29th Gloom

95 4 0
                                    

"Di naman siguro mabubura 'yun, ano?" Agaran kong tanong ng makapasok na kami sa kotse niya.

Natawa siya. "Ang paranoid mo. "Pa'no naman 'yun mabubura kung bato na nga pinangsulat mo, kahit nga ulan di na makayang mabura 'yun."

"Naninigurado lang naman. Baka lang kasi."

"Di nga 'yan." Saka na niya pinaadar ang kotse.

"Sa susunod na balik natin, gusto ko sunrise naman." Pagpauna ko ng plano.

"Grabe wala pa nga, may plano na agad." Pagsakay niya sa sinabi ko.

"Naman!" Taas-noo ko pang sabi.

"Alam mo, ang bipolar mo nga talaga ano? Kanina lang galit na galit ka pa sa'kin ,tapos ngayon para ka ng  batang gustong makuha na agad ang gusto." He chuckled again.

"You really are something, Li." Pahabol pa niya. As he is smiling now.

"Pss. Oo na. Magdrive ka na nga lang diyan." Saka nga siya nagfocus na sa pagmamameho.

~

Bago paman kami nakauwi ay bumaba pa kami panandalian para kumain sa nabaybay na kainan dahil gumagabi na nga at baka matagalan pa.

Malayo-layo rin pala kasi ang pinuntahan namin sa kabihasnan ng siyudad ayon sa kanya. Kaya nga busog na kami ng makarating.

"Sira. Ba't ka pa bumaba? Ang ewan nito. Nasa tabi lang naman bahay mo." Maktol ko agad.

"Haha. Feel ko lang, bawal?" Natawa narin ako at napailing.

"Bahala ka nga."saka nga siya umalis ng mahatid na niya ako sa tapat ng gate namin.

Pero ilang hakbang paman ang nalakad niya ay tinawag ko siya ulit.

"Sandali, Alois."

"Hm? Bakit, Li?" Sagot niya pabalik.

"May nakalimutan lang kasi ako." Saka ako lumapit sa kanya. And gave that kiss.

Just a kiss on his cheek. Na alam kong ikinabigla rin niya. Habang patay-malisyang nginitian lang siya pagkatapos.

"I just think you deserved it. So thank you Alois. Alam kong ang rami ko na ding utang sa'yo. Pero ni minsan di ko pa nasuklian 'yun."

Pahabol ko as he only stared at me dumbfounded. Sinamantala ko narin ang pagkalutang niya para umalis at pumasok na nga sa bahay.

___

"May meteor shower daw na darating next week. I was planning na sabay natin 'yung aabangan."

Agaran niyang paglapit ng kasalukuyan nagcocommunity service ang college of business sa likod bakod ng university. Kasali na nga ako.

"Seriously, Alois? Tinatanong mo talaga 'yan while I'm in the middle of cleaning?" Sarkastikong tugon ko sa kanya, kasabay ng pag-ayos naman sa suot na sumbrero.

"Toh naman, di lang naman 'yun ang pinunta ko dito. Oh." Sabay abot niya ng distilled water sa'kin.

Nangunot-noo naman ako. "Gusto mo ba akong balik-balikan ang C.R. Every now and then? Alam mo namang ang bilis ng metabolism ko. Tss." Di ko nga tinanggap ang bigay niya.

Tinuloy ko nalang ang paglilinis, habang sunod ng sunod naman siya sa'kin. Ang kulit lang talaga.

Ngumuso siya, waring may napansin. "Teka nga, let me guess. Meron ka ngayon noh? Ang sungit mo kasi."

"Then guess what, your right. Kaya huwag mo kong maistorbo-istorbo. Wala ako sa mood." Diretsa kong sagot.

Parang wala naman siyang narinig at mas tumawa pa. "Sige na nga. Alis na'ko."

And again. Nabigla na naman ako na siyang pagpunas niya sa pawisan kong noo. "Ang pawis na ng baby ko." Parang bata pa niyang sabi.

Kaya mas sinumpong ako ng kairitahan ng sinabayan pa niya ng biro gamit ang endearment na'yon. Urgh.

"Aloysius Kristoffer!!"

Tawag ko, kasabay naman ng pagmamadali na niyang pag-alis sa harap ko, habang mas tumawa pa talaga.

"Bye, Li. Basta aasahan kita ha?" Kaway pa niya palayo. As I was just looking at him sternly.

"Psst. Baby? Ano 'yun ha? Sigurado ka bang di pa talaga kayo nun, Lian? Umamin ka na kasi.." Agarang paglapit naman ni Haylz ng di na mahagilap si Alois.

Isa pa 'toh, eh. "Nagbiro lang 'yun. Huwag mo ngang bigyan ng meaning." Sagot ko naman.

Pero imbes na tumigil siya sa pag-uusisa ay mas tinuloy pa talaga.

"Weh? Huwag daw bigyan ng meaning. Eh may papahid na nga ng pawis. Sus~ Lian, ako pa talaga niloko mo."

"Isa mo pang usisa Hayliza. Baka ikaw pa unang masapak ko." Sambit ko na sa buong pangalan niya.

Ngumuso naman siya ng pinagsabihan ko. "Oo na. Sige na. Eto na nga, aalis na."

Kaya ayun nga siya't umalis na sa tabi ko. Narinig ko pa ang tawanan ng iba pa naming kaibigan ng lapitan niya.

Pero wala talaga ako sa mood para pansinin pa 'yun. Eh kasi nga. Meron ako.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now