[SPECIAL CHAPTER 3]

90 1 0
                                    

I was getting ready for work when someone just burst inside my room, and to see. Ang seloso ko lang palang boypren ang pumasok. Buti kakatapos ko lang ring makabihis.

And Oo, boypren! Sarap sapakin eh. For years that we've been on. 'Yang ugali na niyang  'yan ang ikinasusungot ko na. Grr.

"Oh? Ano na naman?" and as usual nakapamewang kong litanya sa kanya. Sabay sa pagkabusangot rin ng aking mukha. Huhue nalang.

"Xy~ tawag na niya sa'kin ngayon. Endearment in short. Magkikita na naman kayo ni Marion? Iba na 'yan ha? Pinalampas ko na ngang magkatrabaho kayo. Tapos ngayon lagi kayong magsasama sa iisang project."

"Magresign ka nga diyan. Ayokong naglalapit 'yan sayo 'yang Marioni~ Aray!"

Wala lang naman sa'kin ang pagkaseloso niya, but this time kasi. Basobrahan na. Kung alamin niya kaya muna si Marion bago manghusga? Tsk.

Kaya ayun natapunan ko na nga ng unan. Ang daldal. Mas masahol pa ata sa'kin sa kadaldalan. Minsan nga naisip ko. Mas mabuti sigurong di nalang naging kami. Mas kaya ko pa 'yung ugali niya 'nun kesa ngayon. Ka highblood! Sakit sa ulo.

"Ang sa'kit non ha?" dagdag pa nga niya. Mukha nga talagang babae sa kaartehan. Hay!

Napaikot ko na lamang ng tuluyan ang aking mata sa ka trip niyang ewan.

"Ang ingay mo. Bw*set! Tabi nga." pinatabi ko nga, saka dali-daling lumabas ng kwarto ko dala ang mga gamit.

"What? Xy! Di mo pa sinasagot ang tanong ko~"

~

Ayun nga, hangang sa nakababa ay humahabol parin sa'kin ang ugok. Nakakastress pa siya kesa sa trabaho ko, pramis!

Eh pati nga si mama, lagi nalang niyang nababahala. Sarap safakin ng todo-todo eh. Gaya ngayon. Napapansin niya tuloy ulit kami.

"Ano ba 'yan?~ Nag-aaway na naman kayo? Jusko naman mga kabataan oh. Kumain na nga lang kayo dito." pag-aya pa ni mama.

Ang isa naman, siyempre at home na at home na, eh mabilis pa sa alas kwatro pang umupo sa hapag-kainan namin. Habang hinihintay matapos si mama sa paghahanda. And As if naman papakainin ko siya. Tsk.

"Eh kasi naman po mommy. Yung anak niyong 'ya~ A-aray na naman! Xy! Naman oh."

Natapunan ko na nga ulit. This time, yung lipstick na kakatapos ko lang nagamit ang tinapon ko. Kaya't nasapul nga sa noo niya.

"Huwag mong tawaging mommy ang nanay ko. Hindi siya noodles para tawagin mong mami. May sarili kang nanay! Huwag kang mang-agaw!"

Pamimilosopa ko nga, saka agaran ring pagbawi ko sa lipstick na tinapon. Narinig ko pa nga ang tawa ng kapatid ko at saglit na tawa ni mama, kung di nga lang niya naalala ang ginawa ko kay Moses. Di sana ako mapapagalutan.

"Maxine. Nasa hapag-kainan tayo. Huwag kang bastos." pangangaral nga niya.

"Kaya nga~ Aww.."palihim ko nga siyang kinurot sa tagiliran kaya agad-agad napadaing ng pabulong. Buti nalang at di na napansin ni Mama.

"Ma~" baling ko na lamang reklamo kay Mama na napailing na lang rin.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Ayusin niyo 'yan." dagdag pangangaral na nga niya.

Kasabay 'nun ay kakatapos lang ring paghahanda ni mama ng agahan. Mas mauuna pa ngang kukuha ng sandwich ang ewan pero dahil seryoso akong ayaw siyang pakainin. Inagaw ko agad ang nakuha niya saka siya hinila para makatayo at di narin nakakuha ng isa pa.

"Alis na kami Ma." paalam ko na nga kay mama bago dire-diretsong lumabas ng pintuan.

"Pakainin mo 'yang boyfriend mo." rinig ko pang usal niya, kaya't nalingon ko nalang rin ang hinihila kong boy- whatever. As if pakainin ko 'toh. Galit ako, nek nek niya. Tss.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now