" Nakapamewang ko ng sumbat.

"Oo nga. Naglilipstick at polbo na, pero hangang dun parin naman! At huwag na huwag mong gawing excuse ang pagiging late bloomer mo. Lumang-luma na 'yan."

"Urgh! Ah basta! Magbibihis ako. Nangangati na'ko putek! Kasalanan mo'to eh. May pasuggest-suggest ka pang dress code. Tsk!"

"Utot mo teh! Sige. Magpalit ka. Tingnan natin kung sino ang di babara sa isang kj! Sus~"

"Ewan ko sa'yo! Ang sabihin mo, intensyon mo talagang gawin."

Pero ang bajla tinawanan lang ako. "Alam mo naman pala eh. Ba't di ka tumutol kung ganun?"

"Heh! Pa'no naman ako makatutol kung last minute mo ng sinabi? Ewan ko sa'yo! Ikaw pa unang nagplano sa susuotin ko. Kaw'ng bakla ka! Urgh." Inuwestra ko pang sasapakin siya pero inilag lang ng dumugho na wala paring tigil sa kakatawa.

"Hahaha!! Palampasim mo nalang kasi Rie. 'Toh naman, minsanan lang naman 'toh eh. Dali na. Papagandahin na kita ng matapos na at makababa na tayo." Saka niya ko pinaupo sa tapat ng make-up kit niya. Naman!

"Oh? And for the last touch! Tentenenen!!!" Saka niya pinasuot ang 3 inch red high heels sa'kin, na ikinalaki ng mata ko. "Perfect!" Pahabol niya na may palakpak pang kasama.

"Seryoso ka?! Clyd!!! Urgh! You know I hate high heels! Eeie" diring-diri kong pagtanggal sa isinuot niya sa'kin.

"Nako naman Lian! Pagbigyan mo na'ko kahit ngayon lang. Alam mo namang ikaw ang bet kong figure." Histeriko na niyang reklamo.

"Edi ikaw ang maghigh heels! Tsk. Mag rurubber shoes ako, bahala ka diyan."

"Err. Rie naman eh~ kung pepwede sana. Matagal ko ng ginawa. Alam mo naman sina kuya, pinagbigyan lang akong magladlad, pero dapat lalaki parin ang porma. Kahit kating-kati narin akong nagsusuot ng pangtibo."

"Kaya nga sa'yo ko nalang pinagbuntong ang kaartehan ko diba? Kaya sige na Rie.. Pagbigyan mo na'ko, please, cousin.." Pagmamakaawa na talaga niya, with puppy eyes pa. Urgh! My weakness.

"Fine! Sige na, sige na. Ginagamit mo talaga 'yang pagpupuppy eyes mo! Heh." Saka nga ako napilitan ng magsuot.

"I know right?!" Saka na naman siya tumawa ulit.

"Tss. As if I have a choice." Paismid ko ng tugon, saka na nga kami lumabas na ng kwarto ko.

~

Pagkababa nga namin ay dumiretso agad kami sa labas. Dun kasi lahat magsalo-salo.

Nakita naming naghahanda pa sila para sa paparating na alas 12. Mag-aalas 10 pa naman kasi ngayon.

Rodney currently assembles the karaoke machine. Habang ang dalawang pamangkin namin na si Kazy at Candrei ay hinahanda ang mga gagamiting torotot. The rest. Sa mesa na nagpeprepare. Di pa lumalabas ang pamilya nina Alois, kaya nakitulong nalang din kami.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now