19th Bloom

140 4 0
                                    

"10, 9, 8..
7, 6, 5...
4, 3, 2..
1!.."

"Merry Christmas!!"

Sabay-sabay naming sigaw ng sa wakas ay sumapit na nga ang kaarawan ng diyos.

Ingay doon, ingay dito ang maririnig sa buong paligid. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang kainan at kantahan. Both my favorite.

Habang nagkakasayahan. Bigla akong kinalabit ni Clyd ng nasa hapag-kainan pa kami lahat.

"Alam mo, kung hindi ko lang kilala si Alois. Iisipin ko talagang pamamanhikan na 'tong araw na'to." Bulong niya.

Agad kong naitulak ang braso ko sa braso niya. Wari'y binabantaan. "Tumigil ka nga. Pa'no mo naman nasasabi 'yan, aber?" Ganting bulong ko narin.

"Tingnan mo nga? Kompleto ang pamilya na eh. Meet the parents lang ang peg teh? Taray~"Iniikot pa niya ang tingin sa pamilya ni Alois.

Lumapit siya sa tenga ko. "At saka, pagmasdan mo naman 'yang kaharap mo. Kung makatitig, parang ayaw ka na talagang pakawalan."

Sa sinabi niyang 'yun. Di ko narin naiwasang tignan ang katapat ko.

Nakakatitig nga talaga siya sa'kin, mukha pa ngang natauhan. Gulat kasi ang mukha niya ng nakatingin na'ko, saka nga siya umiwas at nilihis na lamang ang tingin sa iba.

What is it, Alois?

~

"Yanna! Dali. Kanta ka naman." Yaya ni ate Vyn sa'kin, habang inuwestra pa ang mic para kunin ko.

Napangiti ako. Lagi naman.
Saka ko nga kinuha ang mic sa kanya at kumanta.

So as I started singing. Still. Relief. My all-time outburst.

Marami-rami rin ang nakanta ko hangang sa nagdesisyon na nga akong tumigil na. Sabay nun ang pagsiklab ng isang fireworks display sa di kalayuan. Sapat lang na masaksihan namin.

Tingalaan kami lahat, hangang sa matapos ito. Pero kahit natapos man. Napansin ko si Alois na nasa ganun paring posisyon.

Kaya agad ko siyang nilapitan. "Hey." Panimulang tugon ko. Agaran naman ang pagbigay niya ng atensyon sa'kin, dahilan para malihis na ang tingin niya mula sa pagkatingala.

"Hey." Simpleng sagot niya. Saka naupo sa bakanteng upuan malapit sa kanya.

"Enjoying?" Prenteng tanong ko naman. Na para bang naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Saka narin akong tumabi sa kanyang umupo.

He chuckled then. Sabay kibit-balikat niya. "Yes. Very much. Di ko nga inasahan na marunong karin palang kumanta. Ma pasayaw ka pa nga. And the thing is. Your nicknames got me a headache!" As he chuckled again.

"Di ko nga minsan matukoy kung ano ba dapat iaddress ko sa'yo. Kasi tuwing may pagkakataon akong kausapin ang isa sa kapamilya mo, and then I'd jump to another, then into another? Iba't ibang pangalan ang naririnig ko. Well in fact, ikaw lang naman pala."

Natawa naman ako sa tuloy-tuloy na reklamo niya. "You'll get used to that Alois. Nasanay nga ako eh."

He chuckled again. "But seriously, Li. You really have the voice. Di ko talaga inasahan. Ang alam ko lang naman kasi eh mahilig ka lamang sa music. Tapos malalaman ko na lamang na mahilig ka din pala sa kantahan. Magaling ka talagang magtago, Ano?" As I gave him my playful smile.

"Then now you know. Pero seriously, Alois. Aside from talking to heavens who gives me contentment. Music does my stress reliever then. Kung ang iba iniiyakan ang problema. Dinadaan ko naman sa mga kanta ang akin. Then guess, it really did help a lot."

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now