MALDITA 4

1.3M 30.3K 6.7K
                                    

MALDITA 4

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din humuhupa ang inis ko kay Witch! I hate her face, her guts, her voice, her hair, her body, her attitude, her personality, her whole existance. I hate everything about her!

Oh, did I fogot to say I hate her? Whatever, if someone would ask me what hate means I will immediately answer Miranda. Believe it or not, the witch has a name!Gustuhin ko mang ihampas sa mukha nya ang lahat ng gamit ko sa pamamahay ko, nanghihinayang ako. Mas mahal pa sa buhay nya ang mga gamit ko.

Nagpalakad-lakad pa ako sa loob ng kwarto ko, nag-iisip ng magandang plano. Hindi ako papayag na matapos ang araw na 'to nang hindi ako nakakaganti sa'yo Miranda. Sinira mo ang araw ko, pwes sisirain ko naman ang araw-araw mo. Maling-mali ka ng kinalaban, pagsisisihan mo 'to. Sisiguraduhin kong hindi mo na gugustuhin pang tumira sa pamamahay ko.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Miranda the Witch at umpisahan na ang pagganti ko. Nakasalubong ko ang isang maid at agad ko syang tinanong.

"Nasaan si Witch?"

"Sino pong Witch?" Tanong nya na nagtataka. I rolled my eyes, hindi nga pala nila kilala si Witch.

"The ugly old maid."

"Ahh...si Miranda po."

"May iba pa bang matandang katulong na pangit dito?"

"Hmmm..."

"Wag kang mag-isip, hindi bagay sayo. Nasaan sya?"

"Nakita ko po sya sa garden nagpapahinga. Nagpatimpla pa nga po ng juice sakin 'yon eh tapos nagpakuha ng baked macaroni. At ito pa po Ms. Avah, nakataas pa ang paa habang nagbabasa ng magazine."

Aba at nagawa pa nyang magpahinga! Hanga din naman ako sa kapal ng balat nya.

"What's your name?"

"Rose Angelou po! Ay nako Ms. Avah, tama po kayo ayoko po talaga sa kanya. Kung makapag-utos akala mo sya ang nagpapasweldo saamin. Tapos sya walan---"

"Sinabi ko bang mag-kwento ka? I just ask for your name! Rose what? Hindi bagay sayo...from now on, ikaw na si Daldalita." Pagbibinyag ko sa kanya.

"Per-"

"Aarte pa?" Tanong ko at mabilis syang umiling.

Nagpunta ako sa garden at sinilip ang sitting pretty pero hindi naman pretty na si Miranda. Totoo nga ang kwento ni Daldalita. Sige lang Miranda, sulitin mo na ang pagpapahinga mo dyan dahil last mo na yan! Susulitin ko lang ang ibinabayad ng pamilya ko sa'yo. Papahirapan at papagurin kita nang husto magmula ngayon. You deserve to suffer.

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko. I know some people who love to watch others sufferings. Napangiti ako, mukhang mag-e-enjoy talaga ako sa mga gagawin ko kay Miranda. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na nag-text.

Wanna have some fun? Be here at my house by 5pm. I've got a life sized guinea pig. ;)

After I sent my message to my best friends, hinagis ko sa kama ko ang cellphone ko. Napapangiti ako sa mga naglalarong eksena sa utak ko habang nag-aayos. Hindi ko na maitago ang excitement na nararamdaman ko. Kawawang Miranda.

Lumabas ulit ako ng kwarto. Hinanap ko si Daldalita para sabihing ipaalam sa iba pang mga katulong na magbihis dahil may mga bisita ako. Mahigpit kong ipinaalala sa kanya na huwag na huwag nyang ipapaalam kay Miranda ang mga napag-usapan namin.

Maya-maya lang narinig ko na ang sunod-sunod na busina mula sa labas ng bahay ko. They're here.Pumunta na ako sa may pintuan para salubungin sila. Unang pumasok ng gate ang blackconvertible sports car ni Aira na sinundan ng hot pink SUV ni Frances and lastly ang dark blue Mercedez Benz ni Dhonna.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon