9th Bloom

171 5 0
                                    

"Mommy!"

Tawag ni Alois sa ina ng makalabas ito sa kwartong pinasukan. Sabay beso dito.

"Oh, honey. Bumalik ka ata? May nAka-- oh? Sinama mo pala si Lian.. Hello, Hija."

"Magandang gabi po." Hiyang sambit ko sa mama niya.

"Magandang gabi rin sa'yo, hija." Tugon niya sa'kin saka bumaling ulit kay Alois.

"Siya anak,buti pa't pumasok na kayo sa loob at ng makamusta mo na ang tita mo, tatawagan ko lang ang papa mo,sandali."

"Ah ma, about that, pwede ba kaming bumisita muna sa nursery?"

Sa pagkakataong 'yun, nagpabaling-baling na ang tingin ng mama ni Alois sa aming dalawa, saka magiliw na ngumiti.

"Ikaw bahala anak."

~
Ilang minuto na kaming nakatayo dito sa labas ng nursery, hinahanap ang kung sino.

"Lopez.. Reyes.. Sebas---"

"Sino bang hinahanap mo diyan?" Halos maantok ko ng sambit.

"Benzon!"

"Ay, Benz-- Putek Alois! Gusto mo ata akong patayin sa gulat. Sira ka ba?" Gulat nga ako, sa lakas pa naman ng pagbigkas niya. Akala mo kung ano ng nangyari.

He chuckled. "Sorry Li, excited lang kasi akong makita ang pamangkin ko. So here he is! baby boy Benzon." Ngiting pinagmamasdan niya talaga ang pamangkin sa salamin.

Nakitingin narin ako tulad niya, nang may napagtanto ako, dahilan para harapin ko siya ulit na ngunot-noo.

"Teka nga, gusto mo lang palang bisitahin ang pamangkin mo, ba't dinamay mo pa'ko?" Napahalukipkip kong tugon

Hindi ko alam, pero matapos kong sabihin 'yun. Pakiramdam ko, ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa, wari'y naghihintayan lamang sa kung sinong maunang magsalita. Hangang siya na nga ang bumasag nito.

"Alam mo ba, may nabasa akong kwento patungkol sa mga bata. Sabi ng author dun. A child symbolizes innocence. Siguro kaya sinama kita dito Li, kasi gusto ko makita mo ang kainosentihan ng mundo. Gusto ko malaman mo na, minsan sa buhay natin.. Naging inosente rin pala tayo. I want you to know that Li." As he gave his warmest smile on me.

Nagulat man, di ko rin napigilang mamangha sa abilidad ni Alois. Hindi pa kami matagal na magkakilala, pero pakiramdam ko, mas kilala na niya ang tunay na ako kaysa sa iba. Kaysa sa sarili ko.

"You know what? Minsan naisip ko, ba't nga ba ang komportable kong pag-usapan ang problema ko sa'yo? Ni hindi pa nga tayo lubos na magkakilala, pero halos ang rami mo ng nalaman sa'kin. Bakit nga ba Lois?" Napasandal na'ko sa pader, wari'y doon makakakuha ng lakas para makapagsalita.

"Maybe, because, the best advice you could hear, is with a stranger." Napasandal nadin siya, tulad ko

"Pa'no mo naman nasasabi 'yan?" Kyuryoso kong tanong.

"Kaya kasi, ang komportable mong sabihin sa'kin lahat, kasi alam mong hindi pa kita kadaling mahusgahan, sa kadahilanang, hindi naman nga tayo magkakilala. Wala pa'kong alam sa'yo, at ganun ka rin sa'kin."

"Kaya madali para sa'tin ang mag-usap. Kasi pareho tayong inosente sa isa't-isa. Ganun ba Alois." Pagkonkluda ko

"Exactly Li. Just like a child..Just like Alzheimer." And their he is again, binibigay na naman ang simpleng ngiti para sa'kin. Kaya wala narin akong nagawa kundi suklian din 'yun ng aking ngiti.

~

"Aloysius!"

Naputol ng isang tinig ang aming pag-uusap. Dahilan para lingunin namin ito.

"Tita Britz! Tito Dan!" Tawag naman ni Alois dito, sabay beso sa kanyang tita, ngunit ang kanyang tito lamang ata ang nakakuha ng kanyang atensyon, sapagkat ang kanyang tita ay sa akin nakatuon.

"Whose this pretty lady beside you, Loysius, honey?" Sa wakas ay tanong ng kanyang tita na namalayan kong nakawheelchair pa pala, kaya inaalalayan ng kanyang tito na siyang tagatulak."

"Oh! I almost forgot. Tito, Tita.. This is Lian. Kaibigan ko po." Pagpakilala niya sa'kin.

"Magandang gabi po." Paggalang ko.

"Magandang gabi rin, Hija. I really thought your his girl. Sorry 'bout that." As she blissfuly chuckled.

Binalingan ko agad ng makahulugang tingin si Alois, wari'y nagsasabi na "What the hell Alois?" Buti at nahintindihan naman niya, at agad nagrason dito.

"Naku tita. Halos hindi pa nga ako matanggap nito bilang kaibigan, Girlfriend pa kaya." Ngiting aso niyang pagdahilan.

Palihim ko siyang siniko pagkatapos sabihin 'yun at ako na nga ang umayos na nagdahilan sa tita niya.

Pero parang biro lang ang tingin ng tita niya sa dahilan namin, dahil sinuklian lamang kami ng tawa, habang ang asawa nalang nito ang humingi ng pasensya sa kakulitan niya.

"By the way tita, hindi niyo pa po pala napangalanan si baby Benzon? Wala pa kasi kaming pangalang nakita ng tingnan namin ni Li."

"Actually, that's the reason why were here honey. We will fill up some form for your nephew's name."

"Oh, great! Can we suggest?" Magiliw na sambit ni Alois.

Mas lumaki naman ang ngiti ng tita niya ng marinig 'yun. "Very welcome Honey. Let's go!" As she clasped her hands, sabay tulak naman ng kanyang asawa sa wheelchair na kino-uupan niya. Saka naman kami sumunod ni Alois.

~

"She's really fond of Alois' name, di nga ako nagtaka nang si Alois ang pinaglihian niya nung buntis pa siya." Nailing bulong ng tito ni Alois sa tabi ko. "Baka nga isunod pa niya ang pangalan nito dito, eh." Pahabol niya, as he chuckled playfully.

Sasagot na sana ako, nang makuha ang atensyon ng tita niya sa'kin.

"Bakit po?" Sagot ko dito.

"You have any ideas, hija? I bet you have." Sambit nito na para bang siguradong-sigurado na may mabibigay ako.

"Po?" As I glanced the side of his Tito, na tinanguan lang rin ako sa huli.

Napakamot na lamang ako sa batok ng magsimulang magsalita.

"Uhm. I-i'm not sure if you like it po, pero as what Tito Dan here says, you were fond of Alois' name. So I was thinking if, you can just name your baby after him. Suggestion ko lang nam--"

Hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil sinabayan na ito ng magiliw na palakpak ni Alois.

"Great idea Li! Right tita? Para naman hindi na ako ang kukulitin mo sa pangalan ko. Because, obviously. You have your own! Right? Right?" Pagkumbinsi nito sa tita.

"Agree! Very well-- oh! But wait. Is it okay to you too, hon?" Tugon nito sa asawa, na nginitian lang din siya, bilang sagot.

"If that's what you love hon. Then it's okay."

"You sure?" Pagkumpirmang tanong pa ng tita niya, na tinanguan din sa huli ng asawa.

"Hm. Very sure."

Saka nakangiting bumaling ang tita niya sa aming dalawa. "Well then. It's been decided." Magiliw niyang tugon saka kinuha na ang form, at ng maisulat na ang pangalan ng anak.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now