43rd Blossom

96 1 0
                                    

"Mose. Namataan mo na ba sila?"

Paunang tanong ni Max as day 2 starts, at ilang minuto na pero hindi parin dumarating ang hinihintay nila.

"Wala pa nga. Geez Max. I can't believe you're actually anxious right now. It's so not you." prenteng sagot naman ni Moses.

Pawang namimilosopo pa ata ito, kaya't nilingonan ito agad ni Max ng may masamang tingin at inuwestrang tinaas ang kamay.

"Gusto mo ng sapak? Okay na okay talaga toh. Libreng-libre.." pagpipilosopang banat narin nito. Kaya't hinawakan naman ni Moses ang palapulsuhan nito para mababa.

"Toh naman. Di na mabiro. Come on, Max. Relax ka nga lang. We still have an hour before the program starts. Darating din ang mga 'yun." pagkukumbinsi pa niya dito.

"Di mabiro daw. Eh ikaw ngang atat na atat na pumunta na dito. Kumpyansa ka lang kasi alam mong maaga pa pala tayo. Tss. Pinasa pa talaga sa'kin." sagot nalang ulit ni Max.

"Pff.  Fine, fine. Ako na po ang talo." tinaas pa ni Moses ang dalawang kamay,  waring sumusuko.

"Tss. Buti alam mo." sarkastikong tugon nalang din ng kausap nung huli.

Natawa nalang talaga at nailing si Moses sa pagka mood swings ng kanyang kaibigan, at saktong pagbaba niya sa itinaas na mga kamay ay may tumawag na sa kanilang mga pamilyar na tinig.

"Oh. Nandito na pala sila." tawag atensyon agad ni Moses sa kaibigan na daling nilingunan din ang paparating.

"Ate, sorry. Ngayon lang kami. Kanina pa ba kayo?" agarang sambit ni Manthy ng makalapit na sa kanila, kasabay si Kris na tinanguan lamang sila bilang pagbati.

Magiliw na nginitian naman sila ni Max, iba sa kaninang init ng ulo sa kasamang bestfriend. "Nah. You're just in time." sabi pa nito at bumalik muna sa ginagawang pagchecheck sa gagamiting dslr niya.

"Mostly ba dito talaga ang venue na ginaganapan ng convention na sinasalihan niya? Ni Lian?" tanong na muna ni Moses ng busy'ng busy pa ang kaibigan.

Tumango agad si Manthy. "Hmp! Yes kuya. Pero nung last sa auditorium. Buti nga dito ulit sa SMX ngayon. Medyo maliit din kasi ang auditorium para sa convention nung una."

Tumango na lamang si Moses ng marinig ang interesanteng sagot ni Manthy. Saka sila lahat tumambay muna sa lobby na kalapit lamang sa papasukan nila. Di pa kasi ito bukas since di pa naman din nagsisimula ang saktong oras dito.

~

"Siya nga pala Toff." Ibang tawag ni Manthy kay Kris ng makaupo na sila sa bakanteng upuan ng restaurant.

"Hm? " simpleng sagot lang din nito.

"Nacurious lang kasi ako. Pa'no mo pa pala nakilala si Ms. Lian, kung gayong bagong panganak ka palang nun? Imposible naman kasing makilala mo pa siya na sa tantya ng cassette tape na ginawa niya was only a year matapos kang mapanganak."

"Hindi ka na naman niya siguro dinadalaw noh kung wala narin na ang tito mo. Besides,  it's not like relative karin niya, diba?"

Mahabang salaysay niya na pinakinggan di lamang ni Kris, pati ng dalawang kasama nila.

"Oo nga. Ba't nga ba?" singit na tanong narin ni Max na tipid lamang na nginitian ni Kris nung huli.

"Cause she actually still visits me even without tito's presence. She even brought me at their house then. Natigil rin agad 'yun when I aged 8. When she said that they were leaving with her mom."

"And since sabi niya e. Address ko lang daw sa bahay niya ang sulat pag gusto ko siyang sulatan. Yun nga ang ginawa ko, not until with my last letter. 'Yun nga ang nasa sa inyo ate." sagot pa nito.

"Hm? Bakit daw?" si Manthy ulit ngayon ang nagtanong na kinibit-balikat lamang ni Kris.

"Di ko alam. Basta naalala ko lang isang araw na ina-address ko narin siya bilang tita ko. I'm not sure,  pero sabi ni mama nun. Namimiss lang daw ata niya ang presence ni tito, kaya ganun. Siguro ayon nga." nangibit-balikat nalang ulit ito.

Para namang may malakas na hanging lumapit sa kanilang tatlo matapos sabihin 'yun ni Kris. And as if on cue after the tension. Si Moses na nga ang bumasag nito.
"So she really is something, huh?" tukoy pa nito kay Lian.

"Kung ganun, kailangan nga natin siyang makilala." dagdag pa niya na prenteng sumandal na sa inuupuan habang lalakeng nakadekwatro. Waring gusto ng masolusyunan ang ginagawang proyekto.

Tinanguan naman siya nina Max at Manthy, waring sumang-ayon sa sinabi niya.

"Oh! And about din pala sa activities niya sa convention kuya. After ng speech niya raw. May fansigning pa ata siyang gagawin. So fortunately, dun nga kayo makakakuha ng tyempo para makausap siya." dagdag bahagi pa ni Manthy.

"Great then. Pero diba sabi mo, free admission ang convention na'to? Wala rin namang bayad ang fansigning niya kung ganun?" tanong na ni Max.

"Yep, ate. But the thing is limited lang ang makakameet niya. Puno na nga eh ng makalista ako. So basically, isa lang dapat ang makakapasok. Since I decided na ipasa muna sa inyo ang nailista ko ng pangalan dun, dahil kailangan niyo nga."

"Thanks Manthy. Kung ganun ako na ang papa---"

"No, Max." pagtutol agad ni Moses dito na ikinagulat ng kanyang bestfriend nung huli.

"What? What do you mean Mose?" kunot-noo nitong sambit na.

Umayos naman si Moses sa pagkaupo bago isiniklop ang magkabilang kamay sa lamesa.

"I think it's better if Kris here, will go." sabay turo pa nito sa kaharap na ikinagulat nung huli.

"Kung either sa ating dalawa kasi ang pumasok. Sigurado ba tayong e. Entertain pa tayo ni Lian kung gayong ang alam niya lang naman ay fan niya lang tayo."

"Besides, kung e. Eopen natin sa kanya ang about sa tape na ginawa niya, baka magulat pa 'yun and worst, baka mapagkamalan pa tayong stalker. So I suggest if Kris will do the rest,  since they know each other already. "

Agarang pagsang-ayon ulit ni Manthy sa mahabang salaysay ni Moses. "I agree. Okay lang din naman sa'yo yun Toff diba?" wika pa nito kay Kris.

Nang hindi ito sumagot at mataman lang ang tingin, waring malalim na nagdesisyon sa sarili.  Sumabat na nga si Max.

"I'm okay with the idea too. But it seems Kris here is a bit preoccupied. So, okay lang ba---"

"It's okay. I'll do it."

Sa wakas ay sagot na nito. As Max ended the conversation with just a clap. "Well then. Let's do this!"

Huling wika pa nito, bago nga sila nagligpit na at pumunta na sa dadarausan na venue.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now