21st - the Gloom

106 3 0
                                    

Everyone seems to be excited with the coming new years' countdown. But It didn't felt enjoyable for me.

Mula nang dumating kami dito sa probinsya. All that's bugging me is Alois. Alois, Alois. And Alois.

Pero lintek lamang ang walang ganti! Di naman ako ganito kung mabahala sa isang bagay. Why, Alois.

"Tata Rie! Tata Rie! Gusto mo din ng sparkler?" Naputol lamang ako sa pag-iisip dahil sa tawag ng pamangkin kong si Jailus.

I smiled at her. "Meron pa ba? You need some help, baby?"

Isang tango naman ang sinagot niya. "Hm! Here!" Kanyang maligayang tugon.

I help her then. Pinailawan ko na din ang akin, as she was watching me excitingly.

"Lulu! Heto oh, salad nak. Dalawa na kayo ng Tata Rie niyan, ha?" Tawag ni Ate Riana na pinsan ko.

Nagpasalamat na din ako as Jailus and me shared the salad.

"Opo mama! Tata Rie. Pakihawak naman po muna." Saka ko nga kinuha ang sparkler na pinapahawak niya.

"Ta? Ayaw mo na?" Tanong nito ng napansin niyang di na'ko kumukuha."

"Di na. Sa'yo na 'yan."

"Okay!" Masiglang sagot niya, at bumalik narin sa pagkain.

I'm watching her every move. When some thoughts came up to my mind.

Innocence.

A child's innocence, that Alois once taught me. And here I am again. Remembering him. Tss.

But what if? What if I'll give it a try? Baka sakaling mapatunayan ko pa.

"Baby, Tata has a question." Panimula ko.

"Hm? What is it, Ta?" Na di parin mapigil sa pagkain. Halos di nga maintindihan ang sinabi.

"What does love mean for you?"

Napatigil naman siya sa pagkain. Saka ngumusong napatingala sa taas. Waring doon lamang makikita ang kasagutan sa tanong ko.

"Hm. Love is.."Waring nag-iisip parin niyang usal, habang nilalapat pa ang kutsarang ginamit sa baba ng labi. As I was just waiting for her answer.

"Ah! Love is Mama! Papa. Kuya. Lolang Sali. Toto Jude. Toto Emaj. Toto Clyd! Tata--" di na niya natuloy'ng pagbanggit ng pangalan. Cause I practically burst out laughing.

Di ko na mapigilan. Sa pag iisa-isa pa naman niyang usal sa mga pangalan na inaalala. Tapos may pabilang pa talaga sa daliri. So cute.

"Baby. Did you mean family?" Natatawa ko paring tugon.

"Oh? right! Yes! And of course my friends. I love my friends too!" Inosenteng pagbahagi niya. As I found my cue.

Friends. Friendship.

"Hmm.. Ba't mo naman love ang mga friends mo?"

"Because like family. Mabait din sila. Pinapasaya nila ako. They care when I tend to cry from slipping. Just like mama do. Tapos inaaway din nila ang nang-aaway sa'kin. Just like kuya. That's why I love them." Then she genuinely smiled at me.

"Sure ka bang good friends sila? Baka pinaplastik ka lang din nila, ha?"Sakay ko nalang sa pinagsasabi niya.

Napangunot-noo siya, as if may nasabi akong kinaweweirduhan niya.

"Plastik? Pa'no naman nila ako gagawing plastik?Di naman sila plastik. Tao naman sila."

Right! That's it, Lian. Bata ang kausap mo. For pete's sake!

Natatawang napahilamos nalang ako. "Oo nga pala baby. Pa'no nga naman sila maging plastik ano?" Pagsakay ko nalang sa namali kong usal.

"Kaya nga. Hmp! Tata Rie. Makalimutin na." Natawa nalang ako ulit sa pagreklamo niya.

"Ikaw tata Rie. Sinong love mo?" Prenteng tanong niya.

"Kayo lahat." Wala sa isip kong sagot.

"Hm? Kami lahat? Si Naynay Neyla? Lolang Sylia, tapos si Lolang Sali din. Si Mam--"

Di ko na naman mapigilang pagtawa sa pag iisa-isa ulit niya ng pangalan. "Kayo nga lahat. As we love kasi baby. We don't seek choices.. Even they're happy for you or not. You still need to love them. Because that's what makes you happy, and makes them happy too. Remember that okay?" As I tap her head.

Tumango naman siya. "So love ko din mga enemies ko? Sabi mo kasi don't seek choices. Kung ganun. Love ko sila. Kasi happy din parin ako, happy din sila kahit kaaway nila ako.

"Tapos ikaw Tata Rie. Love mo din ang friends mo at saka enemies. Kasi happy ka parin din. Tapos happy din sila. So it's a tie!" Inosenteng pagkonkluda niya. Na ikinagulat ko naman.

I was like eaten by my own words. So it really is true, though.

' That a child's word could even be better than the old ones.'

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now