51st Blossom

131 3 0
                                    

"This is it Max.."

Tila sabik na sabik ng tugon ni Moses sa gilid ng prompter kung saan papatapos na ang powerpount nila at hinahanda na lamang ang pinal na presentasyon para sa madla. Lian's interview.

Taliwas naman dito ang nararamdaman ni Max na waring di mapakali sa kakahanap ng nawawalang gamit sa gilid.

"My god, Mose! Ba't di ko mahagilap?!" natataranta pa nitong tugon habang patuloy paring nanghahalungkat sa shoulder bag niya.

"Ang alin, Max?" pag-usisa narin ni Mose ng maharap siya.

"Yung usb! My god! Nawawala pa ata.." pahisterya naring usal ni Max na napapakamot ng ulo. Tila ba nasisiraan na ng bait.

"Geez. Relax Max. Mahahanap rin natin 'yun. Nandiyan lang 'yan, ano ka ba." sagot na lamang ulit ni Moses.

"Anong relax Moselito?.. Seriously? Magrerelax pa ba tayo ngayon, well in fact nawawala ang usb na meron ang interview ni Ms. Lian?" irita namang sagot nito sa kanya.

"C'mon.. Ano ka ba. Huwag ka ngang mag-alala." swabeng sagot lang naman ni Moses.

"Heh! Anong huwag mag-alala?! Mose. Deadline natin ngayon, ano ba! Ni hindi mo nga ako tinutulungan dito, may relax-relax ka pang nalalaman. Tss. Ewan ko sa'yo." nakapamewang naring maktol ni Max.

Pero imbes na matinag ay waring di parin natatablan si Moses, kaya't sa tingin na ngayon ng kaibigan eh tila nang-aasar na siya.

"Trust me on this, okay." sagot pa niya dito.

"Heh. Trust mo mukha mo." sunod pang maktol ni Max.

Napapakamot na lamang ng ulo si Moses saka nilapitan ang kaibigan, sunod sa paghawak ng magkabilang balikat at pinaharap sa gawi ng stage.

"Alam kong ayaw mo talagang maniwala sa'kin. So their. See for yourself." tugon pa niya dito kasabay ng pagkagulat ni Max sa di inaasahang tao.

"I-is this a plan B?.." nauutal pa nitong baling sa kaibigan pero binalik rin agad ang tingin sa harap na agaran ring nangunot-noo.

"No way. It isn't. Plano mo talaga ito ano?" humarap naman ito ulit sa kanya na ikinibit-balikat lang rin niya pagkatapos.

"Hmm. Let's just say.. Surprise?" napapahawak namang nuwestra ni Moses sa kanyang baba na para bang pinag-isipan pa ang sasabihin kay Max.

"Without even telling me? Surprise, indeed. Tss." pagtatampo kunwari naman ni Max dito, kahit kabaliktaran naman dahil ang totoo ay masaya siya. Nagustuhan niya actually ang effort na ginawa ng kaibigan.

Kaya't para di mapansin nito ang tila mumunting ngiti na niyang pinipigilan ay masama niya itong tinignan saka tinuon na talaga ang tingin sa harap.

Pero mukhang di narin ata niya nakayanan na magpanggap na nainis dito, dahil bumaling siya sa gawi ng kaibigan saka mahigpit itong niyakap kasama ng mumunting tili na sapat lamang para di marinig ng iba.

"Hmp! I hate you for doing this without me knowing. But. Eeie~ Mosey.. I just can't say no for loving what you did. Thank you.."

Tila paglalambing na niyang tugon kay Moses na niyakap rin siya pabalik. "Hmm. Basta ba ikaw.. Alam mo naman 'yun diba?" sagot pa nito pabalik.

"Hm. Kaya nga love kita eh.." waring pabata-bata namang sagot ni Max matapos nilang humiwalay sa yakap.

"Sus.. Naglalambing na. Parang kanina lang galit ka naman." pakikisabay nalang rin ni Moses.

"Di kaya. Sinong may sabi. Sasapakin ko." maang-maangan pang sagot nito kaya't kinurot na lamang niya ang magkabilang pisngi nito dahil aminin man niya sa hindi. Nakukyutan narin siya sa inaasal ng kaibigan.

"Oo na, Oo na. Panalo kana. Makinig na nga lang tayo sa harap." sagot na lamang niya, at ayun nga ay nakatuon narin si Max sa bawat sinasabi ng di inaasahang tao.

Si Moses naman ay magiliw lamang na tinitignan ang masayang kaibigan. Bumaling man saglit sa harap ay di rin nagtagal at binalik rin ang tingin kay Max ng may naalala.

"Actually, di parin talaga 'yan ang main surprise ko.." bulong pa niya sa likuran nito.

"M-Meron pa?!" bulong naman nito pabalik ng nilingunan siya.

"Ahuh.." tango naman niyang sagot pabalik pagkatapos ay inuwestrang tinataas-baba ang mga kilay na para bang siguradong mahuhulaan agad ni Max kung ano. At di nga siya nagkamali ng gulat itong napatakip ng bibig waring di makapaniwala.

"Oh my god. Don't tell me?.. S-seyoso?!" tila nangangarap pang sambit nito.

Nangibit-balikat nalang rin ulit si Mose. "I told you, right?" sagot pa niya saka natawa pagkatapos na tumitili na naman siyang niyakap ni Max.

"Eeie~ Your the best, Mosey. Gosh! I can't wait. Oh my god!" tugon pa nito.

And so again. Natawa nalang rin ulit si Mose saka na nga rin nila itinuon ang pakikinig sa sarili nilang pinaghirapan.

Wishing, Alois |√On viuen les histories. Descobreix ara