11th Bloom

141 3 0
                                    

Naulit ang pagbisita namin ni Alois sa pamangkin niya, even after discharged from the hospital. Akala ko nga dun na ang huli, pero nagkamali ako.

Hindi naman kasi sinabi ng psychong 'yun na kasubdivision lang din pala namin ang Tito Danny niya at ang asawa nitong si Tita Britz. So obviously, gabi-gabi na nga naming binibisita ito.

Gustuhin ko mang tumanggi di ko na magawa kasi aminin ko man sa hindi, napalapit na rin ako sa pamangkin niya, like he is my own nephew as well.

Nung minsan ngang bumisita kami ulit sa bahay nito ay humingi na talaga ako ng pasensya. Kesyo ang kasama kong ewan eh wala rin namang balak. At home na at home pa nga eh.

Pero sabagay, relatives naman din niya 'yun, normal rin sigurong maging komportable siya. But not for me! Nakakahiya kaya. To the fact na hindi naman nila ako kaano-ano.

~

Those visits became a normal routine for us, until I realized how countless it is.

Includes to that countless is also the growing closeness between us Alois. Kung noon, naiirita pa'ko tuwing sumusulpot siya; ngayon, para na kaming tuod na halos magkasama na sa lahat ng bagay.

I don't know why, but I'm starting to find his presence tuwing di ko siya nakikita, like something's missing whenever we don't bond much. Maybe I'm already used to have a happy conversation with him. Maybe I'm already used to have him beside me.

~

Di ko rin maitatanggi na ang closeness naming 'yun ni Alois ay maghahatid rin pala ng iba't-ibang spekulasyon para sa iba. Sa mga nakakakilala sa'min. Specifically, sa campus.

Gaya nalang, ngayon...

"Li, matanong lang kita ha?.." Tanong ni Trish, isa sa mga kagrupo ko.

"Ano 'yun?" Sagot ko naman.

"Napapadalas kasi ang pagkita namin 'dun sa Architecture student na kasama-sama mo.Anong real score mo 'dun, ha? Kayo ba? Ha? Pumapag-ibig na ba ang isang Lianna Marie? Huh? Huh?" Tukso niyang tanong na may pasundot-sundot pa sa tagiliran ko.

Di ko inasahan ang tanong niyang 'yun.  Dahilan para mapaisip rin ako. Possible nga kaya?

"Sino? Si Alois?..Seriously Trish? Naisip niyo talaga 'yan? Kaibigan ko lang siya. Hangang 'dun lang." Pagtanggi ko

"Anong hangang 'dun lang? Naku~ huwag kang pasiguro sa sinasabi mo Lianna Marie. Lahat ng love stories nagsisimula talaga sa pagiging magkaibigan. Kaya huwag ka diyan." Singit ni Nallie na nasa tabi ko lang.

"Agree! Possible talagang maging kayo Li. Sa closeness ba naman niyo ngayon?.. Naku~ alam na." Pagsang-ayon naman ni Haylz, isa pa naming kasama.

Napailing na lamang ako sa kanya-kanyang konklusyon nila. Parang ewan lang. Naku naman..

"Ang ewan niyo. Magkaibigan nga lang kami, okay.." Sagot ko

"Duh~ fine, fine. Magkaibigan lang." Sarkastikong sambit ni Haylz.

At dun na nga natapos ang diskusyon namin patungkol sa bagay na 'yun, at bumalik na lamang sa pagrereview para sa susunod na klase.

Pero di pa nga kami nakakalahati sa pagrereview ay napukaw na naman ito sa biglang pagsalita ni Nallie, na may tinitignan sa malayo habang hawak-hawak parin ang librong binabasa.

"My, my,my.. Tsk,tsk, tsk. Speaking of." Umiiling-iling pa niyang sabi kasabay ng pagsunod naman namin sa tinitignan niya.

And their we saw Alois na papalapit sa direksyon namin. Kaya pala. Heto na naman po sila..

~

"Pa'no ba 'yan?.. Alis na po kami Ms. Conrad." Si Trish na nagsisimula ng magligpit ng kanyang mga gamit, sabay nina Nallie at Halyz na ganun din ang ginagawa.

"Ingatan mo siya lover boy ha?" Tugon ni Halyz ng makarating na nga si Alois sa pwesto namin, sabay tapik pa sa braso nito. As Alois only gave her that confused look.

Nallie chuckled then. "Ciao! for now Li. Mauna na muna kami." isang makahulugang tingin naman ang pinakita ko sa kanila. Wari'y nagsasabi na.. "Umayos nga kayo" Pero mukhang di man lang sila natinag bagkus ay nagpahabol pa talaga.

"Bye rin sa'yo lover boy." Tugon nito bago hinigit ang bawat isa, saka kami kinawayan at tuluyan na ngang umalis.

Naiwan kaming natahimik ni Alois, hangang siya na nga ang naunang nagsalita.

"What was that?.." Tiningnan pa niya sa huling pagkakataon ang papalayong bulto ng tatlo, saka nagdesisyong umupo at tignan ako.

"Nevermind." Agaran kong pagsagot, na kinibit-balikat lang naman din niya sa huli.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now